Shaira Mae and Mark Neumann take a break from Wattpad series to focus on Baker King

Shaira Mae on being close to loveteam partner Mark Neumann: "Alam na namin kung ano yung kinikilos ng bawat isa, kung ano yung makakaganda, kung ano yung hindi okay, maku-correct namin."


Dahil mapapanood ang Baker King mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi, simula sa Mayo 18, pansamantala munang iiwan nina Shaira Mae at Mark Neumann ang paggawa ng mini-series na Wattpad Presents, na kung ilang istorya na rin ang kanilang pinagbidahan.

Sabi ni Shaira Mae, “Opo, sa tingin ko hindi muna kami magwa-Wattpad.

“Siguro after ng Baker King at saka kami babalik sa Wattpad.

“Parang Baker King po muna talaga ang focus namin.

“Excited din ako kasi maiiba ito sa Wattpad, masu-showcase namin yung kaya namin sa drama.

“So, excited ako na maipakita sa kanila na may kaya pa akong maipakitang iba sa kanila.”

Malaking factor din daw ang matagumpay na episodes ng Wattpad Presents na nagawa nila kaya napansin sila ng TV5 at ngayon ay ginawang mga bida ng Baker King.

“Yes, malaking factor kasi ang daming nagre-request na mga fans at supporters namin na sana may teleserye naman.

“So, feeling ko, isa rin yun sa mga nag-push sa TV5 para kami yung mapili dito sa Baker King.”

Ang Baker King ang maituturing nilang biggest break para sa kanilang loveteam.

Pahayag ni Shaira, “Ang tagal naming hinintay na magka-teleserye nang sarili namin.

“Sobrang thankful kami sa TV5 kasi ibinigay nila ito sa amin ni Mark.

“Magandang timing din na mapunta kami sa ganitong stage.

“Happy ako kung nasaan man ang Shark [Shaira-Mark] ngayon.

“Mas pagbubutihan pa namin para mas may iangat pa kami.”

May pressure ba?

Pag-amin ng Artista Academy alumna, “Meron talaga kasi drama na ito, iba na.

“Pero it’s a good pressure kasi nakakatulong sa amin para mas gawin pa namin ang best namin.”

Bakit kaya sa tingin niya ay click ang loveteam nila?

Sagot ni Shaira, “Sabi nga nila, marami rin ang nagsasabi na may chemistry kami.

“Kahit kami ni Mark, napapaisp kami na, ‘Oy, talagang may chemistry tayo, ‘no!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Feeling ko, yung ipinagkakatiwala din namin ang isa’t isa at saka ginagawa lang din namin ang best namin.

“Siguro maganda rin yung foundation namin as friends.

“Kasi super close kami ni Mark, so alam na namin kung ano yung kinikilos ng bawat isa, kung ano yung makakaganda, kung ano yung hindi okay, maku-correct namin.”

Anong improvements ang nakita niya kay Mark simula noong mag-umpisa sila sa showbiz sa pamamagitan ng artista search ng TV5 na Artista Academy?

Saad ni Shaira, “Ang laki ng improvement ni Mark. Yung acting niya, mas malalim na.

“Yung pagta-Tagalog niya, mas smooth na, hindi na siya barok.

“Pagdating naman sa attitude, lagi naman siyang pursigido, e, willing to learn talaga.

“At saka nakikinig siya sa akin, kunwari may sasabihin ako sa kanya na, ‘Ay, baguhin mo ito, hindi maganda.’

“At saka, ‘Kaya mo iyan, more pa,’ yung mga ganun.

“Nakikinig siya sa akin, yun ang gusto ko kay Mark.”

BAKING WORKSHOP. Sa Baker King, ginagampanan ni Shaira ang role ni Sunshine, isa sa mga panadera sa bakery kung saan magtatrabaho ang bidang si Takgu, na ginagampanan naman ni Mark.

Kaya naman kasama raw si Shaira sa mga nag-workshop sa baking.

“Opo, nag-aral po kami nina Mark, Aki [Akihiro Blanco], nakakadalawang araw na po kami, sa may Marikina po.”

Doon daw niya nalaman kung gaano kahirap ang paggawa ng tinapay.

“Ang hirap pala talagang magmasa, as in magkaka-muscle ka 'pag nagmasa ka nang manu-mano.

"Kasi usually daw ngayon, wala na halos nagmamasa ng kamay, lahat makina na.

"Yung experience namin sobrang hirap, pero masaya.

"At saka kina-career talaga namin para siyempre kukunin namin yung recipe at sa bahay pwede kaming makapag-bake, ganyan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN