Edgar Allan Guzman hopes Your Face Sounds Familiar paves the way for more concerts and gigs for him

by Rose Garcia
Jun 4, 2015
In his Instagram account, Edgar Allan Guzman posted: "I made it!!! Top Four baby!! Salamat sa lahat ng sumuporta saken from week1-12! The best kayo! Guys,need your support sa Grand Showdown.. Promise,ibibigay ko lahat ng makakaya ko para sa inyo! Team EA tayo ah!"


Hindi makapaniwala si Edgar Allan Guzman na nakapasok siya sa Final 4 ng Your Face Sounds Familiar.

Isa siya sa apat na makikipag-compete sa grand finals ng ABS-CBN franchise game show na nakatakdang matapos this weekend.

Ang ibang kabilang sa Final Four ay sina Melai Cantiveros, Nyoy Volante, at Jay-R.

“Katulad ng sinabi ko sa post ko nung Sunday, hindi po ako makapaniwala.

“Although, talaga namang pinaghirapan naming lahat ang naging impersonations namin every week.

“Siguro po, bilang pinakabata at bagong salta sa ABS-CBN, ramdam ko ang sarap ng pagtanggap ng mga tao sa akin, lalo na ang mga kasama namin sa show, isang masayang pamiya kami.”

Dagdag pa niya, “Aaminin ko po, noong palipat ako dito sa ABS-CBN, ang request ko lang po sa manager ko, gusto ko pong mag-MMK, teleserye, at gusto ko po talagang makapag-perform regularly sa ASAP.

“Last Sunday po, nagawa ko na po yun finally!

“Sana masundan pa po yun.”

Inamin ni Edgar na natakot daw siya noong malaman niyang isasali siya sa isang reality-competition program, na isa sa mga una niyang proyekto bilang isang Kapamilya.

“Sinabi po sa akin ni Sir Noel [Ferrer, his manager], ‘Mag-Your Face… ka muna.’

“Sabi ko, ‘Contest talaga?’

“Takot po ako sa text-an at yung gastusan dahil hindi naman po kami mayaman para magpondo ng mga text votes.

“Pero sabi ni Sir Noel, para makilala pa ako at maipakita ko ang talent ko sa pagpe-perform, mag join daw muna ako sa Your Face, tapos galingan ko.

“Ang sabi po niya sa akin lagi, ‘Be very good so that they cannot ignore you.’

“Yun po ang ginawa ko. Ginalingan ko lang po.

“At totoo pong I look forward sa bawat taping day po namin ng Your Face kasi ang ganda po ng samahan naming lahat.”

Sa loob ng ilang linggo ay ipinakita ni Edgar ang kanyang kakayahan at ilang icons ang in-impersonate niya.

Pero sa grand finals ng Your Face Sounds Familiar sa Linggo, ano pa ang puwedeng asahan sa kanya?

Sagot ni Edgar, “Sa totoo lang po, nagsasanay po ako at ibibigay ko po ang best ko.

“Pero ie-enjoy ko lang po ang moment na yun dahil isang malaking karangalan na po na ang bunso ng show namin ay mapasama sa Top 4 sa grand finals.

“I’ll just give my very best, wala po akong masyadong budget at kasikatan para manalo through the text votes, unlike Melai, Nyoy, at Jay-R na nauna na sa akin sa showbiz.

“Pero sana, sana lang po, kung magustuhan niyo po ang performance ko sa grand finals, paki-convince na lang po ang mga kakilala ninyo na gastusan naman po nila ako ng text votes kahit papaano.

“At dapat masaya lang po lahat. We promise you a really good show this weekend.”


POSSIBLE WINNER? Sa kanilang four finalists, sino sa palagay niya ang may malaking posibilidad na manalo?

Ayon kay Edgar, “Ganito na lang po, kung sa performance based on the previous weeks, puwedeng manguna sina Nyoy at Jay-R.

“Pero kung text votes ang pag-uusapan, may advantage si Melai kasi text votes din ang nagpanalo sa kanya sa PBB [Pinoy Big Brother].

“Basta po ako, panalo na po ako na makasama ko ang tatlong ito sa grand finals.

“Pero gagalingan ko pa rin po para panalo rin ako after Your Face, sa mga concerts at gigs at marami pang rakets, lalo na po sa album ko at sa dream ko po talaga na palaging nasa ASAP.”

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Edgar Allan Guzman
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In his Instagram account, Edgar Allan Guzman posted: "I made it!!! Top Four baby!! Salamat sa lahat ng sumuporta saken from week1-12! The best kayo! Guys,need your support sa Grand Showdown.. Promise,ibibigay ko lahat ng makakaya ko para sa inyo! Team EA tayo ah!"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results