InstaDAD director Neal del Rosario swoons over Gabbi Garcia

Director Neal del Rosario believes the young talent Gabbi Garcia has far to go in GMA. He says, "Magwa-one year pa lang siya dito... ang dami nang raket, may launching soap pa."


Sa pamamagitan ng email ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang direktor na si Neal del Rosario, na siyang may hawak ng InstaDAD ng GMA Network.

Ayon kay Direk Neal, “On our fifth week of airing, full load pa rin siya and may following.

“There’s still so much this show can offer especially in imparting values to the viewers.

“Whatever happens, at the end of the day, it’s still family.”

Tungkol naman sa bida ng InstaDAD na si Gabby Eigenmann, aniya, “Mabuting tao, magaling na artista.

“Sa galing, hindi mo matatawaran.

"An ideal guy, a loving father to three teens.”

Sa kuwento ng InstaDAD ay ama si Gabby, bilang si Kenneth, nina Gabbi Garcia bilang si Marikit, Jazz Ocampo bilang si Maaya, at Ash Ortega bilang si Mayumi.

Tungkol naman sa tatlong female teen stars sa show, sabi ni Direk Neal, “Jazz she is great. Gusto ko si Jazz nung in-audition.

"Perfect siya for the role, para siyang paru-paro.

“Hindi pa bumubuka yung bulaklak, kasama ko na siya. Siya yung pinaka-formal sa tatlo.

“Si Ashley, given na magaling, given na mabait. Siya yung pangalawa na naging malapit sa akin.

“Ngayon, umeere ang mga plots niya. Hindi siya nahihiya na humingi ng tulong.

“In the same way hindi siya nahihiyang tumanggap ng responsibility sa mali at criticism.

“Kasi alam niya na para sa kanya yun. Magaling din siya."


SINGLING OUT GABBI. Ayon sa direktor, may one year history raw sila ni Gabbi Garcia sa trabaho.

Kuwento ni Direk Neal, “So, unti-unti, pag nakikita niya na clingy na sa akin yung dalawa, ngayon 'Tatay' na rin ang tawag niya. Naglu-loosen up na siya.

"Ang galing pala nitong batang ito!

“Meron akong ina-adlib in between, pag blinock ko na at tinake, alam niya kung saan ko pinasok at dinadagdagan pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron siyang natural talent. May future siya.

"I think, magwa-one year pa lang siya dito [GMA].

"It’s not every day na… in less than a year, ang dami nang raket, may launching soap pa [Let The Love Begin].

“She was given to me as an assignment in My Destiny last year.

“Instantly and instinctively, I saw something in her.

“She’s not Caucasian, she’s not half-breed, there’s something about this girl.

“When you look at her, merong magic, may certain something.

“Meron siyang enigmatic personality, ‘tapos kulay Pinay, iba yun.

"Habang tinitingnan mo si Gabbi, gumaganda.

“Alam ni Gabbi ‘yan na nag-share kami ng blood, sweat, and tears. Alam niya na mahal na mahal ko siya.

“Siya ang unang anak ko sa GMA, at kahit kanino, kaya kong sabihin meron kaming rapport.

“At the end of the day, sobrang mahal ko siya, sobrang mahal niya ako.

“At ang trato niya sa akin ay pangalawang tatay.”

Nasa InstaDAD din si Matet de Leon bilang si Gracia, ang newcomer na si Prince Villanueva bilang si Ikot, at ang heartthrob na si Juancho Trivi�o bilang si Dwight.

Si Neal din ang direktor ng upcoming drama series ng GMA na My Mother’s Secret.

Napapanood ang InstaDAD tuwing Linggo ng hapon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN