Glaiza de Castro on kissing scenes with Rhian Ramos: "Nakakailang...pero medyo nagiging komportable na.”

Glaiza de Castro (right) says kissing Rhian Ramos marks the first time that she kissed a girl. To make her relationship with Rhian believable in The Rich Man's Daughter, Glaiza says she has to immerse herself totally in the role, “In-expose ko talaga ‘yong sarili ko sa mga gano’ng bagay… na puwede ang dalawang babae ay magsama, ‘yong gano’n."


Sensitibo ang tema ng istorya ng bagong primetime series ng GMA-7 na The Richman’s Daughter. Tungkol ito sa isang lesbian at isang babae na magkakagustuhan.

Aminado ang isa sa cast nito na si Glaiza de Castro na noong una ay medyo kinakabahan siya kapag naiisip kung paano ito tatanggapin ng viewers.

“May mga hesitations ako. Meron akong mga agam-agam,” aniya nga nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars noong Linggo, May 10.

“Pero so far no’ng niri-release na namin ‘yong trailer, nakakatuwa na marinig at mabasa ‘yong mga comments nila.

“‘Yong reactions nila na… nagbibigay sa amin ng lakas ng loob.”

Ginagampanan ni Glaiza ang role ng isang babae na medyo tago ang pagiging lesbian at mai-inlove sa karakter ng rich man’s daughter na si Rhian.

“Ito ang pinaka-challenging sa lahat ng mga naging roles ko, mahirap siya in a way… first time ko kasi siyang ginawa ever.

“Isa akong lesbian na… meron akong past na hindi pa nauungkat kung bakit ako dumating sa punto na mas prefer ko ang babae sa relationship.

“Marami tayong hindi nalalaman about lesbians… meron palang gano’n?

“Kahit babaeng-babae ang hitsura mo, puwede pa rin siyang makipagrelasyon sa isang babae din.”

Ano ang nabago sa dating impression niya sa mga lesbians?

“Well ‘yong general perception na ang lahat ng lesbians ay masculine, isa ‘yon sa mga nabago.

“‘Tapos, hindi lahat ng lesbians ay hate ‘yong lalake.

“Hindi lang dahil sa walang sumasakto na lalake para sa kanila, it’s just that their choice is the same sex.”

E, sa relasyong babae sa babae naman, ano na ang pananaw niya at this point?

“Well… walang mas dominant, kumbaga.

“Sinasabi nila, mas mabigat ‘yong responsibility ng isa dahil mas lalaki ‘yong isa.

“Kumbaga… equal. Minsan hinahanap ng babae sa isang relationship na maging equal ‘yong responsibility o ‘yong status.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“O kung anumang position meron sa isang relationship. Sa tingin ko, isa iyon sa mga misconceptions.”



KISSING SCENES. Tungkol sa role niyang bilang lesbian sa The Richman’s Daughter, marami silang kissing scenes ni Rhian.

“May nakunan nang mga ganong eksena. First week pa lang ng airing, mapapanood na kaagad ‘yon.”

No’ng unang beses na kinunan ang gano’ng scene, ano ang feeling niya?

“Nakakailang!” nangiti ulit na sambit ni Glaiza. “Kasi first time na ginawa ko iyon sa buong buhay ko.

“Pero no’ng medyo tumagal-tagal na, medyo ano naman nagiging komportable na.”

Paano niya ikinundisyon ang kanyang sarili para maging komportable sa gano’ng scenes?

“In-expose ko talaga ‘yong sarili ko sa mga gano’ng bagay… na puwede ang dalawang babae ay magsama, ‘yong gano’n.

“So nanonood ako ng mga movies. Nagtatanong ako sa mga kaibigan, ‘tapos nag-immersion kami din for this.

“Para sa akin, every taping day, a learning experience. Para kang pumapasok sa school, gano’n.”

Hindi ba mahirap na gawing believable na sila ni Rhian na parehong babae ay mai-in love sa isa’t isa?

“Mahirap at first, kaya nga kami naiilang, e.

“Kasi hindi namin puwedeng peke-in kung anuman ‘yong mga eksena namin, ‘di ba?

“So noong una, parang nangangapa pa kami sa isa’t isa, pero unti-unti…

“Nagulat nga ako, ang bilis ng transition, it didn’t take a long time para maging komportable kami sa isa’t isa.

“And as long as mapagbigay ‘yong co-actor mo, open lang siya sa ‘yo.

“Iyon din naman ang mararamdaman mo at ibibigay mo sa kanya.

“Ang ginawa namin ni Rhian… kailangan talaga ‘yong constant communication… kumustahan lang.

“Kahit hindi kami magkakesena… o habang nag-aantay kami ng isang eksena, nag-uusap kami, gano’n.”

NON-JUDGEMENTAL. Inaasahan daw ni Glaiza na maaabot ng pang-unawa ng viewers ang tema ng kuwento ng The Richman’s Daughter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Although naha-hype ‘yong about lesbians, gusto rin naming iparating na it’s about family.

“It’s about friendship. It’s about finding your inner truth.

“Lahat tayo naghahanap niyan, ‘di ba? Kaya tayo nag-i-explore.

“Kaya dumadating sa phase natin na… may bagong darating, ‘tapos susubukan natin ‘yon.

“So I think universal ‘yong approach ng Richman’s Daughter.

And it does not cater just to the LGBT community, it caters to everyone.”

Dahil naging malawak na ang pananaw niya patungkol sa mga lesbians at sa relationship ng parehong babae, paano kaya niya iha-handle if ever na may tomboy manligaw sa kanya?

“Well… hindi ko naman isinasarado ang isip ko sa mga gano’ng bagay.

“Hindi naman ako ang tipo ng tao na nangdya-judge ng kung anumang preference.

“Pero kung sakali mang dumating ‘yon, I would just be open.

“Katulad ng siguro mga lalaki din na manliligaw, tingnan natin di ba?” sabay ngiti niya.

“Tingnan natin kung ano ang mangyayari. Kasi ang ano naman… hindi naman siguro masama na sabihin na gano’n?”

Pero right now, tila wala pa rin siyang interes sa pagkakaroon ng lovelife?

“Oo, e,” sabay ngiti niya ulit. “Honestly wala muna sa isip ko talaga pa.

“Although may mga tao na dumarating na nagiging open lang.”

Matagal-tagal na rin siyang walang boyfriend, 'di ba?

“Oo, iba kasi ‘yong papasok ka sa isang relationship… iba ‘yong open ka lang sa kung sinuman ‘yong dumating.

“Nasa gano’n ako ngayon. May mga dumarating na… alam mo ‘yon, nagpapahiwatig.

“Hindi pa talaga ako ready na makipagrelasyon. Walang artista, puro sila non-showbiz.”

Mas prefer niya na maging boyfriend ang hindi artista kung sakali?

“Private kasi akong tao, so sa tingin ko may pagkakaiba kung hindi showbiz.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN