TV5 star Mark Neumann gets his biggest break in Baker King

Mark Neumann will reprise the role of Korean actor Yoon Si Yoon in the Pinoy remake of the hit Koreanovela The Baker King.


Excited na si Mark Neumann na malapit na nilang simulan ang taping ng pagbibidahan niyang Baker King, na itinuturing niyang biggest break sa kanyang career.

Sabi ng Kapatid actor, “It’s gonna be a really big project.

“Iyan po, abangan n’yo po iyan kasi ibabahagi ng TV5 sa inyo ang isang malaking proyekto na ito.

“Kasama ko po rito si Shaira Mae, and this is going to be a big leap sa loveteam namin.

“Makakasama rin po namin ang mga bigating stars at veteran actors and actresses, like sina Raymond Bagatsing, Diana Zubiri, Joonee Gamboa, Tita Boots Andson Roa, and Ian de Leon.

“And then we have Inah Estrada, Akihiro Blanco, Nicole Estrada, and Malak So Shdifat.

“And of course, directed by Mac Alejandre.”

Nagsimula na nga raw siyang mag-workshop sa baking para sa kanyang role.

“Nakakatuwa din kasi nag-workshop kami sa baking for this kasi, of course, the title is Baker King, ‘di ba? So, we need to learn how to bake.

“We had one session, pero there’s gonna be another session or two.

“Siyempre kailangan talaga maging natural sa amin yung pagmamasa at pagbe-bake ng tinapay.

“Ayaw po naming ma-offend yung mga totoong panadero.

“Noong nag-workshop po kami, doon po namin nalaman kung gaano kahirap maging baker.

“Talagang it’s a hard process to make bread. Pawis, trabaho and precision is needed.

“Hindi lang yung akala mo harina lang ganun, it’s really hard talaga.

“So, hats off ako sa mga baker, sa mga nagsisikap talaga, kasi that’s hard work I can say.

“That’s why we really want to put our hearts into it, isasapuso namin itong proyekto na ito kasi it’s not only kilig-kilig, it’s heavy drama rin siya.”

Malalim at mabigat daw ang istorya ng Baker King kaya mas natsa-challenge si Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung kuwento kasi hindi lang siya baking, kasi in the story the baking is being implemented in life, kumbaga.

“Kasi there’s a line na, ‘Yung masa sa harapan mo, sa tingin mo buhay o patay siya?’

“Buhay siya, kasi however you go through life talaga, tulad ng paggawa ng bread, ‘pag pinaghirapan mo at ginawa nang maayos, masarap ang kalabasan, ‘di ba?

“Pati yung struggles ng character ko sa family, yung acceptance, everything po, dreams, hopes.”

Bukod sa workshop sa baking, magkakaroon din daw sila ng workshop sa acting.

Bilang paghahanda rin ay pinanood ni Mark ang original version ng Baker King.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN