TV5 host Lourd de Veyra was once banned from wearing shirt with Kris Aquino photo

by Nonie Nicasio
Jun 9, 2015
TV5 host and SPOT.ph blogger Lourd de Veyra says about Kris Aquino: "Tumitigil ang mundo kapag may issue siya, di ba?"


Isa si Lourd de Veyra sa pinaka-abala sa bakuran ng TV5. Anchor siya ng Aksyon sa Umaga, weather forecaster sa newscast na Aksyon.

Kabilang din sa TV programs niya ang History with Lourd, isang eye-opening weekly docu-program hinggil sa controversies, untold stories, at intrigues sa Philippine history na napapanood tuwing Wednesday, 10:30 PM.

Mayroong din siyang radio show titled Chillax tuwing Saturday, 9 PM sa Radyo5 92.3 NewsFM at ang pinakabago niyang show ang Kontrabando sa Digital5 kasama sina Ramon Bautista, Jun “Bayaw” Sabayton, at RA Rivera.

Ano ang masasabi mo na isa ka sa pinaka-busy sa TV5 gayon?

“Ako ba? Happy and sobrang thankful ako sa network. Ang bait ng network, buti nga nagtitiwala, e.

“Ang masasabi ko lang, masarap maging Kapatid,” pahayag ni Lourd nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Saad pa niya, “Sa totoo lang, mas komportable akong magsulat. Sa tingin ko, dumadaan lang itong phase na ito. But babalik pa rin ako sa pagsusulat. Mas masaya ako na nagsusulat, sa totoo lang.”

Continue reading below ↓

Marami nang achievement si Lourd. Itinanghal siyang Best Male News Anchor sa 13th Gawad Tanglaw Awards, Best Culture-Based Documentation Host para sa History with Lourd mula sa National Commission for Culture and Arts, at Outstanding Achievement in Broadcast Media (TV) sa 8th Hildegarde Awards.

Isa rin siyang product endorser at nakapagsulat na ng walong libro, kabilang ang dalawang best sellers titled This is a Crazy Planets 1 and 2.

Sa tingin mo ba, ikaw yung counterpart sa TV5 nina Kuya Germs (GMA-7) at Kuya Kim Atienza (ABS-CBN)?

“Baka ako yung ano, ako yung… ano ba, hindi ko maiisip, eh,” nakangiting pahayag niya.

“Hindi ko alam eh, mahirap… icons na yung mga yun eh, institusyon na. Parang ang layo-layo ko pa doon sa status na yun.

“Ako, trabaho lang muna. Pero sana, sana maging ganoon din in the future.”

Hindi mo ba napi-feel kung may insecurity sa iyo si Martin Andanar dahil mas nauna siya sa iyo?

Continue reading below ↓

“Cool na cool lang iyang si Martin. Walang insecurity, cool na cool ang mamang iyan.

“Oo, friends kami, tropa ko iyon. Minsan after the newscast, madaling araw, umiinom kami.”

ON KRIS AQUINO COMMENTARIES. May bawal ba sa trabaho mo, like yung mag-comment kay Kris Aquino na masyadong harsh?

“Awa ng Diyos, wala namang ano… Once lang nangyari, hindi pa comment iyon. May T-shirt ako na nandoon ang mukha niya.”

Bakit?

“Kasi, iconic siya, e. Mayroon siyang picture doon at nasabihan ako na huwag nang isuot.”

Sa mga side comments, wala?

“Wala namang directive…”

Ano ang reaction niya nang may nag-comment na kasama sa panulat na, ‘Mabait naman si Kris'?

“Oo nga, iyan ang bumubuhay sa lipunan natin. Number-one tax payer…” nakangiting reaction pa ni Lourd.

KRIS AQUINO SHIRT. Nang masolo ng PEP si Lourd, nilinaw namin sa kanya ang issue ng T-shirt na nandoon ang mukha ni Kris, pati na ang naging issue sa kanya sa One Direction.

Continue reading below ↓

“Wala, it’s an innocent shirt. Kasi may time noon, yung shirt ko ay reflection siya kung ano yung merong [issue sa lipunan]. Kunwari, kamamatay lang ni Bin Laden, nagsuot ako ng shirt na may mukha ni Bin Laden, mga ganyan.”

Masasabi ba niyang isa si Kris sa pinaka-interesting na celebrity ngayon sa bansa?

“Oo, kasi, tumitigil ang mundo kapag may issue siya, di ba? Noong pinadalhan lang ng Gatorade, headline na, e,” nakangiting saad pa ni Lourd na isang Journalism graduate sa University of Santo Tomas.


ON MARIJUANA USE OF 1D. Naging viral noon ang Twitter post ni Lourd nang kumalat ang video kunsaan gumagamit ng marijuana sina Louis Tomlinson at dating 1D member na si Zayn Malik.

Nag-quote niya ang isang line mula sa kanta ng One Direction na "One Thing."

Ito ang tweet ni Lourd: "Cause you've got that one thing = Marijuana"

Maraming nagalit na 1D fans sa TV host dahil sa tweet niya na ito.

(Read: One Direction fans attack Lourd de Veyra for comment about boy band members’ "marijuana video")

Pwede mo bang i-clarify ang naging issue mo noon tungkol sa British boy band na One Direction?

Continue reading below ↓

“Sa One Direction, kasi sabi ko dati, 1D. ‘Di ba may video noon nahuli, na parang nag-smoke sila? So sabi ko, di kaya ibig sabihin nito, 1Damo, ganoon?

“So, di ko alam na parang piranha pala yung mga fans ng One Direction na mga ano, hormonal young teenagers. Galit na galit, lahat na ng masasakit na salita na puwede mong ibato sa isang tao, narinig ko na. Bubuhusan daw ako ng asido sa mukha… mga ganyan. Nakakatawa naman.”

Kung mag-offer sa iyo ang TV5 ng showbiz talk show, tatanggapin mo ba?

“Tatanggapin ko siguro kung hahayaan na i-treat siya sa istilo ko.

“Kakayanin, parang ibang terrain lang siya. Sabi nga nila, politics is nothing but showbiz with ugly people. Hahaha!”

Posible bang ang 9th book mo ay tungkol naman sa mga botante, para naman ma-educate yung mga tao sa mga politiko natin?

“Libro yun e, ‘buti sana kung nagbabasa yung mga yun, e, ‘di ba? Pero sa akin, magandang idea iyan, magandang idea iyan.

Continue reading below ↓

“Actually, eto ha, a reading audience is a thinking audience. So, the fact na yung magkaroon tayo ng nation ng readers, iyon muna. ‘Pag nagkaroon ka nang...bahagi ng consciousness nila yung pagbabasa, sunod na yung critical thinking na iyan.”

Hindi kaya puwedeng i-post mo na lang sa Facebook page mo para libre lang, parang public service dahil iba rin ang impluwensiya mo sa ibang tao, ‘di ba?

“Puwede rin, pero marami nang nagsasabi kasi din ng ganyan, e. Pero sana, sana [kung makaka-impluwensiya tayo].”

Bakit wala pa siyang asawa at anak?

“May kinakasama [live-in partner] ako sa kasalanan, matagal na kami, matagal na kami. Babae siya, taga-Star Cinema,” nakatawang sagot ng 40-year-old na media practitioner.

“Wala kaming baby, pero marami kaming aso.”

Hindi ka ba naniniwala sa kasal?

“Naniniwala ako sa ritwal ng union, ng ritwal nang pagsasama. Pero not necessarily in that form. ‘Tapos, gagawin ko yun in my own space, time, and decision.

Continue reading below ↓

“Tungkol sa anak, hindi pa ko handa siguro.”


ADMITS TO PAST DRUG USE. Nasubukan mo rin bang tumikim ng drugs kagaya ng ibang kabataan noon?

“Oo, noong college,” diretsahang sagot niya.

Noon, parang ritwal lang sa generation natin ‘yan lalo na noong college, ‘di ba?

“Oo, parang ang tingin ko, hindi ka normal kapag hindi ka dumaan doon.”

Pati ba yung makapunta ka sa sauna bath nagawa na ba niya?

“Lahat ‘yan dinaanan natin yan,” sagot niya habang tumatango.

“Ano iyan e, iyan yung mga… it is what makes you human. Human experiences iyan e,

“Mahirap na siyang magawa ngayon. Hindi mo na siya siguro magagawa ngayon, e.”

Yung transformation mo bilang poet, tapos nagbanda and napunta sa media, mahirap ba ‘yon?

“Ang labo ‘no? Ngayon ko lang napag-isipan ‘yan.


“Yung banda kasi, parang extension na rin siya nang pagtula, e. Pero ito [media] ibang animal ‘to, animal talaga, e. Hahaha!

Continue reading below ↓

“Pero yung sa banda, mayroong ano na naa-apply mo. Iyung sense of rhythm mo, yung sense of timing. Iyong pagpili nang salita. Lahat naman ng sining kasi magkaka-ano iyan…

“Hindi naman kailangan ano ha, yung lalim, hindi kailangan yun. Ang ano lang, kailangan ay nasasakyan ka ng masa.”

Paano mo hina-handle ang bashers?

“’Pag-social media, deadmahin mo lang ‘yan, kasi ang dali lang magpipindot eh. Mas maaapektuhan ako ng isang well-written, well-thought out na kritisismo.

“Iyong bashers sa Facebook? Deadma lang iyan.”

Hindi na raw siya sumasabak sa one-on-one interview, pero kung sakali, sino ang gusto niya?


Ang gusto kong gawin ngayon, isang personality profile, na sulat lang talaga. Yun ang gawain ko dati, sulat lang talaga.

“Pero kung may makaka-one on one, feel ko si Juan Ponce Enrile. Kasi, parang ang dami niyang lihim ng modern history. May tinatago si Juan Ponce Enrile.

“Kaya nakaka-frustrate yung libro, e, yung biography niya. Ako, wala akong judgement . Mas kuwento, mas doon ako interasado sa mga kuwento nila.

Continue reading below ↓

“Iyong mga sikreto na nilalaman ng mga kanyang dark chambers…”

Nalalaman mo ba kung yung ini-interview mo, nagsasabi ng totoo o nagsisinungaling?

“Mayroong magagaling magsinungaling, mayroong magagaling magsinungaling, e. Hindi ko sasabihin kung sino, pero, ‘’Tang --ang ‘to sinungaling o!’ Iyong diretsong-diretso lang ang mukha.”

Ikaw ba, mag-eendorse ka ng politician sa next election kung sakali?

“Kung gusto ko siguro, kung gusto ko…”

Dahil sa bayad o dahil naniniwala ka?

“Bakit hindi? Puwede mo namang pagsabayin ang dalawang bagay na yun, e,” nakatawang saad pa niya.


WILL HE VOTE FOR KRIS AQUINO? Sa palagay mo ba si Kris Aquino ay kakandidato in the future?

“Hindi malayo.”

Iboboto mo ba si Kris kung sakaling kumandidatong Senador?

“Strangely, oo, iboboto ko siya. Kasi, mayroon siyang resolve e. Parang, kapag may gagawin siya, gagawin niya talaga. Mahal na mahal daw iyan ng mga producer, kasi iyong work ethics niya at professional daw talaga.

Continue reading below ↓

“So, in that sense, parang puwede. Pero, pakinggan muna natin ang plataporma niya.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV5 host and SPOT.ph blogger Lourd de Veyra says about Kris Aquino: "Tumitigil ang mundo kapag may issue siya, di ba?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results