Jake Cuenca wants to study directing in New York

Jake Cuenca is paired with Arci Munoz in ABS-CBN's version of Pasion de Amor. Jake says about his leading lady: "Yung sa amin ni Arci...mas hopeless romantic, timeless love."



Si Jake Cuenca ang isa sa mga bida ng teleserye na punong-puno ng sensuwalidad at passion, ang Pasion de Amor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ayon kay Jake, “It’s intense, kasi, kung makikita niyo ang simula ng story, namatay ang bunso naming kapatid. I think, with my character, iniba ko siya in a way, kasi kung yung Ikaw Lamang ganun ka-intense, parang extrovert siya. Ang character nito, introvert.

“It’s all about compressing, mas maliit, mas okay. Pero nandun pa rin ang intensity. I mean, intensity always have to be there. Halimbawa, namatay ang kapatid mo. Pero, bilang ikaw ang panganay, hindi dapat makita ng mga kapatid mo yun, kahinaan yun, so, sa mata na lang.”

Mapapanood na simula June 1 ang Pasion de Amor, ang remake ng isang Mexican telenovela na gawa ng ABS-CBN.

Noong 2015 pa ito sinimulang gawin ni Jake Cuenca at iba pang cast members at director ng teleserye na si Eric Quizon.
Technically, parang si Jake talaga ang Kuya ng lahat sa mga kasamahan niya sa Pasion de Amor kahit sa set nila.

“Kuya talaga,” natawang sabi niya.

“Naramdaman namin yun, parang umpisa pa lang, I wanted to set a good example to Ejay [Falcon] and Joseph [Marco]. Kasi, in such a way, para rin naman talaga kong Kuya. Matagal na ko sa industriya.

“I’ve been acting what, thirteen, fourteen years. Gusto ko rin naman makita ng dalawa kung gaano seryosohin ang craft at gaano ka-importante ang professionalism.”

Kung sa mga babae sa teleserye nila ay tila si Ellen Adarna ang pinaka-nagbibigay ng passion. Sa mga lalaki, si Jake ba yun?

“Character wise, mas si Ejay talaga, si Oscar, ang character niya sa show. Yung sa amin ni Arci kasi, parang mas hopeless romantic, timeless love. Parang Romeo and Juliet, so, it’s love.

“Masasabi kong mas daring si Ejay, pero dahil pareho kaming Kuya at Ate ni Arci rito, so parang mas nakikita mo ang maturity ng love. Mas naiintindihan ng dalawa kung ano yun at kapag alam mo kung ano talaga ang ibig sabihin ng love, puwede rin maging passionate yun.”

Ang kapareha ni Jake sa Pasion de Amor ay ang bagong Kapamilya star na si Arci Munoz.

Sabi ni Jake, “Okay kami, super-duper close kami. Tulad nga ng sinabi ko, isa siya sa mga leading ladies ko na kumportable talaga akong katrabaho.

“Sana after this, magka-trabaho pa rin kami.”

Baka may ma-develop sa kanila?

Nangiti ang ABS-CBN actor saka sinabing, “Maganda naman siyang babae at kahit sino namang lalaki, magiging suwerte, ‘di ba?”

Tila pinaghandaan naman talaga ni Jake ang Pasion de Amor dahil mas maganda ang katawan niya ngayon.

Ayon kay Jake, “Nakakatuwa, nakakatuwa na bumalik kasi, tumaba ako for a while. Kasi, I was scrutinized, I went to the Bench fashion show and super scrutinized after that. Although, maraming-maraming salamat sa lahat ng tao na tumili pero siyempre, right after ng ganung experience, meron kang gustong patunayan and you wanna shut people up.

“And for me, the only way is to stop eating and go to the gym.”

Hindi naman daw siya nasaktan kahit sabi nga niya, na-scrutinize siya noon sa pagdagdag ng timbang niya.

“Sa akin kasi, constructive criticism lahat. I came up with my best work with that.”



JAKE THE DIRECTOR? Pagkatapos niya gawin ang Pasion de Amor, plano ni Jake na bumalik ng America at ipagpatuloy ang pag-aaral niya.

“Baka mag-aral ako ulit, pero baka directing na. Sa New York pa rin,” pahayag ni Jake.

Bakit sa New York pa rin?

“Well, for me kasi, doon nagsimula ang lahat. Yun ang standard na sinusundan ng lahat, so pagdating sa directing and even acting, I want to learn there. At saka, nagawa ko na rin kasi ang lahat ng puwede rito.”

Ilan raw sa mga Hollywood stars na nagturo kay Jake ay si Vincent D’Onofrio na nasa Jurassic World movie ngayon, na kilala rin daw si Robert Downey Jr. at iba pa.

“Marami kasing artista roon na matagal ng nag-aartista na nagtuturo,” saad pa ng 27-year-old actor.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN