Olivia Lamasan believes Kathniel is on their way to portraying mature roles

Pangako Sa 'Yo director Olivia Lamasan (right) says about their teleserye's trailer: "Napalabas niya talaga ang sensuality ni Kathryn [Bernardo]."



Si Direk Olivia Lamasan ang direktor ng unang Pangako Sa 'Yo na pinagbidahan noon nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales labing-limang taon na ang nakakaraan.

Ngayong 2015, sa pagbabalik telebisyon muli ng sikat na teleserye, si Direk Olivia ang isa sa mga direktor ng nasabing soap opera kasama sina Direk Rory Quintos at Direk Jerry Sineneng.

Ayon kay Direk Olive, nostalgic at napakalaking hamon para sa sa kanya ang pagdi-direhe muli ng pagbabalik telebisyon ng Pangako sa 'Yo.

“Ako, unang-una siyempre nostalgic, fifteen years later directing the same story but with a difference. Second, it’s really very challenging kasi paano mo maiiba saka yung sensibilidad, paano mo siya ipapa-angkop sa sensibilidad na yun? That’s really a big challenge but at the same time, ako I have so much fun directing this set of actors.

Mapapanood na ang Pangako Sa 'Yo sa darating na Lunes, May 25, sa Primetime Bida ng Kapamilya Network.

Sa remake na ito, si Angelica Panganiban ang gaganap bilang Claudia Buenavista samantalang si Jodi Sta. Maria naman ang napili na magbigay buhay kay Amor Powers.

“Sobra ang respeto ko kay Angelica Panganiban na para sa akin isa sa pinakamgaling na aktres sa henerasyon ngayon.

"Ganun din kay Jodi Sta. Maria na talagang bata pa ‘yan, nag-audition ‘yan, isa ako sa nag-audition sa kanya at dun pa lang kinakitaan ko na agad ng galing.

"Isang napakalaking challenge para sa akin na bihisan o hubugin si Ian Veneracion para sa role niya as Eduardo Buenavista because he already done similar roles in the past. Sabi ko, very challenging ito na maibagay at mailabas ko kay Ian Veneracion ang katauhan ni Eduardo Buenavista.

“One of the biggest challenges also to make the chemistry of Ian and Jodi work in the love story kasi ang objective as a director, I need the audience to fall in love with them para maramdaman kung paano nagmahalan ang dalawang tao nba dahil sa tragedy ng kanilang pagmamahalan dahil dun naka-root, deeply rooted kung paano maa-affect ng tragedy ng kanilang pagmamahalan ang pagmamahalan nila Angelo at Yna.”

Pinuri rin ni Direk Olive sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na gaganap bilang Inah at Angelo sa istorya. Ayon sa direktor ay malaking tulong ang naibahagi na ideya ng dalawang young stars para mas maging mas akma ngayon ang karakter na gagampanan ng dalawa.

“Ako sobra akong natutuwa sa dalawang batang ito kasi at their age, they are very intelligent and very deep. We made them as creators, we made them go through this exercise in asking them about their inputs in developing their characters. Napakalaki ng insights na naibigay nila sa character development ng bagong Angelo at Yna.

Takaw pansin ang ilang eksena nila Kathryn at Daniel sa teaser ng Pangako sa 'Yo kunsaan medyo sexy at daring ang mga ito.

Para kay Direk Olive ay naniniwala siya na panimulang hakbang na ito ng dalawa para maging bukas sa paggawa ng medyo mature na mga roles.

“Narinig mo naman ang sinabi ni Direk Rory, innate ang sensuality kay Kathryn at ako nagulat ako nung nakita ko yung teaser na dinirek ni Direk Rory.

"Sabi ko, Wow! napalabas niya talaga ang sensuality ni Kathryn which nagbenefit dun yung pelikula nila Kathryn and Daniel, yung Crazy Beautiful You because nahawakan sila ni Direk Rory even before. They're really on their way to maturity, their own their way to portray matured roles.”

Ang Pangako sa 'Yo ang sinasabing nagbago sa konsepto ng isang teleserye dahil hindi lang ito tinangkilik sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa ibang bansa sa Asia. Ito rin ang soap opera na nagdala kila Kristine at Jericho sa kasikatan at maikunsidera na ilan sa pinakaimportanteng artista ng ABS-CBN.

“It changed the landscape of soap opera at that time. One with the faster pace of storytelling. Second, humanizing the villains. Ito yung pinakauna na nga-humanize at nagpakita ng pagiging tao ng isang kontrabida, usually kasi pag kontrabida black character, Pangako sa 'Yo changed that. It was the first soap opera or teleserye that humanized a kontrabida.Pinapakita yung puso kaya sinundan siya ng mga sumunod pang mga programa.

“Nakakatuwa kasi palaging sinasabi sa amin ng aming Acquisition Head na si Evelyn Raymundo na it is Pangako sa 'Yo is a classic love story. It was created by ABS-CBN as a Tagalog product, Tagalog soap opera na napalabas sa ibang bansa. Pinakauna dito ang Malaysia na tumanyag talaga sila Kristine Hermosa at Jericho Rosales. Hanggang ngayon there’s always a clamor for Jericho. Then followed by Indonesia and Africa.

“'Yan talaga ang nagsimula, hanggang ngayon ito na naman ang objective na may bagong bihis pero parehong kuwento na maari na naman nating ipalabas at ma-appreciate ng mga tao sa ibang bansa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN