Glaiza de Castro tackles the role of lipstick lesbian in The Rich Man's Daughter

She may feel comfortable playing the role of a lipstick lesbian in The Rich Man's Daughter, but in real life, Glaiza de Castro assures, "Preference ko, lalaki talaga.”


Lipstick lesbian o tomboy na kilos at hitsurang babae si Glaiza de Castro sa upcoming GMA primetime series The Rich Man’s Daughter.

Ayon sa Kapuso actress, “Ang butch [lesbian na kilos at hitsurang lalaki] dito si Chynna [Ortaleza, bilang si Batchi].”

So, nakarelasyon niya sa kuwento ang lahat ng lesbian characters?

“Hindi naman... si Rhian [Ramos].

"Si Chynna, best friend ko siya. Ang ex ko, si Katrina [Halili].”

May intimate scenes sila ni Katrina sa role nitong si Wila?

“Wala pa, kasi sa umpisa, naghiwalay na kami, tapos parang hindi siya maka-move on sa akin.

“Tina-try niyang makipagbalikan, pero nakilala ko na si Jade [portrayed by Rhian].

“Inaaway niya si Jade, mainit yung dugo niya kay Jade, kasi nga parang, ‘Ano, nilalandi mo ito?’

“Parang, ‘Uupakan ko yan!’ Ganun siya, matapang siya.”

Sino ang mas lalaki o mas babae ang role sa kanila ni Katrina?

“I’d say pareho, kasi may mga nakausap din akong lesbians, tinatanong ko, 'Sino ba yung lalaki, sino ba yung babae?'

“Sa kanila, walang ganun, walang label.”

Meron naman na mas lalaki ang isa kaysa sa karelasyon nito.

“Siguro in terms of appearance, iyon talaga yung ano, mayroon na butch talaga.

"Pero in terms of responsibility, parang pareho sila, e.

“Nag-a-alternate, kung sino yung magbabayad sa bill, yung mga ganun.”

GIRL CRUSH. Sa tunay na buhay ay never pa raw naligawan ng lesbian si Glaiza.

“Pero may mga friends ako na lesbians, may kamag-anak ako na lesbian.

“Siguro dahil... ewan ko, ano, wala e, parang wala talaga.”

Pero si Glaiza ay may girl crush.

“Yung kumbaga hinahangaan mo lang na, ‘Ang ganda naman talaga nito!’

“Si Solenn [Heussaff], ‘Hmmm, ang ganda talaga nito,’ yung ganun na girl crush.”

So, handa siyang makipagtomboyan kay Solenn Heussaff?

“Puwede! Nakikipagtomboyan na nga ako!” at tumawa si Glaiza bilang pagtukoy sa karakter niya bilang si Althea sa The Rich Man’s Daughter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Close daw sila ni Solenn.

"Magkasama kasi kami sa Sunday All Stars, pero yung talagang personal na kilala, hindi masyado."


MHL'S GIRL VERSION. Nag-research daw mabuti ang writers ng The Rich Man’s Daughter kung papaano ipe-present ang bawat karakter.

Patunay pa ni Glaiza, “Sobra, we even had an immersion, ‘tapos may panel discussions kami.

“So, may mga lesbians na um-attend, mga kaibigan.”


May kaba ba si Glaiza dahil ang sinusundan nila sa ganitong mapangahas na tema ay ang My Husband’s Lover na very successful?

Tinalakay sa My Husband's Lover ang pag-iibigan ng dalawang kapwa lalaki.

“May kaba, siyempre, na may expectations yung tao.

"Pero in a way, confident ako dun sa material namin.

“Mabuti na lang din na inuna nila yung My Husband’s Lover kasi kahit papaano, na-open up yung isip ng tao sa pagtanggap ng pag-ibig na hindi pangkaraniwan.

“Nagkaroon ng excitement dahil sa feedback ng My Husband’s Lover, may mga nagsasabi na sana merong girl version.

“So, ito na nga, after ilang months, they were able to come up with a story na ganito ka-interesting at first time mapapanood on TV.

“Yung mga tao nga nagsasabi na, ‘A, meron palang ganun?’

“Na kahit pala babae siya manamit, babae rin ang gusto niya.

“Kumbaga, yung character ko, counterpart siya ng mga paminta.

“Ganun. Hindi mo mahahalata unless i-declare nung girl na lesbian sila.”

Ang “paminta” ay tawag sa mga bading na kilos at hitsurang lalaki.

Kapag ipinalabas na ito, malamang ay may magpaparamdam o magkakainteres sa kanya na lesbian. Paano niya iha-handle ito?

“Well, para sa akin, hindi naman ako, kumbaga hindi close yung mind ko sa ganun.

“Open ako for friendship, pero talagang yung stand ko, sa preference ko, lalaki talaga,” sabi ni Glaiza.

Ipapalabas ang The Rich Man’s Daughter simula sa May 11 sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN