Daniel Padilla on kissing scene with Kathryn Bernardo: "Abangan na lang natin."


Highly-anticipated ang TV remake ng classic drama-series na Pangako Sa ‘Yo dahil kay Daniel Padilla at ang leading lady niya na si Kathryn Bernardo.

Gagampanan nina Kathryn at Daniel ang role bilang sina Yna at Angelo na unang pinortray ng sikat din na loveteam noon na sina Kristine Hermosa at Jericho Rosales.

Nagtala rin ng napakataas na TV rating noon ang original ABS-CBN show na Pangako Sa ‘Yo nina Kristine at Jericho at naglunsad sa kanila bilang isa sa established and most-in-demand loveteams noong huling taon ng dekada ’90.

Aware ba si Daniel na phenomenal noon ang rating sa telebisyon ng Pangako Sa ‘Yo?

“Oo, pero siyempre hindi ko pa alam kung ano’ng mangyayari sa palabas namin. Abangan na lang natin,” sagot ni Daniel.

May preparations ba siyang ginawa lalo na ang taas-taas ng expectation sa kanila para sa bagong version ng Pangako Sa ‘Yo?

“Oo naman… pero hindi natin masasabi ngayon. Depende na lang sa palabas, kung ano yung ilalabas namin.”

Nagkaroon na ba ng chance na magkausap sila ni Jericho tungkol sa Pangako Sa ‘Yo?

“Oo naman, nagkikita kami sa ASAP.”

Nabanggit ba ang tungkol sa paggawa niya ng Pangako Sa ‘Yo?

“Oo naman, isang beses. Hindi naman siya naging conversation kasi sobrang bait na tao ni Jericho talaga.”

Ano ang sabi sa kanya ni Jericho?

“Congrats! Sabi niya, ‘Congratulations. Galingan mo.’ Sabi ko, ‘Sir, maraming salamat. Siyempre, ikaw ang nagsimula niyan,’” kwento ni Daniel.

Malaking hamon ba sa kanya na ang gagampanan niyang role ay ginawa ni Jericho na isa na sa mga mahuhusay na artista ngayon sa industriya?

“Ah, sana, sana, I’ll do my best na gumanda. At kung anuman ang kalabasan ‘yon ako. Yun ang kaya ko [gawin].”

Hihingi ba siya ng advice kay Jericho para sa pagganap niya bilang si Angelo?

“Ah, it depends kung ano ang ano nang usapan. Hindi naman pwedeng basta na lang, ‘Pahingi ng advice.’ Hindi naman pwedeng ganoon.”

Hindi niya susubukan na mag-ask ng advice from Jericho?

“Nakakahiya yun,” sambit niya.

“Hindi naman, hindi rin naman natural na bigla ka na lang manghihingi. Siguro ano lang, isang casual conversation na magaganap.”

Kinakabahan pa ba siya sa bago nilang teleserye ni Kathryn?

“Oo naman, siyempre, hindi pa natin alam kung ano’ng [mangyayari] siyempre, hindi ka naman pwedeng unahan ng kaba. So, ayusin na lang natin.”

Kumusta naman ang first taping days nila sa set ng Pangako Sa ‘Yo?

“Okay naman,” sabi ni Daniel.

“Maayos naman at iilan pa lang [ang taping days]. Ngayon pa lang nagsi-sink [sa akin].”

Handa na ba siya sa kissing scene nila ni Kathryn sa “Pangako Sa ‘Yo?

“Wala pa naman nasasabi sa amin. Hehe. Abangan na lang natin.”

Excited na ba si Daniel sa kissing scene nila ni Kathryn?

“Hindi ko alam, e. Sa ngayon, uh,” buntong-hininga niya.

“Hindi ko pa alam. Hehe.”

May love scene rin kaya sila ni Kathryn sa Pangako?

“Wala, wala.”

How true na bawal kay Kathryn ang love scene?

“Bawal nga,” pagkumpirma ni Daniel.

Ano naman ang masasabi niya na nag-trending sa social media ang pagta-topless niya sa trailer ng Pangako Sa ‘Yo?

“Siyempre tuwang-tuwa ako nagustuhan nila yung maganda ko’ng katawan,” pagbibiro ni Daniel.

“Hindi loko lang. Haha!" sabay bawi niya.

“Salamat, salamat sa lahat ng nanonood ng trailer.”

Ngayon lang ba niya na-realize na marami ang nagnanasa sa kanyang katawan?

“Hindi naman…haha. Awkward nga, e.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN