Susan Enriquez and Cesar Apolinario ponder on strengths of I Juander for the past four years

I Juander hosts Susan Enriquez and Cesar Apolinario point out what makes their show relevant as well as the fulfillment that they find in the show.



Aminado sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario na nagkaroon sila ng agam-agam noong umpisa kung magtatagal ang kanilang lifestyle show sa GMA News TV na I Juander na ipinapalabas sa GMA News TV Channel tuwing Miyerkules ng gabi.

Subalit ipagdiriwang na ng nasabing programa ang kanilang ika-apat na anibersaryo ngayong May.

Rewarding para kay Susan na malamang hindi lang sila nakapagbibigay ng programang nakaka-entertain kundi informative din, lalo na sa mga kabataan.

“Ang very rewarding kasi about the show, kapag may napupuntahan kaming school may nakakausap akong teachers. Sinasabi nila na nire-require nila ang kanilang mga students to watch the show.

“Doon pa lang, nakikita ko lahat ng episode maganda.

“Para i-require ka ng teacher na panoorin, ibig sabihin, may natututunan ang manonood.”

Para sa kanila, ito ang strength ng kanilang show: ang pagiging entertaining at informative.

“Gusto ng tao nae-entertain sila at the same time, may natututunan sila.

“Hindi lang yung tatawa sila nang tatawa. Mas maganda yung may natututunan sila.”

Nagbalik-tanaw naman si Cesar kung paano sila nag-alala noong nagsisimula ang show.

“Nung simula namin ni Susan, naga-adjust kami kung paano namin ibebenta na, ‘Panoorin niyo naman ito kasi sa atin ito.’

“Even before, sa history na rin, na kapag tungkol sa kultura, lalangawin [ang show], di panonoorin talaga.

“Yung iba, one season lang, 6 months lang ipalabas. Tapos nga minsan maganda naman yung show pero gusto ng mga tao may nakikitang naghihirap sa TV, may nakikitang nagsasampalan.

“Yung show [namin], walang ganon. Parang chill lang.”

LIGHTER SIDE. Tinukoy naman ng dalawang newscaster ng GMA News and Public Affairs department na malaking bentahe ng kanilang show ang pagiging kwela nila sa programa.

News reporter man si Susan, nag-marka siya nang ipakita ang kanyang “lighter side” dahil sa weekend magazine show na Kay Susan Tayo na nagtagal din ng anim na taon, mula 2003-2009.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maganda rito, mas nae- express mo ang totoong feelings mo, pagkatao mo.

“Parang ito ay Kay Susan Tayo. Ganito halos yon.

“Maganda rin na meron kang outlet na ilabas mo kung ano ka talaga as a person.”

Dagdag pa ni Susan, “Nakakatuwa yon na sinasabi na pag pinapanood ka masaya sila, natutuwa sila.

“You make them happy. Very rewarding sa akin na nagtatrabaho.”

Pagsang-ayon naman ni Cesar, “Nakatulong talaga na jolly person kami ni Susan kasi mahirap ilatag ang isang storya na seryoso at sasabihin mo sa bata.

“Nakaka-relate sila. Gustong-gusto nila 'yon.

“’Yan ang gusto namin. Nahu-humanize kayo. Kumbaga be yourself.

“Kailangan lang ipakita mo sa mga tao na makaka-relate sila.”



ANNIVERSARY EPISODE. Samantala, para sa anniversary episode ng I Juander, itatampok ng nasabing programa ang Palawan ang iba nitong kagandahan; ang mga sunken Japanese ships sa karagatan ng nasabing lugar.

“Natuwa ako kasi hindi ko alam na ang daming palang barko na lumubog sa panahon ng Hapon,” lahad ni Cesar.

“Sumisid ako, natuwa ako kasi yung kultura natin embedded do’n, although Japanese soldiers ang ando’n.

“Mga 16 yata ang mga barko nakakalat do’n, naging tirahan ng mga corals dumadami ang isda, nakadadag ka pa sa pagpapaganda ng kalikasan at pagpaparami ng mga isda.

“Kasi nung araw, wala na raw. Dahil gumanda na ang coral, dahil sa mga ito, nagkaroon ng bahay ang mga isda.

“Yun ang gusto naming ipakita sa mga tao, ang Pilipinas mayaman sa kultura at mayaman sa kalikasan.”

Ang two-part anniversary episode ng I Juander ay ipapalabas sa May 13 at May 20 sa GMA News TV.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN