Gardo Versoza flattered to be love interest of Ai-Ai delas Alas in Let The Love Begin

Gardo Versoza on movement in showbiz: "Kung saan ka maligaya, kung sino ang nagbibigay ng blessings... yung may work ka. At 'di mo kinakalimutan yung nakaraan."


Ikinararangal ni Gardo Versoza na siya ang kina-iinlaban ni Ai-Ai de las Alas sa kauna-unang teleserye ng Philippine Comedy Queen mula nang bumalik ito sa Kapuso network.

Ito ay ang Let the Love Begin na magsisimulang mapanood sa Lunes, May 4.

Sabi ni Gardo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Natutuwa naman ako, kasi magkaibigan kami ni Ai-Ai.

"Ang huli naming pinagsamahan ay Sisterakas pa 'ata.

"Nung magkita kami, sabi niya, 'Long time, no see.' Sabi ko naman, 'Welcome.'

"'Tapos, bakla-baklaan!"


HAPPY REUNION. Uso naman daw ang lipatan ngayon sa mga artista, kaya hindi na iba ang ginawa ng actress-comedienne.

Sabi pa ni Gardo, "Ang ano diyan, basta masaya ka't wala ka namang nakikitang dahilan para... mas maganda yung...

"Kung saan ka maligaya, kung sino ang nagbibigay ng blessings... yung may work ka.

"At 'di mo kinakalimutan yung nakaraan, yung pagmamahal na ibigay din sa iyo ng pinanggalingan mo."

Biniro ba niya si Ai-Ai kung bakit ito bumalik sa Kapuso network, pagkatapos ng ilang taong pananatili sa ABS-CBN?

Sabi ni Gardo, "A, hindi, kasi parang... parang palasak naman yung ano, 'di ba?

"Basta yung pinag-usapan namin, yung treatment namin dun sa kuwento.

"Sabi nga niya, 'Ano bang gagawin natin dun sa...?'

"Sabi ko, 'Ako, e, kampante ako sa iyo.'

"Sabi ko pa, basta ako, hahayaan ko na lang kung ano yung nararamdaman namin sa role namin.

"Kampante ako, kaya hindi naging problema sa akin yung adjustment namin sa isa't isa."

Dagdag pa ng aktor, "Basta kung ano ang pumapasok na ideas sa ano namin, nagpapalitan kami.

"Hindi naman ako comedy rito, more on nasa kanya yun.

"Pero ang nakakatuwa, yung touches ng comedy ay hindi yung parang slapstick.

"Kasi si Donita [Rose], kahit paano'y nag-comedy dito."


EX FACTOR. Sa Let The Love Begin, si Gardo ang gaganap bilang si DJ Tony, samantalang si Ai-Ai naman ay si DJ Jeni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas kilala si Gardo bilang seryosong aktor, samantalang isa namang komedyana si Ai-Ai.

Ano sa tingin ng aktor ang dahilan at sila ang pinagtambal ng komedyana?

Sagot niya, "Siguro, gusto rin nilang subukan, baka may nakita silang kakaiba.

“Like nun sa Dading, may touches din ng comedy, kundi bading yung role.

"E, dito lalaki, kung kaya naisipan nilang i-combine kami."

Sa trailer, may dialogue siya sa Comedy Queen na "Can we still be friends?"

Ang sagot naman sa kanya nito ay, "No, we can never be friends."

Nangyari na ba ito sa kanyang buhay considering na isa siya sa pinaka-'papable' noong panahon niya?

Hanggang ngayon ay taglay pa rin niya ang tikas at kaguwapuhan noon ni Machete.

Natatawang saad ni Gardo, "A, oo. Kilala niyo yun, 'di ba?

"'Can we still be friends?' kilala niyo yun.

"Si ano, 'di ba, ayaw na niya yata akong maging friend," na hindi niya binanggit kung sino ang tinutukoy niya.

Pero paglilinaw niya, "No, hindi si Rita Avila, magkumare kami nun, e.

"Yung ano, ang alam ko ay parati siyang ganun sa mga ex niya, e."


YOUNG CO-ACTORS. Sa puntong ito ay nagbigay naman ng sarili niyang impresyon si Gardo sa teen loveteams na sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid.

Ayon sa 45-year-old actor, "Nakikita ko na... ang pinakamahalaga kasi ay ini-enjoy nila ang mga ginagawa nila, e.

"So, sa nakikita ko, mukhang okey naman sila.

"Ang pinakaimportante nilang dapat gawin ay seryosohin nila ang trabaho nila.

"Kumbaga, habang dumadaan ang panahon, at yung mga ginagawa nilang roles, mahahasa't mahahasa sila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN