Maxene Magalona credits artistic growth to Your Face Sounds Familiar

Maxene Magalona is grateful to be part of Your Face Sounds Familiar. “I never thought na makakasali ako sa show na gaya nito. Hindi rin natin ini-expect na magiging ganito kalaki yung feedback ng mga tao, yung outcome, yung result. Kaya nakakatuwa and proud ako to be part of the show,” she says.


Malaking bagay kay Maxene Magalona ang pagsali niya sa celebrity talent show sa ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar para mailabas ang kanyang singing at performing talents.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Maxene sa “MAC is Beauty” launch noong nakaraang Huwebes, May 14, inihayag ng aktres ang pasasalamat sa mga karanasang pinagdadaanan niya sa show, tuwing magi-impersonate siya ng isang artist, lokal or banyaga.

Saad pa ni Maxene, “Nag-improve na raw ako sabi nina Ms. Sharon [Cuneta] at Sir Jed [Madela].”

Ang mga nabanggit ay dalawa sa tatlong judges sa programa. Ang isa pang judge ay si Gary Valenciano.

Patuloy pa ni Maxene, “Sabi nga nila, sobrang nag-improve na raw ang singing voice ko. It’s a big thing for me kasi I’m not a singer naman talaga.

“Nakakatuwa kasi nakikita naman nila na nagi-improve ako.

“Well, I’m not really a singer or a dancer naman.

“Pero dito sa show, nakaka-bonus ako. Nakaka-bonus ako kay Teacher Annie [Quintos, voice coach] at Teacher Georcelle [Dapat, dance coach] week after week.

“Nakakatuwa kasi natuto ako. And it’s all because of the show.

“Never ko namang inakala...on my own, hindi ko naman inisip na mag-singing lessons or dance lessons.

“Because of the show, nakakakuha ako ng tips and lessons."



RESPECT FOR PERFORMING ARTISTS. Dahil sa karanasan niya sa show, may nabago ba sa pagiging artista o pagkatao niya?

Lahad niya, “Of course, I have a new-found respect for performers, dancers, singers.

“Kasi it’s not an easy job talaga. Hindi madali yung ginagawa nila.

“Kaya nag-iba talaga yung pananaw ko sa mundo ng singing and dancing.

“And it also changed me as a celebrity kasi mas natuto ako to be stronger, to have more discipline as a performer, as a celebrity.

“Kasi week after week, pinapanood kami at ang tataas pa ng ratings namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nakakatuwa kasi marami kaming napapasayang mga tao.

“So I really have to work harder. Hindi puwedeng petiks-petiks lang. I have to give my best.”

ARTISTIC GROWTH. Masasabi bang mas exciting ang career ni Maxene ngayon kumpara dati na puro drama lang ang ginagawa niya?

Aniya, “Definitely different.

“Exciting rin naman yung mga ginawa ko in the past because hindi ko inakala na makakagawa ako ng gano'ng kabibigat na dramatic scenes, especially sa Basang Sisiw na nakagawa ako ng gano'ng klaseng kontrabida.

“You know, every part of my career, I consider exciting kasi it helped me grow as a person and as an artist.

“But definitely this time is different. It’s exciting, but it’s also very, very different.

“I never thought na makakasali ako sa show na gaya nito.

“Hindi rin natin ini-expect na magiging ganito kalaki yung feedback sa mga tao, yung outcome, yung result.

“Kaya nakakatuwa and proud ako to be part of the show.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN