6th Golden Screen TV Awards: GMA-7 rules; Dingdong Dantes, Maricel Soriano win top drama acting honors

Some of the biggest winners at the 6th Golden Screen TV Awards held last Sunday night, April 26, were (L-R) Dingdong Dantes, Tirso Cruz III, Nora Aunor, and Vice Ganda.


Ang GMA Network ang biggest winner sa 6th Golden Screen TV Awards na ipinamamahagi ng EnPress (Entertainment Press Society).

Twenty-three trophies ang napanalunan ng Kapuso network, kabilang na ang Outstanding Television Network, sa awards night na ginanap Linggo ng gabi, April 26, sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati City.

Sixteen awards naman ang napanalunan ng ABS-CBN, lima sa GMA News TV 11, at apat sa TV5.

Halos hinakot naman ng Ang Dalawang Mrs. Real ang awards sa Drama category, kabilang na ang Outstanding Original Drama Program.

Tatlo rin sa mga artista ng nasabing Kapuso teleserye ang nanalo ng acting trophies: Maricel Soriano (Outstanding Performance by an Actress in a Drama Program), Dingdong Dantes (Outstanding Performance by an Actor in a Drama Program), at Alessandra de Rossi (Outstanding Supporting Actress in a Drama Program).

Hindi nakarating si Maricel sa awards night dahil nagkasakit at nasa hospital. Ang direktor ng Ang Dalawang Mrs. Real na si Andoy Ranay ang tumanggap ng award ng Diamond Star.

Ayon kay Direk Andoy, nang magkausap sila ni Maricel, sinabi nitong hindi naman daw siguro siya mananalo dahil malamang ay mga mas batang artista ang mapipili.

Si Dingdong naman, pagkatapos mag-present ng award, ay aalis na dapat agad dahil tatakbo pa siya sa airport para sa kanyang flight papuntang Malaysia upang dumalo sa ASEAN Summit.

Mabuti’t nahintay at personal na natanggap ng Kapuso Primetime King ang kanyang kauna-unahang Golden Screen acting trophy sa telebisyon.

Bukod sa kanyang mga nakatrabaho at pamilya, inalay ni Dingdong ang kanyang award sa kanyang misis na si Marian Rivera. May magandang pangyayari na raw siyang maikukuwento sa magiging anak nila ni Marian.

Isang malaking sorpresa kay Tirso Cruz III ang dalawang awards na napanalunan niya—Outstanding Performance by an Actor in a Single Drama/Telemovie Program para sa Studio5 Original Presents: When I Fall In Love at Outstanding Supporting Actor in a Drama Program para sa Ikaw Lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang all-time loveteam partner naman ni Tirso at ang Superstar na si Nora Aunor—na mula simula hanggang katapusan ay nasa awards night—ay nag-uwi ng Outstanding Performance by an Actress in a Single Drama/Telemovie Program para sa Studio5 Original Presents: When I Fall In Love (TV5).

Parehong dalawang awards naman ang napanalunan ng magkaibigang sina Kris Aquino at Vice Ganda.

Si Kris ay nanalong Outstanding Lifestyle Program Host para sa Kris TV at Outstanding Female Showbiz Talk Program Host para sa The Buzz.

Si Vice naman ang itinanghal na Outstanding Celebrity Talk Program Host para sa Gandang Gabi, Vice at Outstanding Male Host in a Musical or Variety Program para sa It’s Showtime.

Sina Michael V. at Angelica Panganiban naman ang nanalo sa comedy/gag shows category para sa Pepito Manaloto at Banana Nite Extra Scoop, respectively.

HOSTS AND PERFORMERS. Ang mga programang umere mula July 1, 2013 hanggang June 30, 2014 ang pinanood at ni-review ng bumubuo ng Golden Screen Awards.

Pinagbasehan ng Enpress ang pagbibigay ng Oustanding Television Network sa istasyong nakakuha ng pinakamaraming awards; at napanalunan nga ito ng Kapuso network.

Nagsilbing hosts ng gabi ng parangal sina John "Sweet" Lapus, Iza Calzado, Janno Gibbs, at Ogie Alcasid.

Tuwing nagkakaroon ng Golden Screen Awards, mapa-telebisyon o pelikula man, isa sa madalas na nagsisilbing host ay si Sweet. At muli na naman niyang pinatawa ang mga nominado, winners, at mga manonood dahil sa pagpapatawa niya.

Replica ng kontrobersiyal na Miss Universe gown ni MJ Lastimosa ang suot ni Sweet, na ang tawag nga niya sa sarili ay “MJ Lostimosa.”

Tila “patikim” naman nina Janno at Ogie ang pagsasama nila bilang hosts ng 6th Golden Screen TV Awards, dahil sa balitang paglipat ni Janno sa TV5 at sa mga posibleng programa na pagsamahan nila sa Kapatid network.

At siyempre, si Iza na kahit sa umpisa ay nai-pronounce ng “Aiza” ang kanyang pangalan, ay hindi matatawaran ang paraan ng paghu-host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maganda ang naging opening number kunsaan umawit ng “One Voice” sina Rada, Gerald Santos, at Jillian Ward kasama ang AFP Choir.

Touching ang naturang opening dahil bawat TV network ay may naging representative mula sa News and Public Affairs na nagbigay ng kanilang panalangin—sina Ces Drilon para sa ABS-CBN, Luchi Cruz-Valdes ng TV5, at Jiggy Manicad ng GMA. Kasama nila ang presidente ng EnPress na si Jun Nardo.

Nagsilbing tribute ang opening number para sa mga pinagdaanang pagsubok ng bansa; at ang mga broadcast journalists, TV reporters ang maituturing na buhay na mga bayani ng Philippine television.

Napakahusay rin ng pagkakaawit ni Vice Ganda ng “Smile” bago ang pagbibigay parangal ng Dolphy Lifetime Achievement Award sa Megastar na si Sharon Cuneta.

Ang medley ng teleserye theme songs naman ang inawit nina Thor, Miles Poblete, Aicelle Santos, Michael Pangilinan, at Morisette.

LIFETIME ACHIEVEMENT AWARDEES. Present ang lahat ng ginawaran ng Lifetime Achievement Awards.

Ang Megastar na si Sharon Cuneta ang tumanggap ng Dolphy Lifetime Achievement Award: Ulirang Alagad ng Sining; si Roderick Paulate para sa Helen Vela Lifetime Achievement Award for Comedy; Cheche Lazaro para Helen Vela Lifetime Achievement Award for Broadcast; at Ronaldo Valdez para sa Helen Vela Lifetime Achievement Award for Drama.

Nagkataon namang nasa bansa ang anak ni Helen Vela na si Princess Punzalan, na siyang naggawad ng mga Helen Vela Lifetime Achievement Awards.

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Thailand si Sharon, ang mister niyang si Kiko Pangilinan, at ang kanilang mga anak, pero lahat sila ay dumating kagabi.

Sabi nga ni Sharon, tinanong din niya si Kiko kung okey na siyang tumanggap ng lifetime achievement awards sa edad niya ngayon.

Dahil maaga siyang nagsimula sa showbiz, masaya siyang nabibigyan ng ganitong parangal sa mga naging kontribusyon niya sa industriya.

Naging mahaba ang speech ni Sharon kunsaan pinasalamatan niya ang halos lahat ng mga nakasama at nakatulong sa pag-unlad ng kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang 6th Golden Screen TV Awards ay presented by Entertainment Press Society, produced ng Pink Productions, at mula sa direksiyon ni Louie Ignacio.

LIST OF WINNERS. Narito ang listahan ng mga nanalo sa 6th Golden Screen TV Awards:

Outstanding Educational Program: AHA! (GMA-7)

Oustanding Educational Program Host: Drew Arellano (AHA!/GMA-7)

Outstanding Lifestyle Program: Kris TV (ABS-CBN 2)

Outstanding Lifestyle Program Host: Kris Aquino (Kris TV/ ABS-CBN 2)

Outstanding Magazine Program: Kapuso Mo, Jessica Soho (GMA-7)

Outstanding Magazine Program Host: Jessica Soho (Kapuso Mo, Jessica Soho/GMA-7)

Outstanding Public Affairs Program: Bawal Ang Pasaway Kay Mareng Winnie (GMA News TV 11)

Outstanding Public Affairs Program Host: Winnie Monsod (Bawal Ang Pasaway Kay Mareng Winnie/GMA News TV 11)

Outstanding Public Service Program: Salamat, Dok (ABS-CBN 2)

Outstanding Public Service Program Host: Erwin Tulfo, Raffy Tulfo, Ben Tulfo (T3: Reload/TV5)

Outstanding Game/Talent Program: Celebrity Bluff (GMA-7)

Outstanding Game/Talent Program Host: Eugene Domingo (Celebrity Bluff, GMA-7)

Outstanding Celebrity Talk Program: Gandang Gabi, Vice (ABS-CBN 2)

Outstanding Celebrity Talk Program Host: Vice Ganda (Gandang Gabi, Vice/ABS-CBN 2)

Outstanding Documentary Program: Reel Time: Dungkoy (GMA News TV 11)

Outstanding Documentary Program Host: Sandra Aguinaldo (i-Witness: Rape of Manila/GMA 7)

Outstanding News Program: State of the Nation (GMA News TV 11)

Outstanding Male News Presenter: Jiggy Manicad (Quick Response Team/GMA News TV 11)

Outstanding Female News Presenter: Jessica Soho (State of the Nation/GMA News TV 11)

Outstanding Showbiz Talk Program: The Buzz (ABS-CBN 2)

Outstanding Male Showbiz Talk Program: Boy Abunda (The Buzz/ABS-CBN 2)

Outstanding Female Showbiz Talk Program Host: Kris Aquino (The Buzz/ABS-CBN 2)

Outstanding Adapted Reality/Competition Program: Pinoy Big Brother All In (ABS-CBN 2)

Outstanding Adapted Reality/Competition Program Host: Luis Manzano (The Voice Kids/ABS-CBN 2)

Outstanding Natural History/Wildlife Program: Matanglawin (ABS-CBN 2)

Outstanding Natural History/ Wildlife Program Host: Kim Atienza (Matanglawin/ABS-CBN 2)

Outstanding Crime/ Investigative Program: Imbestigador (GMA-7)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Outstanding Crime/Investigative Program Host: Mike Enriquez (Imbestigador/GMA 7)

Outstanding Gag Program: Bubble Gang (GMA-7)

Outstanding Comedy Program: Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento/GMA 7)

Outstanding Musical Program: ASAP (ABS-CBN 2)

Outstanding Variety Program: Eat Bulaga (GMA-7)

Outstanding Male Host in a Musical or Variety Program: Vice Ganda (It’s Showtime/ABS-CBN 2)

Outstanding Female Host in a Musical or Variety Program: Julia Clarete (Eat Bulaga/GMA 7)

Outstanding Adapted Drama Program: Villa Quintana (GMA-7)

Outstanding Original Drama Program: Ang Dalawang Mrs. Real (GMA-7)

Outstanding Single Drama/Telemovie Program: Studio 5 Original Presents: When I Fall In Love (TV5)

Outstanding Breakthrough Performance by an Actor: Andre Paras (The Half Sisters/GMA-7)

Outstanding Breakthrough Performance by an Actress: Gabbi Garcia (My Destiny/GMA-7)

Outstanding Supporting Actor in a Gag or Comedy Program: Sef Cadayona (Vampire Ang Daddy Ko/GMA-7)

Outstanding Supporting Actress in a Gag or Comedy Program: Carmi Martin (Ismol Family/ GMA-7)

Outstanding Supporting Actor in a Drama Program: Tirso Cruz III (Ikaw Lamang/ABS-CBN 2)

Outstanding Supporting Actress in a Drama Program: Alessandra de Rossi (Ang Dalawang Mrs. Real/GMA-7)

Outstanding Performance by an Actor in a Single Drama/Telemovie Program: Tirso Cruz III (Studio 5 Original Presents: When I Fall In Love/TV5)

Outstanding Performance by an Actress in a Single Drama/ Telemovie Program: Nora Aunor (Studio 5Original Presents: When I Fall In Love/TV5)

Outstanding Performance by an Actor in a Gag or Comedy Program: Michael V (Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento/GMA-7)

Outstanding Performance by an Actress in a Gag or Comedy Program: Angelica Panganiban (Banana Nite Extra Scoop/ABS-CBN 2)

Outstanding Performance by an Actor in a Drama Program: Dingdong Dantes (Ang Dalawang Mrs. Real/GMA-7)

Outstanding Performance by an Actress in a Drama Program: Maricel Soriano (Ang Dalawang Mrs. Real/GMA-7)

Outstanding Television Network: GMA-7


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN