Ivan Mayrina happy to host the first Facebook-only newscast in the Philippines, #GMANewsfeed

Sabi ng GMA-7 broadcast journalist na si Ivan Mayrina, napapanahon ang online newscast sa ngayon dahil sobrang dependent na ang mga tao sa kanilang mga cellphones at gadgets. Dagdag pa niya, “Parang parte na ng katawan nila yung mga gadgets nila. Very dependent na sila dun so might as well, we give them useful information and news is useful information.”



Masaya ang GMA-7 broadcast journalist na si Ivan Mayrina dahil sa magandang feedback ng bago niyang news show online na #GMANewsfeed.

Ang #GMANewsfeed ay ang kauna-unahang Facebook-only newscast sa bansa.

Sabi ng veteran newscaster/reporter, “Yung #GMANewsfeed is basically a two-minute recap of the day’s top stories.

“We have 32 million Facebook users, hindi lahat ‘yan may TV or hindi lahat may oras manuod ng balita na one and half hours.

"But everybody was on their phones, on their gadgets.

“Binibigyan lang namin yung mga manunuod ng isang mabilisang paghain ng mga balita for the day.”

Kahit daw dalawang minuto lang ang kanilang balita araw-araw, siksik daw ito sa mga hinahanap ng mga Facebook users sa isang newscast.

Bukod sa pinakamainit na balita sa naturang araw, may iba pa daw mapapanood sa #GMANewsfeed.

Kuwento pa ng Unang Hirit co-host, “Meron kaming mga trending topics. Halimbawa, yung pinag-uusapang Pinoy nurse sa UK na pinatay yung mga pasyente niya.

“On one night, minsan makaka-six news item kami. Ganyan siya kaiksi. We just gave them the basic, the essentials.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ivan sa pocket presscon ng naturang online show Huwebes ng gabi, May 21, sa Historia Restaurant, Quezon City.

OFFERING USEFUL INFORMATION. Nitong nag-pilot airing ang show last May 11, maganda daw ang naging pagtanggap ng mga Facebook users na followers ng GMA News Facebook page.

Kuwento pa ni Ivan, "The response was very encouraging.

"Kausap ko si Miss Shiela Paras, siya yung may brainchild nung show, matutuwa ka that on the first five minutes pagka-up niya sa Facebook page ng GMA News, you get 20 thousand views.

"That’s a lot for something na bago pa lang and pioneering.

“It’s a fresh idea. So maganda ang response nung tao.”

Naisip daw ng pamunuan ng GMA News na darating ang araw ito na ang magiging trend sa pagbabalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Ivan, “This is the future. Ang mga tao kasi nabanggit ko nga kanina they’re on their gadgets, they’re on their phones, 24/7.

"Parang parte na ng katawan nila yung mga gadgets nila, e. Very dependent na sila dun so might as well, we give them useful information and news is useful information.”

Mapapanuod ang #GMANewsfeed gabi-gabi, sa ganap na 9 p.m., sa Facebook page ng GMA News (facebook.com/gmanews).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN