Why did Sunshine Cruz turn down offer from GMA-7?

by Julie E. Bonifacio
Jun 5, 2015


Thankful ang dating sexy actress na si Sunshine Cruz sa pagkakaroon muli ng career sa showbiz. Matatandaan na kainitan ng showbiz career noon ni Sunshine nang magpakasal siya sa aktor na si kay Cesar Montano noong taong 2000.

Tumigil si Sunshine sa pag-aartista at hinarap ang pagiging maybahay at ina sa tatlong anak nila ni Cesar. Pero sadyang sinubok ng tadhana si Sunshine at naghiwalay din sila ni Cesar.

Last year, na-grant kay Sunshine ang full custody ng tatlong anak nila ni Cesar na sina Angelina (13), Sam (10) and Cheska (9).

After two years of separation with Cesar, nakatatlong teleserye na si Sunshine sa ABS-CBN, ang Dugong Buhay, Galema at ang daytime drama series na Oh My G! na pinagbibidahan ni Janella Salvador.

“Maganda ang show namin. Mataas naman so far ang rating ng show,” masayang bungad ni Sunshine noong makausap namin siya sa Taste of L.A. kamakailan.

Sunshine plays the role bilang auntie ni Janella, misis ni Dominic Ochoa at kapatid ng namatay na karakter ni Maricar Reyes sa Oh My G!

Continue reading below ↓

“Maganda yung role ko kasi ‘di ba from OA-yan, nakakaawa na ako. So, marami pa’ng dapat abangan kung ano ang mangyayari kay Lucy [karakter niya sa Oh, My G!],” ngiti niya.

May special participation din si Sunshine sa first movie team-up nina Enrique Gil at Liza Soberano titled Just The Way You Are directed by Theodore Boborol under Star Cinema na ipapalabas na sa June 17.

“Naka-tatlong shooting days din ako sa movie. Nanay ako ni Enrique at asawa ko si Tonton Gutierrez.”

Isa si Sunshine sa mga pinakamagagandang artista na gumaganap na ngayon ng mother roles sa TV at pelikula.

“Kasi, naumpishana na ‘yan, e, from Dugong Buhay pa lang, si Arjo [Atayde] ang anak ko. Parang it doesn’t matter naman kasi parang uso naman ngayon yung mga young moms, [like] Angelica [Panganiban], Jodi [Sta. Maria], Carmina [Villarroel], ‘di ba?

“Who am I to say no if the project is good? Hindi naman ako pwedeng mag-leading lady pa, ‘dyosko. Nanay na tayo, ‘di ba?”

Continue reading below ↓

Ano’ng reaksyon niya kapag sinasabing pwede pa siyang maging leading lady ng bida sa TV or sa pelikula man?

“Naku, hindi naman. Mas at peace, mas nakakatulog lang ng masarap ngayon knowing that your children loves you so much. Yun ang importante na kapag ang mga anak mo masaya lang at alam mo na mahal na mahal ka, nagbibigay sa ‘yo ‘yan ng strength at inspirasyon.”

Bukod sa TV show, pelikula at bagong endorsements, meron ba siyang gustong i-announce?

“Wala naman,” natatawang sabi ni Sunshine.

“Wala naman ako’ng ia-announce. Hahaha!

“At ano, ayaw ko’ng magpaka-negative, my goodness! Ang sarap maging masaya.”

Ilang years ang kontrata niya sa ABS-CBN?

“Per show ako, e,” sago niya.

“Actually, yung OMG noong nag-yes ako may offer ako sa Seven [GMA-7]. Pero kasi happy naman ako sa Channel 2. Hindi naman ako nawawalan ng project. Sa kanila ako nagsimula, so, parang, okay naman ako so far.

"Mother’s day episode ng Aquino & Abunda ako ang guest nila. Wala ako’ng hihilingin pa. I’m happy with ABS now.

Continue reading below ↓

“Pero siyempre kapag may magandang offer din naman tapos wala naman tayong ginagawa sa ABS, pwede. Siyempre kailangan ko’ng magtrabaho, my gosshhh!

“Kailangan kong kumayod para sa aking mga anak.

“God is good, more than enough naman. Kung ano yung kailangan ng mga anak ko, nabibili ko naman. Yung bahay kalahati utang sa mama ko. Ang laki pa ng utang ko kay Mama kaya kailangan ko pa’ng pagtiyagaan.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results