Coco Martin describes Angel Locsin as “napakalambing” and “napaka-mapagbigay”


Magkakaroon ba ng love scene sina Coco Martin at Angel Locsin para sa kanilang unang project together?

“Wala nga, e, nire-request ko,” ang birong sagot ni Angel sa kanyang solo press conference kahapon, April 24.

Sa unang pagkakataon ay mapapanood sina Coco Martin at Angel Locsin bilang isang engaged couple para sa drama anthology show ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya.

Si Coco ang gumanap bilang Garry Eraña, isa sa mga Special Action Force (SAF) commandos na nasawi sa trahedya na naganap sa Mamasapano, Mindanao. Si Angel naman ang gumanap bilang si Suzette Tucay, isang lawyer na fiancée ni Garry.

(Read: Coco Martin cries over MMK tribute for SAF 44; describes Angel Locsin as “napaka-humble na tao”)


Mayroon ba silang na-shoot na kissing scene sina Coco at Angel? “Mayroong isang lumusot yata,” ani Angel habang naka-ngiti.






Sa hiwalay na panayam kay Coco noong April 23, natanong si Coco kung willing siya na makatrabaho ulit si Angel pero sa pelikula naman.

“Hindi lang po movie. Hahaha! Kung magkakaroon ng pagkakataon sana makagawa kami ng teleserye o pelikula.

“Actually, nakakatawa nga yung kwento naming dalawa, e. Every time na nagkikita kami sa kahit na ano’ng party or whatever na occasion dito sa ABS-CBN, lagi kaming nagsasabi trabaho naman tayo. ‘Tara,’ ganyan-ganyan.

“Tapos ang nangyari dumating yung time na tinawagan ako ni Roda [dela Cerna, ang production manager ng MMK] para i-present sa akin yung kwento, ibibigay niya sa akin yung script. Nagulat ako, sabi niyang ganoon, ‘Kakausapin ka raw ni Angel.’ Binigay kay Angel yung phone. ‘Co, ako ang makakasama dito.’

“As in from bahay, kakaalis ko lang ng bahay, hinintay niya ako sa ABS-CBN, siya ang nag-ayos ng schedule namin at lahat-lahat dahil gusto niyang magkatrabaho kaming dalawa.

“E, ako, sobrang tagal ko ng gusto ko nang hinihintay na magkasama kami. E, hindi kami mabigyan ng pagkakataon kasi yung mga schedule namin, may ginagawa ako’ng soap, siya libre. Kapag ako naman ang libre, siya naman ang may ginagawa, hindi magkatugma.”

Natutuwa si Coco na nagkaroon siya ng pagkakataon na makatrabaho si Angel na ayon sa kanya ay isang “napakalambing” at “napaka-mapagbigay” na tao.
“Dumating yung pagkakataon na kami na ang gumawa ang paraan para magkatrabaho kami. Pagkatapos noon, na-experience ko siyang makatrabaho na sabi ko nga, ‘tong taong ‘to napakalambing, napaka-mapagbigay. Alam mo darating siya sa set magdadala siya ng sandamakmak na pagkain para pakainin talaga lahat ng staff at pati lahat noong mga SAF.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganoon siya, tapos kahit na yung call time niya sa gabi pa, dadating ‘yun hapon pa lang nandoon na siya. Kaya nga ang tawag naming doon barkadahan. Kaya kahit pack-up na, nandoon pa kami dahil nagkwe-kwentuhan pa kami. And then, nage-enjoy kami sa mga kwento ng ibang mga tao doon, lahat ng SAF napagtatanungan namin. Kinukumusta namin sila sa pamilya nila.”



COCO’S DREAM JOBS. Totoo ba na gusto na rin niyang maging SAF member?

“Honestly, sabi ko nga kung siguro, kung hindi ako artista, dalawa lang naman ang gusto ko noon, e. Maging boksingero, maging pulis, gusto ko’ng maging cook. Ay, tatlo pala,” ani Coco, sabay tawa.

“At kung pulis, ngayong nalaman ko na meron palang ganoong side ng pulis, gusto ko’ng maging SAF, iba, e.”

Nagbago ba ang perception ni Coco sa gobyerno nang gawin niya ang buhay ni Garry sa MMK?

“Honestly, para sa akin kasi, wala ako sa posisyon para magsalita about sa ganoon kalalim na isyu. Kasi siyempre, inaamin ko, hindi rin ganoon kalalim ang aking kaalaman tungkol sa mga bagay na ‘yan.

“And then, siyempre, ayoko’ng makaapak at ayoko’ng magdunung-dunungan sa aspetong ‘yan. Kasi kami ginaw anamin ‘to dahil gusto naming bigyan ng mukha ang isa sa mga hero dito sa ating SAF, sa mga Fallen 44 na mga ano. Kumbaga para sa akin, ayoko’ng palalimin, ayoko’ng bigyan ng malalim na opinion kasi baka magkamali ako, alam ninyo yun? Kasi syempre iba naman anng tungkulin ko bilang artista, e. Pero sabi ko nga, napakalaking ano, baging inspirasyon ko.

“Kumbaga, sabi ko nga, alam ko kung minsan dumadaing na ako sa hirap ng trabaho ko. Pero meron palang mas mga tao na dapat mas hangaan at mas dapat kuhaan ng lakas ng loob pagdating sa ganoong aspeto, lalung-lalo na pagdating sa trabaho at dedikasyon sa buhay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May plano ba siya na magbigay ng tulong sa pamilya ni Garry?

“Actually, lagi namang may ganoon ang ABS-CBN. Sabi ko nga, kagaya rin nila, ang ABS-CBN tumutulong ‘yan na hindi rin pinapaalam ang kahit na ano’ng bagay. Nung pinasok namin ‘to, alam namin kung ano ‘yung mabibigay naming suporta or tulong sa bawat pamilya, yun po.

“And kagaya rin ako, marami kasing, para sa akin kasi mas sinsero ‘yung ganoong pamamaraan na hindi ko na kailangang sabihin or kung anuman. Hindi mo na kailangang ipangalandakan kung ano yung plano mo’ng gawin, or kung anuman yung gagawin mo para sa kanila.

“Kumbaga, para sa amin, kung anuman yung maitutulong namin, sinisigurado namin na parang kahit papano may may mai-shi-share o maitutulong kami para o sa pamilya nila.”

Naniniwala na rin ba si Coco ngayon sa sinasabi na kapag pulis at sundalo ay mas malamang na nasa hukay na ang mga paa?

“Malamang po, kasi sabi ko nga, bago sila pumasok doon talagang sinasabi na sa kanila yun na.

“Sabi nga po nila, kalahati po talaga ng paa nila every time may operation sila, nasa hukay na, parang ganoon po. Kaya honestly, noong tinanong din namin yung mga kasamahan nilang naiwan, sa mga kasamahan nilang naligtas, ‘Ano’ng masasabi ninyo sa nangyaring yun?’ Tanggap nila, kasi alam nila yung pinapasok nilang trabaho.

“Pero siyempre, yun nga lang, mahirap ding tanggapin kapag nandoon na sa totoong sitwayson. Siyempre iba naman yung nararamdaman ng pamilya nila. Pero yung mga kasamahan nila, alam na alam nila na kapag pumasok sila sa ganoong klase ng trabaho, alam nila na kalahati ng buhay nila, e, maaaring mawala or hindi nila makasama ang pamilya nila.”


ON KRIS AQUINO’S REACTION. Hindi ba nagdalawang-isip si Coco na tanggapin ang kwento tungkol sa SAF member na maging ang buong bansa ay nagkaroon ng ‘violent reaction’ sa pagkamatay nila at dahilan para maapektuhan ang imahe ng gobyerno? At the same time hindi ba ito maka-apekto sa kaibigan niyang si Kris Aquino na kapatid ni Pangulong Noynoy Aquino?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, napakalalim n’yan po. Gaya ng sabi ko nga at tinackle naman po dito, ang hangarin po namin dito ay mabigyan lang ng mukha, mabigyan ng kwento kung ano ba ‘yung pagkatao noong isa sa mga hero natin.

“I don’t think so na magkakaroon ng ganoong angle.

“Kasi sabi ko nga, kami naman alam namin na marami kaming responsibilidad bilang artista. Ah, kumbaga, conscious naman kami sa mga bagay-bagay at alam naman namin na marami pa’ng proseso ang tinatakbo nitong nangyari na ‘to.”

Naniniwala rin ba siya na makaka-contribute sa emotions ng mga makakapanood yung story na pinagdaanan sa Mamasapano?

“Depende rin po, e. Sabi ko po, maaaring magugunita nila kung ano yung nangyari base doon sa nakita ninyo kanina. Pero sabi ko nga, nagkwento po kami base sa katauhan nu’ng karakter. Hindi po kami tumackle sa pinaka-malalim na isyu kasi nga syempre sabi ko nga po, ongoing pa rin yung mga pangyayari [Senate hearing].”

If ever gawing movie ang kwento ni Garry at ialok sa kanya, gagawin din ba niya?

“Actually, sa pagkakaalam ko po meron na po’ng gumagawa ng pelikulang ‘to. Pero sabi ko nga po, bakit po hindi? Kasi sabi ko nga po, hindi lang naman po, napakarami po nila. Napakarami pa’ng magagandang kwento ang pwedeng ikwento.

“Sabi ko nga po, hindi lang naman po ito about sa nangyari. Kung aalamin ninyo, napakaganda po ng background story nila, kung paano sila nagsimula, kung ano kwento nila sa pamilya, kung ano ang kwento nila sa asawa nila, kung ano ang kwento nila sa buhay nila.

“Kumbaga, iba’t ibang pagkatao yung bawat karakter na mga hero natin. Kumbaga, napaka-interesting at napakasarp po’ng ikwento. Napakarami pa po’ng stories.”

ON LOVE STORY OF GARRY AND SUZETTE. Supposedly, nakatakdang ikasal si Garry sa girlfriend niya na si Suzette in May 2016. Nakatakdang ikasal ngayong taon ang kapatid ni Suzette.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dapat, actually nag-ano na sila, e, kasi nga dahil sa sobrang busy din ni Garry, wala siya halos time para gawing engrande or sweet yung pagpro-propose niya kasi nga lagi siyang nasa duty.

“Parang one time, pumunta lang siya doon sa ano, binigay niya ‘yung singsing at sinabi niya na saka na tayo magusap. And then, si Suzette kasi mataas din ang pangarap niya as a lawyer.

“And then, ang gusto ni Garry sana makapagaral pa siya abroad. Actually, nag-aaral siya sa abroad noong nangyari yung incident. Nasa New Zealand siya that time, nag-aaral.

“Kumbaga, yun ang pangarap nila, e. Sabi ko nga, nakakahinayang kasi napakagandang kombinasyon. Isang lawyer tapos isang SAF member. Tapos what more kapag nagkaanak pa sila? Alam mo yung gustong-gusto nilang magsilbi sa bansa natin.”

What’s so special sa episode na ‘to ng MMK para pagsamahin sina Coco at Angel?

Kapag naman na-avail mo si Coco at Angel Locsin, hindi pa ba enough na ipag-celebrate yun? At kaharap natin sila,” nakangiting sabi ni Roda.

ON MISSING ACTION PROJECTS. Ilang beses na ring nakaganap si Coco ng role bilang law enforcer. Pero ano ang kakaiba ng pagganap niya ngayon sa MMK at paano siya naghanda sa kanyang role bilang SAF commando?

“Actually, sabi ko nga, noong nag-training kami para rito sa SAF medyo may knowledge na kami kasi noong ano, noong nag-soap ako, nag-training na ako for military. Pero sabi ko nga, may iba-iba silang function, e. May iba-iba silang training na ginagawa bawat posisyon.”

Na-miss ba niya ang mga ganitong tema na proyekto niya?

“Oo naman po, kasi sabi ko nga bawat lalaki naman ‘di ba lalo na kapag bata ka gusto mo action-action. Nakakatuwa lang ngayon kasi kahit papaano bumabalik.

“Hindi man sobra-sobra pero kahit papano gumagawa tayo ulit ng mga ganitong konsepto di ba? Kasi dati talaga kung mapapansin natin talagang namatay, e. Talagang nawala yung mga action movies. And then, ngayon kahit paano sa soap nagagawa. And then, ngayon sa MMK.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon kahit papano si ER [Ejercito] gumagawa po siya ng mga action movies, Nakakatuwa kasi sabi ko nga, senyales yun na nabubuhay ang indutrya natin kasi bumabalik yung mga dating nagagawa natin.”

May regrets ba siya na hindi natupad ang pangarap niya na maging sundalo o boxer at napunta siya sa pagiging artista?

“Wala naman po. Sabi ko nga minsan, kapag paulit-ulit ko’ng kinukwento, wala sa inakala ko o kahit sa pangainip ko na maging artista ako. Pero minsan sabi ko nga, siguro destiny. Minsan kahit ano’ng bagay sabihin ko, hindi ayaw ko niyan, hindi okay lang, ganyan.

“Pero sabi ko nga hindi mo mamamalayan, dadalhin at dadalhin ka Niya kung saan ka ano, siguro sabi ko nga, ah, ginawa ako’ng artista kasi meron din ako’ng calling. Meron din reason kung bakit ako nandito. Like sabi ko nga, siguro ginawa ako’ng artista para mabigyan ko ng mukha yung isa sa mga hero natin. Yun po siguro ang purpose ko.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN