Kathryn Bernardo and Daniel Padilla still finding their bearing in the remake of the iconic Pangako Sa ‘Yo

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla are feeling the pressure of filling the big shoes left by the original actors in the cast of the iconic teleserye. Kathryn says, “Kailangan naming mabigyan ng justice yung Pangako Sa ‘Yo.


Sa Lunes, May 25, ang simula ng airing ng remake ng primetime series na Pangako Sa ‘Yo, kung saan bida ang hottest loveteam ngayon na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KathNiel.

Pareho nang excited ang dalawa sa pagpapalabas ng kanilang bagong teleserye.

Sabi nga nila, nang mag-guest sila nang live sa Aquino & Abunda Tonight kagabi, Huwebes, May 21, ibang Kathryn at Daniel dito.

Ito na nga ba ang simula ng pagma-mature nila at maituturing na gateway sa next chapter of their life?

Sagot ni Kathryn, “Feeling ko, ito ang perfect project na makita nila na mag-evolve kami pareho ni DJ [palayaw ni Daniel].

“Hindi naman yung... ayaw namin ng super-layo sa age namin.

“Mas mature lang. Para maiba lang yung bigay.”

Maraming fans nila ang nakaantabay. Sa seryeng ito ba makikita ang first kiss nilang dalawa?

"Sana! Sana!” biro ni Daniel, sabay tingin kay Kathryn na ngiti lang ang naging reaksiyon.

Kumusta ang taping at ang kanilang pag-atake sa mga role nila bilang Ina at Angelo, na ginampanan noon nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales?

Sabi ni Kathryn, “Nag-a-adjust pa. Kasi ilang taping days pa lang, ‘tapos hindi mo naman agad iyon makukuha.

"So, dun pa lang ako sa adjustment period."

Kaugnay ng paghahanda ni Kathryn sa kanyang role bilang si Ina, nag-enrol daw siya ng cooking lesson.

“Okey naman. Nag-i-enjoy ako to learn my lessons.

“Si DJ, baking. Ako yung cooking.”

BIG PRESSURE. Malaking pressure daw na sobrang laki ang impact na iniwan ng orihinal na bersiyon ng Pangako Sa ‘Yo na tumatak nang husto sa viewers fifteen years ago.

Four or five years old pa lang sina Kathryn at Daniel noon.

Sabi ni Kathryn, “Nakaka-pressure talaga.

“Pero pareho kami, kailangan naming gawin ‘yon.

“Ayaw na naming isipin ‘yon [pressure], pero hindi mo maiiwasan!

“Kailangan naming mabigyan ng justice ‘yong Pangako Sa ‘Yo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Kathryn, nilagyan daw ng bagong texture ang bagong version nila.

“Medyo minodernized. May mga binago para mas akma sa panahon ngayon.”

WORKING WITH JODI & ANGELICA. Ibang klaseng experience din daw ang pakikipagtrabaho nila sa kanilang co-stars, kung saan kabilang sina Jodi Sta. Maria, Angelica Panganiban, at Ian Veneracion.

Si Jodi ang gumaganap sa karakter ni Amor Powers na binigyang buhay noon ni Eula Valdes.

Si Angelica naman ang gaganap bilang si Madam Claudia Buenavista, na ginampanan dati ni Jean Garcia.

Si Ian naman plays the role of Eduardo Buenavista, na dating ginampanan ni Tonton Gutierrez.

Sabi nga ni Daniel, “Si Tito Ian, sobrang okey, kasi siya yung tatay ko sa Got To Believe before. Sobrang close po kami ni Tito Ian.

“Si Miss Angelica naman po, hindi pa kami nagkakasama sa scene.

“Pero sa mga gatherings, nagkikita naman kami parati.

“Si Miss Jodi, okey rin po. So, sobrang kumportable.”

May eksenang masasampal ni Angelica si Kathryn, pero hindi pa raw ito nakukunan.

Ayon kay Kathryn, “Pero tinanong niya [Angelica] ako kung ready na ako kung totohanin niya.

“’Yon, nag-usap na kami about it, siya po ang nag-open up about it.

“And pinaghahandaan ko na po ‘yon!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN