Monika Sta. Maria joins Top Four of Asia's Next Top Model Cycle 3

by Ruel J. Mendoza
Jun 7, 2015
Pinay model Monika Sta. Maria on being tagged as "unpopular" among Asia's Next Top Model contestants: “I have my eyes on the prize, and not on the girls.”


Kabilang ang Filipina na si Monika Sta. Maria sa Top Four finalists ng Asia’s Next Top Model (AsNTM) Cycle 3.

Last Pinay standing si Monika pagkatapos mapauwi na ang kapwa Pinay na si Amanda Chan sa huling elimination round ng AsNTM.

Ang isa pang Pinay na si Franchesca Lagua ay na-eliminate sa fifth episode pa lang ng naturang modeling contest.

Ang mga natitirang kalaban na lang ni Monika ay ang mga models from Singapore (Aimee Rose Cheng-Bradshaw); Indonesia (Gani Ayu) and Japan (Barbara Akemi Katsuki).

Isa si Monika sa masasabing front-runner sa Cycle 3 ng AsNTM dahil apat na beses siyang nagawaran ng best photo.

Minsan nga lang siya napasama sa Bottom Two.

�

EYES ON THE PRIZE. Nagkaroon ng one-on-one chat ang Top Four sa mga judges ng AsNTM kabilang sina Joey Mead at Georgina Wilson na siya ring hosts ng contest.

Tinawag si Monika na “unfriendly” and “very competitive” ng Indonesian model na si Gani Ayu.

Continue reading below ↓

Inamin naman ni Monika na totoong very competitive siya at aware siya na hindi siya masyadong gusto ng ibang contestants sa simula pa lang ng contest.

Pahayag pa ni Monika na nasa competition sila at mahirap nga raw ang magkaroon ng tunay na kaibigan sa sitwasyon nila sa contest.

“I have my eyes on the prize, and not on the girls,” diin pa niya

At kahit na hindi maganda ang sinabi ni Gani sa kanya, pinuri pa rin siya ni Monika at hinangaan raw niya ang magandang bone structure nito na hanap ngayon sa mga models from Asia.

Sa last two cycles ng AsNTM ay naging runner-ups ang mga sumaling Pinay models na sina Stephanie Retuya (1st runner-up in Cycle 1) at Jodilly Pedre (1st runner-up in Cycle 2).

Marami ang umaasa at nagdarasal na sana’y mauwi na ng Pinay ang titulo bilang Asia’s Next Top Model.

Ang mga mapapanalunan nga ng winner ng AsNTM ay isang brand new Subaru XV STI, a spread and cover of Harper’s Bazaar Singapore, a modelling contract with Storm Model Management in London and a chance to be the new face of TRESemme for its 2015 campaign.

Continue reading below ↓

Sa June 17 ang airing ng finals ng Asia’s Next Top Model in Singapore na mapapanood sa Star World.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinay model Monika Sta. Maria on being tagged as "unpopular" among Asia's Next Top Model contestants: “I have my eyes on the prize, and not on the girls.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results