Gwen Zamora considers My Mother's Secret her biggest break on GMA

Gwen Zamora on leading man Christian Bautista: "He’s okay. He’s a real gentleman. Ang sarap kasama. He’ll make sure that... not just me, but everyone on the set, he’s nice."


Sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama sa isang drama series sina Gwen Zamora at Christian Bautista.

Purong drama sila sa bagong teleserye ng GMA Network na My Mother’s Secret, na mapapanood bago ang 24 Oras simula sa May 26.

Kumusta ang working relationship nila ni Christian?

Lahad ni Gwen, “We had our first kissing scene yesterday.

"Okey naman, super-init lang kasi.

“Buong morning, we we were under the sun. May mark nga ako ng tsinelas.”

Kumusta naman si Christian?

“He’s okay. He’s a real gentleman. Ang sarap kasama.

"He’ll make sure that... not just me, but everyone on the set, he’s nice."

Kung minsan daw ay kumakanta siya sa set at kinakanta niya ang mga songs ni Christian.

Pero biro ni Gwen, kung sakali at magbi-videoke raw sila, hindi niya iimbitahan si Christian.

“Wala, ayoko ng ganun, ayoko ng mas magaling sa akin!” natawang biro niya.

Pero dagdag ni Gwen, “Actually, we’re planning to do amateur video on set. Kapag may time na kami.”


BIGGEST BREAK. Ang My Mother’s Secret ang maituturing ni Gwen na pinakamalaking break na ibinigay sa kanya ng GMA Network.

Nanay ni Kim Rodriguez ang karakter na ginagampanan niya. Dahil malaking break ito sa kanya kaya niya tinanggap?

“Yes, this is my biggest break.

“Well, ang daming different things while taping.

“Ang dami kong na-realize within myself, things I never saw me doing or saw me tapping into, like emotionally.

“Ang dami kong crying scenes and every crying scene, iba.

“Hindi naman puwedeng pareho yung atake… yung choice.

"Hindi naman puwedeng pareho yung pinanggalingan.

“So, ang daming different alleys of my emotion and my memory bank that I have to tap into.

“Kung minsan, ang hirap isara yung nabukas ko na door and, oh my God, after ng scenes, mga 20 minutes pa ring hagulgol nang hagulgol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s nice to finally reconnect with my craft and it’s a pleasure to work with Direk Neal [del Rosario].

“He really knows how to attack his actors, he knows how to bring out this thing with me.

“Very challenging siya, that’s why I feel honored and blessed to be given the chance to show my acting skills.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN