Angel Locsin on playing fiancee of SAF commando: "Ganitong mga kuwento ang dahilan...kung bakit ako naging artista talaga."

Angel Locsin on playing fiancee of PNP SAF commando: "Ganitong mga kuwento ang dahilan kung bakit ko mahal ang trabaho ko, kung bakit ako naging artista talaga."




Dumalo si Angel Locsin sa flag-raising ceremony ng Philippine National Police kamakailan upang personal na i-saludo ang mga pulis ng PNP sa Camp Crame.

Kasama ni Angel sa okasyon na ito si Ejay Falcon na gaganap rin bilang isang SAF commando sa May 2 episode ng Maalaala Mo Kaya. Noong isang Sabado, si Coco Martin ang napanood bilang SAF commando na may fiancee (played by Angel).

Ano ang pakiramdam ni Angel na maganda ang naging feedback sa episode nila ni Coco Martin tungkol sa Fallen 44?

"Unang-una huwag nating kalimutan na ang topic na ito ay sensitive issue talaga.

"Alam natin na ang buong bayan, nagdalamhati at nalungkot nung nangyari yun.

"Expected na maraming interesdo sa nangyari."

Para kay Angel, ang pag-portray niya kay Suzette (ang fiancee ng isang PNP SAF commando na nasawi sa Mamasapano, Mindanao) ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto niya ang pag-arte.

"Nagpapasalamat kami na nagkaroon ng opportunity na mag-portray ng ganito kagandang role.

"Ganitong mga kuwento ang dahilan kung bakit ko mahal ang trabaho ko, kung bakit ako naging artista talaga."

"Sa pagkakataon rin na ito, nagpasalamat rin siya sa pamilya ni Senior Inspector Garry Erana.

"Nakikiramay ako sa pamilya. Nakakalungkot yung mga naiwan na pamilya.

"Nagpapasalamat ako sa family for trusting us. Alam natin na sensitibo pa ang topic lalo na't fresh pa sa kanila. Nagdadalamhati pa sila, pero binuksan nila ang pintuan nila para mag-share ng experience nila at mga kuwento."

Ang ikalawang bahagi ng kuwento tungkol sa Fallen 44 ay ipapalabas sa ABS-CBN ngayong Sabado, May 2.

A few days bago dumalaw si Angel sa PNP sa Camp Crame, nagkaroon naman kami ng chance na mainterview siya sa solo presscon for her Maalaala Mo Kaya episode.

Ano ang na-discover niya kay Coco bilang first time niyang makakasama sa trabaho at bago niyang leading man?

"Ang alam ko base sa mga kwento ng mga tao, napaka-humble niya, mabait siya na tao. Pantay-pantay siya kung paano siya makipagusap. Pero nakakatuwa kapag nakikita mo na nang harap-harapan. Tapos lagi siyang nakangiti.

"Ang ganda-ganda ng ngiti ni Coco. Yung paang kahit pagod ka na, yung matatawa ka na lang. kaya siguro MMK barkadahan episode 'tong ginawa namin, e. Tawa ka lang kami ng tawa. Ang saya-saya namin doon.

"Siguro lang din masyado naming nirerespeto yung story. Nagkakaintindihan na kami na, 'O, kapag trabaho, trabaho.' Pero kapag off-cam, ano lang, i-enjoy na lang kasi until morning kami nagti-taping," lahad ni Angel.

Bilang bihasa sa pagbaril si Angel, tinuruan ba niya si Coco kung paano bumaril sa mag eksena nila sa MMK?

"Hindi po. Pero napapagusapan namin. Sabi ko, huwag ka'ng pipikit, ha. Huwag ka'ng gaganuu'n-ganu'n ha. Marunong siya kasi meron din siya, e. Marunong din naman kasi si Coco. May mga pelikula na rin siya. Ilang beses na rin siyang nakaganap na sundalo."

May love scene ba sila ni Coco?

"Kailangan, e. Request ko," biro niya.

What about kissing scene?

"Merong isang lumusot 'ata. Hindi, gusto ko talaga siyang katabaho. Natutuwa talaga ako sa kanya."


ON PLAYING DARNA. How does it feel na bumalik na ulit ang dating hugis ng katawan niya noong ginawa niya ang Darna?

"Ah, talaga? Thank you naman.

"Medyo ano rin, medyo matagal din naman yung struggle natin. Pero okey lang, yun ang gusto ng tao, e."

Ano ang inspirasyon niya sa pagbabalik muli ng kanyang pagiging sexy

"Wala naman," ngiti ni Angel. "Kapag masaya ka lang siguro, sumusunod na yun, hahaha!"

Handa na ba siya na mag-Darna ulit?

"Okay lang naman."

Kailan ba lilipad muli si Darna?

"Malapit na. Malapit na."

Within this year ba?

"Ang alam ko po," sambit niya.

Susunod ba niyang gawin ang Darna after ng movie nila ng Star for All Season na si Batangas Governor Vilma Santos?

"Ang alam ko po," pagsang-ayon ni Angel.

Gawa na ba ang costume niya bilang si Darna?

"Nasa sa yo pa raw," biro ulit ni Angel.

May leading man na siya?

"May mga inaayos sila pero kasi hindi pa ako pwedeng magsalita.

"Sorry ha, kapag meron ng pwedeng sabihin, sabihin ko."

May mga gusto pa ba siyang mangyari sa career niya?

"Marami, may mga roles ako na gustong gampanan. Pero right now kasi sa ano ka na, e, siguro dahil medyo kuntento ka na sa ginagawa mo.

"Parang, dati noong bata ako mas habol mo 'yung quantity. Ngayon, quality talaga. So, excited ako sa mga proyekto na naniniwala rin ako doon sa mga cause, sa mga pinaglalaban."






ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN