El Gamma Penumbra and Gerphil Flores move on to the finals of Asia's Got Talent

Dalawa pang Pinoy acts ang nakapasok sa grand finals ng Asia's Got Talent, ang shadow act group na El Gamma Penumbra at ang classical singer na si Gerphil-Geraldine Flores.


Pasok na sa grand finals ng Asia’s Got Talent ang Pinoy shadow act group na El Gamma Penumbra at ang Pinay classical singer na si Gerphil-Geraldine Flores.

Makakasama nila sa grand finals ang dalawa pang Pinoy acts na sina Gwyneth Dorado at Junior New System.

Katulad ni Dorado, nakapasok sa grand finals ang 24-year-old na si Gerphil via public vote ng Asia’s Got Talent.

Kaagad nag-post ng message si Flores sa kanyang Facebook account at nagpasalamat sa mga bumoto sa kanya.

Saad niya, “Una po sa lahat, nagpapasalamat po ako sa Panginoon at pinahintulutan Niyang makapasok ako sa finals.

“Sa pamilya ko, sa mga kamag-anak ko na nasa Bicol, maraming salamat po!!!

“Sa lahat po ng mga nagdasal para sa akin, sa mga taong walang tulog sa kaiisip kung paano ako matulungan, maraming-maraming salamat din po sa inyo!

“Sa mga kababayan namin dito at sa ibang bansa, gayun din sa mga banyagang sumuporta sakin, marami pong salamat sa inyong lahat!”

Umabante sa semi-final round si Gerphil pagkatapos niyang makatanggap ng Golden Buzzer mula sa AGT judge na si David Foster.

Inawit niya ang theme song ng pelikulang The Godfather na “Speak Softly Love.”

Nang mag-perform siya sa semi-final round April 23, kung saan kinanta niya ang theme song ng pelikulang Love Story na “Where Do I Begin”, nakatanggap ulit ng standing ovation si Gerphil.

Sobrang nagustuhan ni David ang performance ni Gerphil kaya ito ang nasabi niya: “You sing so in tune. You really, really have a career. I would love to get my hands on you, because I think I can make you sound even better.”

Automatic namang nakapasok sa finals ang El Gamma Penumbra pagkatapos nilang makuha ang kanilang second golden buzzer mula sa judges.

Ang El Gamma Penumbra ang ika-apat na performing act mula sa Pilipinas na nakapasok sa grand finals ng Asia’s Got Talent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Indonesian rock icon na si Anggun ay naging emotional at naiyak pa sa performance ng El Gamma Penumbra.

Sabi niya, “I'm sorry. I'm just extremely moved by what I just saw.

“It was really emotional. You made me really proud tonight.

“I'm sure you made Filipinos proud tonight.

“Thank you. That was flawless.”

Isa rin sa sobrang na-impress ng grupo ay si David.

Sinabi nitong tama lang na bigyan ng Golden Buzzer ni Anggun noon ang grupo.

“I just want to say that I live in a box, where I make music in a studio.

“And tonight, I got to come outside of my box and see something that was so, so moving and magical.

“It's just amazing.”

Sabi naman ni Melanie C, “You topped it tonight, you moved everybody beyond the last time.”

Ito naman ang sinabi ni Vanness Wu sa grupo: “When I see something I like, I respect it, I applaud it.

“Tonight, you guys stepped up your game from the auditions.

“What every judge has said, I agree with 100 percent.

"Amazing, amazing job tonight, guys.”

Gaganapin ang grand finals ng Asia’s Got Talent on May 7 and 14 sa Marina Bay Sands, Singapore.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN