"All Star K" shoots summer special in Morong, Bataan


Cast members of Kamandag (from left) Sunshine Dizon, Maxene Magalona, Ehra Madrigal, Eula Valdes, and Jewel Mische went to Coral View Resort in Bataan to shoot the summer special of All Star K!: The 1 Million Videoke Challenge.


Naimbitahan ang PEP (Philippine Entertainment Portal) last April 9 sa summer episode taping ng All Star K!: The 1 Million Videoke Challenge. Nagshoot ang GMA-7 show na ito, directed by Rico Gutierrez, sa Coral View Resort sa Morong, Bataan.

Dalawang episodes ang itinape noong Wednesday. Ang una ay ang ipalalabas sa April 20 na kung saan ang mga contestants ay mga cast members ng Kamandag na sina Eula Valdes, Jewel Mische, Ehra Madrigal, Maxene Magalona, Ariel Rivera, Mark Anthony Fernandez, at Sunshine Dizon.

Ang hired K!ller (o ‘tagakatay'/taga-eliminate ng contestant) nila ay si Kamandag mismo, si Richard Gutierrez.

Ang pangalawang episode naman na kinunan ay ipapalabas sa April 27 at ang mga contestants naman ay ang mga sexy babes and hunks—Magdusa Ka lead star na si Katrina Halili, StarStruck female avengers Sheena Halili and Rich Asuncion, Hazel Ann Mendoza, Reine Larrazabal, Cheska Litton, and Renee Summer. Kabilang rin ang Joaquin Bordado mainstay na si Tyrone Perez, Marimar's Victor Aliwalas, sexy actor Paolo Serrano, StarStruck male avenger Paolo Avelino, Boom Antonio, Marcus Madrigal, at actor/bodybuilder Andrew Schimmer.

Ang hired K!ller naman nila ay si Teri Onor na naka-costume ng isang sirena. Ang Abucay, Bataan vice-mayor ay kasama sa cast ng upcoming Dyesebel na kung saan gaganap siya bilang isang seahorse.

Ang mga hosts ng All Star K! (na napapanood tuwing Linggo ng gabi sa GMA-7) ay sina Allan K at ang Soul Diva na si Jaya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN