Angeline Quinto ready to make "new memories" with Coco Martin

Angeline Quinto is cast as the leading lady of Coco Martin in ABS-CBN's adaptation of the FPJ film Ang Probinsiyano.


Magbabalik tambalan sina Coco Martin at Angeline Quinto para sa TV remake ng isang Fernando Poe Jr. movie.

Sina Coco at Angeline ang bida sa ABS-CBN TV adaptation ng pelikulang Ang Probinsiyano na pinagbidahan noon nina FPJ, Dindi Gallardo, at Amanda Page. Ito ay isa sa classic movies na ginawa ng tinaguriang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. na yumao na. Ginawa niya ang pelikulang ito noong 1997.

Sa muling pagsasama nina Coco at Angeline, marami ang curious malaman kung paano ang magiging working relationship ng dalawa.

Kung matatandaan, naging controversial noon ang pag-amin noon ni Angeline tungkol diumano sa "special friendship" nila ni Coco, matapos nilang gawin ang 2012 movie na Born To Love You.

Naudlot nga lamang ito, dahil diumano sa pagkaka-link kay Angeline sa isa pang Kapamilya star na si Sam Milby.

Sa panayam kay Coco, nagulat naman ito sa pahayag ng kanyang leading lady, dahil sa pagkakaalam niya, ay naging magkatrabaho lamang sila, pero hindi naman daw ito mahirap mahalin.

Dagdag pa niyang sinabi na nirerespeto niya kung ano man ang mga nasabi ni Angeline dahil bilang lalaki, yun ang dapat niyang gawin.

Pero, naging maayos naman ang dalawa sa paglipas ng panahon, at ang lahat ng ito'y "water under the bridge" na nga lang, ika nga.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang press people si Angeline sa announcement ng nasabing teleserye na ginanap sa 9501 Restaurant, sa ELJ Building ng ABS-CBN kahapon, May 18, ito ang naging pahayag niya tungkol sa muli nilang pagtatambal ni Coco.

Bungad ng singer-actress, "I'm very excited po ako kasi, akala ko kasi, 'di na ito magkakaroon ng...

"Ang saya-saya.

"Kasi, si Coco naman kasi, ang unang nakatrabaho ko sa pag-arte, 'di ba?

"Ngayon, sobra akong natutuwa kasi, makakasama ko siya dito sa bagong project ng Dreamscape.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, excited po."

Ibig bang sabihin nito ay maraming alaala ang babalik sa kanilang samahan?

Natawang tugon ni Angge, "Memories agad? Hahaha!

"'Di ba, puwedeng bagong memories naman?

"'Tapos na yun!"

Pakli pa niya, "Sa ngayon, mas ano na, mas matured, mas modern, ganun!"

Nagkausap na ba ulit silang dalawa?

Pagtanggi niya, "Hindi pa kasi, recently ko rin lang naman na kasama po pala ako dito.

"Matutukso naman kami? Hindi naman na siguro po.

"Kasi, marami namang leading ladies na kasama, 'di lang ako."

Kasama rin nga rito si Bela Padilla, na kalilipat lang sa bakuran ng ABS-CBN.

(Read: Bela Padilla returns to ABS-CBN; wants to seal her place as a Kapamilya)

Samantala, sa presscon proper, naitanong sa kanya, kung ano ang nararamdaman niya ang mga multi-awarded actors ng pelikulang Pilipino.

Bukod kay Coco, kasama rin sa cast sina Ms. Susan Roces, Albert Martinez at Arjo Atayde na may kanya-kanya nang string of acting awards.

Hindi ba siya natatakot?

Aniya, "Actually, hindi ko naman po hinahayaan na matakot ako, e.

"Gusto ko lang sabihin sa sarili ko na sobra akong blessed na katrabaho ko silang lahat.

"Kasi, once tinanggap ko po yung takot, baka magtuluy-tuloy yun, at hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko."

Dagdag pa niya, "So, sobrang thankful po ako, na nandito ako sa harapan niyo ngayon.

"Sir Deo [Endrinal], thank you po talaga, at sa ABS-CBN.

"Ako talaga, promise ko naman na gagawin ko yung best ko po, para sa napakalaking proyekto na ito sa Dreamscape."

Ano naman ang magiging role niya sa teleseryeng ito?

Kuwento ni Angeline, "Isa po ako ditong probinsiyana.

"Napakasaya po ng family ko, so yung pagmamahal ng isang nanay, gusto ko ring mangyari ito sa buhay ko.

"Gusto na isang araw ay makita ko ang magiging hero ko, parang ganun po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, "Yung talagang magtanggol sa akin, kaya nang makilala ko si Coco, na isang pulis.

"Dahil nga isa siyang pulis, siguro nga ay siya na ang magtatanggol sa akin everyday, pero nang malaman ko na ang buhay po pala ni Coco, ay maraming sabit, nawalan po ako ng pag-asa.

"Pero, naniniwala pa rin po ako na sa dulo ay kami pa rin, ganun po ko siya ka-love."





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN