Danica Sotto-Pingris hopes her program will last as long as dad Vic Sotto's game show

by Rose Garcia
Jun 18, 2015



Sinurpresa ng TV5 sina LJ Moreno-Alapag, Mariel Rodriguez at Danica Sotto-Pingris dahil magkakaroon ng third season ang kanilang programa, ang morning show na Happy Wife, Happy Life.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Danica sa taping ng second season-ender ng Happy Wife, Happy Life sa Gazebo Royale, Visayas Avenue.

“Masaya, sana dumami pa,” nakangiting sabi ng asawa ni Marc Pingris.

“Sana dumami pa, yung kasing-tagal ng Who Wants To Be A Millionaire.”

Ang Who Wants to be a Millionaire naman ay ang programa ng kanyang daddy na si Vic Sotto.

Hindi rin naman daw nagkaroon ng expectation si Danica noong unang ginawa nila ang Happy Wife Happy Life.

Sabi nga niya, “Ako kasi, I’m taking it one day at a time. Kung ano ang nandiyan, saka dapat ready ka lang din kung ano ang mangyayari.”

Masaya raw siyang talaga sa programa nila.

“Nag-eenjoy ako, ang dami kong natutunan. ‘Di ba, nasanay tayo na ang talk show, ire-raid ang bahay, ipakita ang kung anik-anik sa closet, ganyan. Ito kasi, may house tour, may cooking, may fashion, may fitness, may marriage, finances, ang dami, e.

Continue reading below ↓

“Buhay ng mga nanay, success stories,” saad niya.

Kung titingnan silang tatlo nina LJ at Mariel, masasabi agad na pare-pareho silang masaya sa buhay may asawa nila.

Pero, kung tatanungin siya, ano ang nakikita niyang “uniqueness” ng bawat isa sa kanila?

“Yung pagkakaiba naming tatlo, siguro si Mariel kasi, kahit na wala pa siyang anak, very domesticated naman siya. So, agree kami lagi sa part na pina-prioritize niya si Robin [Padilla].

“Hindi siya yung tipo ng asawang gusto niya, nakaka-angat siya. Kasi, pareho rin naman kami ni LJ na gusto namin, naka-support lang kami kina hubby. Parang feeling ko, yun naman ang nako-contribute niya, nakikita ng mga tao ang pagiging submissive wife niya.

“Kung dati, puro kikay-kikay na Mariel, ngayon, malalim na. Medyo kakaibang Mariel na ang makikita nila rito.”

Si LJ naman daw, matagal na niyang kakilala at kaibigan.

Ayon kay Danica, “Si LJ kasi, new mom siya, pero very motherly na rin kasi ‘yan. She was a pre-school teacher before kaya marami na rin siyang karanasan pagdating sa mga bata.

Continue reading below ↓

“Since may negosyo rin siya, makaka-relate naman sa kanya ang mga nanay na businesswoman. Tapos ako naman, siguro ako yung si hands-on mom. Sa mga mommies na mahilig magluto. Si LJ, sporty, makulit siya.

“Ako, hands-on pero hindi ko naman aakuin na ako lahat. Siyempre, ang laki ng naitutulong ng mga kasambahay like ‘eto, nandito ko, sila rin naman ang nagnu-nurture sa mga bata kapag wala ako. At malaking bagay rin naman that Marc is very hands-on, marunong siyang magpaligo, makipaglaro sa kanila.”

Dalawa na ang anak nina Danica at Marc: isang babae at isang lalaki.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results