Why did Polo Ravales back out of sexy teleserye, Pasion de Amor?

by Ruel J. Mendoza
Jun 6, 2015
Polo Ravales reveals why he decided to back out of Pasion de Amor: “Nagkaroon ng conflict sa pag-alis ko for Japan. Kaya nag-decide na hindi na lang ako isama sa cast ng Pasion de Amor. Sinabi na lang nila na sa iba nila ako ilalagay na project. Basta tapusin ko lang daw ang mga commitments ko para maayos na ang lahat.”

Anim na buwan nang hindi naging busy ang aktor na si Polo Ravales sa paggawa ng teleserye.

Noong December 2014 pa ang huling ginawa niyang teleserye sa GMA-7 na Ilustrado dahil nag-expire na ang kontrata niya sa naturang network at may gagawin na nga siyang project sa paglipat niya sa ABS-CBN.

Pero sa July pa siya magsisimula ng kanyang kauna-unahang teleserye sa Kapamilya Network kaya tumanggap muna siya ng mga shows abroad para ma-enjoy naman niya ang bumiyahe.

“Sobra akong nag-enjoy na mag-travel.

“I travelled to Japan, Italy, Austria, Vatican City. 'Tapos may mga local travels din ako. Mostly sa mga beaches dito over the summer.

“Before kasi, hindi ako makapag-travel ng ganyang katagal dahil pagkatapos ng isang teleserye, may gagawin agad ako na bago.

“Since the start of 2015 nga, marami na akong napuntahang mga lugar na matagal ko nang gustong marating,” masayang kuwento pa ni Polo nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Filipino New Cinema section ng World Premieres Film Festival Philippines noong June 4 sa Torre Venezia Suites along Timog Avenue in Quezon City

Continue reading below ↓



MISSES ACTING. Pero dahil -sa tagal ng kanyang pagkabakante, na-miss na rin daw ni Polo ang dating ginagawa niya.

Pag-amin niya, “Na-miss ko rin ang gumawa ng teleserye.

“Nasanay na rin kasi ang katawan at isipan ko na may ginagawa akong show at nagpe-prepare ako para sa taping.

“Pero after Ilustrado nga, napahinga talaga ako sa pag-arte sa TV. Except sa isang episode na ginawa ko for Ipaglaban Mo sa Dos.

“Kaya nakipag-meeting na nga kami ulit with ABS-CBN at sa July na nga raw ako magsimula ng teleserye sa kanila.

“Nangako naman sila na maganda ang project na ibibigay nila sa akin kaya abangan na lang nila.”



PASION DE AMOR. Dapat sana ay nasa cast ng Pasion de Amor si Polo. Pero bago pa man magsimula ito ay nagkaroon na ng conflict kaya hindi na siya sinama sa Kapamilya teleserye na pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Ejay Falcon at Joseph Marco.

Continue reading below ↓

Paliwanag ng aktor, “Nagkaroon ng conflict sa pag-alis ko for Japan.

“Kaya nag-decide na hindi na lang ako isama sa cast ng Pasion de Amor.

“Sinabi na lang nila na sa iba nila ako ilalagay na project. Basta tapusin ko lang daw ang mga commitments ko para maayos na ang lahat.

“Kaya nitong huling meeting namin, maayos na at maghintay na lang kami ng story conference.”

DEGLAMORIZED ROLE IN INDIE FILM. Habang wala pang teleserye si Polo, may natapos naman siyang isang indie film na ang titulo ay Of Sinners and Saints na isa sa walong official entries para sa Filipino New Cinema section ng World Premieres Film Festival na magsisimula sa June 24 hanggang July 7 sa SM Cinemas.

Sa naturang indie film na dinirek ng Filipino-Italian actor-director na si Ruben Maria Soriquez, gagampanan ni Polo ang role na Franco na isang bayolenteng tao na nasasangkot sa isang sindikato.

Continue reading below ↓

Ayon pa sa aktor ay pinaghandaan niya ng husto ang pagganap niya sa pelikulang ito.

“Last year pa namin nasimulan itong movie at maipagmamalaki ko ang ginawa ko rito kasi tinodo ko na ang pagiging kontrabida ko.

“I actually auditioned for the role of a priest sa movie. Pero sabi ni Direk Ruben, mas bagay daw sa akin yung role ni Franco na kung ide-describe ko ay walang-hiya at halang ang bituka.

“Kaya sa whole movie, deglamourized ako. As in, hindi nila ako makikitang malinis sa movie.

“'Tsaka yung mga dialogues ko rito puro mura. In short, bastos at baboy ang role ko rito.

“First time kong gawin ang ganitong role talaga at sobra akong na-challenge sa director namin.

“Napaka-metikuloso niya sa mga eksena at kahit na paulit-ulit kaming mag-shoot ng isang scene, makikita mo naman na maganda lumabas,” kuwento pa ni Polo.



WISHES FOR ACTING AWARD. Eksakto raw na tatakbo ang festival on his birthday sa June 27. Para sa kanyang 33rd birthday, ang wish ni Polo ay manalo siya ng award para sa ginawa niya sa pelikulang Of Sinners and Saints.

Continue reading below ↓

“I will be turning 33 years old on June 27. Wish ko ngang manalo ng acting award para sa pelikulang ito.

“Isa nga ‘yan sa gusto kong mangyari sa career ko noon pa, yung matikman ko naman ang makatanggap ng acting award.

“Kaya dito nga sa Of Sinners and Saints ay hinusayan ko talaga ang performance ko.

“I guess it’s about time na may mga gawin na akong ganitong mga pelikula. Gusto ko naman na mapansin ng marami na malaki na ang naging improvement ko sa pag-arte.

“And I guess with this movie, maiiba na ang tingin sa akin ng marami. I can act outside of my comfort zone.

“For the longest time kasi, pare-pareho ang mga kontrabida roles na ginagawa ko sa TV. Walang masyadong nababago.

“Until dumating nga ang movie na ito, naging goal ko ay ang makabigay ako ng award-winning performance,” pahayag pa niya.

Read Next
Read More Stories About
Polo Ravales, Pasion De Amor
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Polo Ravales reveals why he decided to back out of Pasion de Amor: “Nagkaroon ng conflict sa pag-alis ko for Japan. Kaya nag-decide na hindi na lang ako isama sa cast ng Pasion de Amor. Sinabi na lang nila na sa iba nila ako ilalagay na project. Basta tapusin ko lang daw ang mga commitments ko para maayos na ang lahat.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results