Jericho Rosales says Daniel Padilla does not need to top his performance in Pangako Sa 'Yo: "He's really original."

Jericho Rosales and wife Kim Jones attended the premiere of the movie You're Still The One at SM Megamall last night, May 26. The Kapamilya actor came to the event to support his Bridges of Love co-star Maja Salvador.


Hindi raw napanood nang buo ni Jericho Rosales ang pilot episode ng remake ng Pangako Sa ‘Yo noong Lunes, May 25.

Si Jericho at si Kristine Hermosa ang mga gumanap na bida sa original version ng naturang teleserye ng ABS-CBN na umere mula 2000 hanggang 2002.

Sa bagong version nito ay sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang gumaganap na mga bida.

Bagamat hindi napanood nang buo ni Jericho ang pilot episode ng bagong Pangako Sa ‘Yo ay binati pa rin niya ang mga taong nasa likod nito dahil sa mataas na rating na nakuha nito,.

“Congrats! Congrats!

Ano ang naramdaman niyang umeere na ito at nag-trending pa sa Twitter sa unang gabi nito?

Sabi ni Jericho, “Nostalgic siyempre, ‘no?

“Siyempre, I feel proud na yung show namin, naging isang remake.

“Classic siya ngayon, na naging isang remake, ‘di ba?

“And I’m very, very happy for the two… si Daniel and Kathryn.

“Of course, passion project ito para kina Direk Rory [Quintos], kina Inang [Olivia Lamasan], ‘di ba, and para sa lahat ng tao na nag-work sa Pangako Sa ‘Yo dati.

“So, I’m sure they’re having fun producing the show and, you know, making the episodes… lahat.”

Totoo bang hanggang ngayon ay nililigawan pa rin siyang magkaroon ng special role sa remake ng Pangako Sa ‘Yo?

Sagot ni Jericho, “Before ‘yon, not now.

“Before, nung bago mag-start.

“But I already said… gusto ko lang manood ng Pangako Sa ‘Yo.”

ADVICE TO DANIEL. Si Daniel ay sinasabing sobrang napi-pressure sa pagganap sa character ni Angelo, na una ngang ginampanan ni Jericho 15 years ago.

Ayaw na nga raw panoorin ng Kapamilya matinee idol ang original na Pangako Sa ‘Yo dahil baka hindi raw niya mapantayan ang naging mahusay na performance ni Jericho.

Pahayag naman ni Jericho tungkol dito, “A piece of advice, you know, si Daniel kasi, I always say, you make a lousy them, you make a great you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And Daniel is a… he’s really original.

“And sakto lang na gumawa sila ng isang remake because people love it.

“You know, people, teenagers of 2015 want to see Pangako Sa ‘Yo kung papano ito ngayon.

“They [Kathryn and Daniel] just have to do their thing.

“And they’re guided by great directors and writers, ‘di ba?

“So, I don’t think they should focus on the pressure, if they are. Parang ganun.

“But, kumbaga, lahat kami, proud kami sa kanila.

“You know, they’re taking on a great and exciting project. It’s already exciting.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jericho sa premiere ng pelikulang You’re Still The One nitong Martes ng gabi, May 26, sa SM Megamall.

Kasama ng Kapamilya actor ang misis niyang si Kim Jones.

Ayon kay Jericho, ang pagpunta niya sa premiere ay bilang suporta sa kanyang co-star sa teleseryeng Bridges of Love na si Maja Salvador, na isa sa mga bida ng You’re Still The One.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN