Yeng Constantino hurdles the pressure of hosting The Voice Kids

by Melba R. Llanera
Jun 3, 2015
Having been once a contestant herself, Yeng Constantino would know how to put the children auditioning for The Voice Kids at ease. “Pero aaminin ko rin naha-heartbroken ako pag nakikita ko yung mga natatanggal, kasi lahat sila nagdadaan sa akin,” she says.

Regular nang mapapanood si Yeng Constantino bilang host ng The Voice Kids, na magsisimula nang mapanood ngayong Hunyo sa ABS-CBN.

Kuwento niya, “Masaya, tapos na kami ng blind audition.

"We’re going to battle one this June, and I’m excited for that.

“Medyo nakaka-adjust na ako, feeling ko nawala na ako sa phase ng nervousness ko.

“Ang sarap katrabaho ni Luis [Manzano] saka ni Robi [Domingo], sobrang napagaan talaga nila yung work ko.

“And even yung mga writers na mayroon ako, ang sarap nilang katrabaho.”


PUTTING KIDS AT EASE. Si Yeng ang nagha-handle sa mga batang contestants bago sila sumalang sa stage.

Pahayag niya, “Ang nalalaman ko sa kanila is … yung nerbiyos kasi, iba-ibang cases.

“Mayroon akong hinandle na 'di kinakabahan sa backstage, pero pagtungtong sa stage, kabado.

“Mayroon namang kabang-kaba, iwa-warm up ko, magdya-jumping jack kami.

“Pero pag nasa stage na, sobrang galing... iba-iba talaga.

“Ang role ko talaga maybe is to calm them down."

Continue reading below ↓

Si Yeng ay dati ring naging contestant, at siyang nanalo, sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Dream Academy (2006), kaya alam daw niya ang nararamdaman ng batang contestants ng The Voice Kids.

"Napagdaanan ko na yung ganyang mga contest.

"It’s not easy, lalo na kung ganun ka kabata, tapos haharap ka kila Sarah [Geronimo], Bamboo, Ms. Lea [Salonga]. Abot-abot ang kaba nila.

“My goal is to make them feel comfortable, matanggal yung kaba nila and, at the same time, to make them feel na magagaling sila.

“Na kaya sila nandun is because mayroon silang talento.

“Pag nagkaroon sila ng tiwala sa talento nila, it’s really beautiful.

"Yung role ko, ang ganda ng role ko...

“Pero aaminin ko rin naha-heartbroken ako pag nakikita ko yung mga natatanggal, kasi lahat sila nagdadaan sa akin.”


REPLACING ALEX. Pinalitan ni Yeng si Alex Gonzaga, na siyang host ng The Voice Kids Season 1.

Continue reading below ↓

Hindi kaya pressure kay Yeng ang pagkukumpara sa istilo ng hosting niya sa istilo ng hosting ni Alex bilang siya ang pumalit dito?

Tugon niya, “Alam mo nung sinabi ni Kuya Erick Raymundo of Cornerstone, ninerbiyos talaga ako nung sinabi nila na magda-The Voice ako.

“Ang paghahalinhinan mo ba naman is si Ate Toni [Gonzaga] at si Alex, talagang kakabahan ka!

“Ang nakakalma sa akin, yung production ng The Voice, nung sinabi nila, 'May sari-sariling personality kayo.'

“I just want to be myself. Ayokong i-pressure ang sarili ko, talagang nag-enjoy ako.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Having been once a contestant herself, Yeng Constantino would know how to put the children auditioning for The Voice Kids at ease. “Pero aaminin ko rin naha-heartbroken ako pag nakikita ko yung mga natatanggal, kasi lahat sila nagdadaan sa akin,” she says.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results