What is Mariel Rodriguez's secret to being a happy wife? "A good husband."

by Rose Garcia
Jun 15, 2015
Mariel Rodriguez says about hosting TV5's morning show Happy Wife, Happy Life: "Dahil dito sa show na ‘to, mabilis akong nakapag-recover."



Masaya raw talaga ang buhay ni Mariel Rodriguez ngayon sa buhay may asawa niya kaya nang makasama siya sa second season ng Happy Wife, Happy Life, mas lalo pa siyang sumaya na makasama sa TV program na ito.

“Happy ako rito sa ginagawa kong Happy Wife, sa totoo lang. Super kong happy dito sa Happy Wife. Palagi ko ngang sinasabi, alam mo, isa ‘to sa favorite show kong ginagawa dahil it came to a point na perfect siya for me.”

Ayon kay Mariel, “Ito yung show na I really want to be part of, it’s so informative. I myself, I’m learning every day. Kapag may ginagawa ako, natututo ako. Hindi ako nabu-bore.

“We get to touch people’s lives kahit na maliit siyang factor. Nandito na kasi ako ngayon sa life ko na I feel so blessed na nakakagawa ako ng show kunsaan, naise-share ko yun.”

Ano nga ba ang sikreto niya bilang isang happy wife?

Continue reading below ↓

“A good husband,” ang mabilis niyang sagot nang tanungin siya kung ano ang sikreto ng pagiging happy wife niya.

Dugtong pa niya, “Yun ang palagi kong sinasabi. It’s really a good husband. You cannot be a happy wife kung ini-stress-out ka ng asawa mo.”

Napapaisip ba siya na parehong show niya sa TV5, may “happy?”

“Feeling ko, happy akong talaga. Happy Network, Happy Truck ng Bayan, Happy Wife, Happy Life talaga. Lahat happy, so bagay sa akin kasi, happy person akong talaga.”



GOING ORGANIC. Kung meron man daw gustong gawin si Mariel sa morning show nila na Happy Wife, Happy Life, gusto sana niyang ma-feature ang iba’t-ibang lugar ng mga organic restaurants and foods.

Nagsa-suggest din ba siya ng mga puwedeng gawin?

“Hindi masyado kasi, kung ano ang binibigay nila sa akin, ginagawa ko. Like minsan, may mabigat sa akin pero ginawa ko kasi, maganda naman siya. Nagpunta kami sa palengke, tapos halimbawa, may bumibili ng dalawang kilong karne, bibigyan namin siya ng isang buong lechon.

Continue reading below ↓

“So ako, lechon? No, no, no… I don’t eat pork. ‘Di ba, Robin si Muslim, I’m really very uncomfortable. Hindi naman sa pag-aano, pero, nag-iba na talaga ang pananaw ko sa pork. I see it as—I don’t wanna say because I might offend those who eat pork, but I see it differently already.

“Sabi ko, gosh, ako ba talaga ang gagawa? Sabi ko, naku… pero, naisip ko na ako, hindi ako kumakain ng pork, pero, yung taong bibili, for sure yun, maha-happy yun. Isang buong lechon yun, e. Fiesta yun, e. So, sige, I’ll do it. Pero, nakikita kong may malaking baboy sa tabi ko, shocks, ano ba ‘to?” natatawang kuwento niya.

“Pero, gagawin mo because you’ll gonna make someone happy, so, mga ganoong moments dito.”

Mula nang mag-asawa si Mariel, masasabing pinipili na rin niyang talaga ang mga proyektong ginagawa.

Pero ngayon, busy siyang muli.

“Alam niyo, sabi ko nga, happy ako sa Happy Wife kasi, dumating ito sa akin noong medyo down ako. So, dahil dito sa show na ‘to, mabilis akong nakapag-recover.

Continue reading below ↓

“I owe this show a lot talaga, sa totoo lang. That’s how I see it. Ito ang binigay sa akin ni God. Sige, bibisihin muna kita. Next time na kita bigyan ng anak.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mariel Rodriguez says about hosting TV5's morning show Happy Wife, Happy Life: "Dahil dito sa show na ‘to, mabilis akong nakapag-recover."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results