Richard Yap says their teleserye will be affected by pregnancy of Judy Ann Santos

by Allan Sancon
Jun 17, 2015

Bago pa man nakilala si Richard Yap bilang ABS-CBN actor, isa siyang businessman at isa sa kanyang pinapatakbo ay ang Wangfu Chinese restaurant.

Kasama niya dito ang kanyang dalawang partners na sina Lester Pimentel-Ong at Ace Wang. Dahil sa success ng kanilang restaurant ay patuloy itong nag-e-expand sa iba’t-ibang lugar. Noong June 11, sa ribbon cutting ng kanilang bagong branch sa Serendra, BGC, Taguig, nakausap ng PEP.ph si Richard Yap tungkol sa kanyang bagong restaurant.

“This is our fourth Wangfu branch, nag-start sa Il Terrazo, then Tomas Morato, third is in UP Town Center then ito ang pang fourth sa Serendra, BGC.”

Richard, paano ninyo napapagsabay yung ganitong business at showbiz career ninyo?

“Well, because of Lester [one of his business partners] kaya kong pagsabayin ang dalawa. Siya ang in- charge sa operation, tapos ako, tinutulungan ko lang siya, when it comes sa marketing, promoting in social media, and I try to be here most of the time. Si Ashley, my daughter, siya ang tumutulong dito. Nag summer job siya dito habang wala siyang ginagawa.”

Continue reading below ↓

Magkakaroon dapat ng teleserye sina Judy Ann Santos-Agoncillo at Richard Yap titled Someone To Watch Over Me, mula sa Dreamscape. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabuntis si Judy Ann. Kinuha ng PEP.ph ang reaction ni Richard Yap tungkol dito at ito ang kanyang pahayag:

Paano na ang teleseryeng ginagawa ninyong dalawa ni Juday? Matutuloy pa ba yun?

Richard: “We’re still waiting for word from management kung ano ang gagawin namin. As of now, we’re waiting.”

Nasimulan n'yo na ba ang taping ng teleserye ninyo ni Judy Ann? Pang ilang araw n'yo na nagte-taping?

Richard: “Isa pa lang, nag shoot lang kami ng pilot episode then nag stop muna kami.”

Ano yung reason na na-stop yung taping ninyo? Dahil ba nalaman na ng management na buntis na si Juday?

Richard: “I don’t know, kasi they didn’t tell us, e. This week lang din nalaman na buntis si Juday, when she posted in her Instagram post.”

Continue reading below ↓

Sa news kasi, sinabi na kinausap niya na yung ABS-CBN bosses na she wants to have a break muna.”

Richard: “They knew about it pero hindi pa napaalam sa amin.”

Ano yung reaction mo Richard nung nalaman mo na buntis si Judy Ann? Nagulat ka ba?

Richard: “Medyo, kasi we were not expecting it.”

Pero, personally po ba nag text sa inyo si Judy Ann na buntis sya?

Richard: “Hindi pa! Hindi pa! (sabay tawa). Hindi pa kami ganun ka close ni Juday, kasi we haven’t started working together yet. Hindi pa kami nagkakaroon ng �eksena ni Juday sa taping.”

Do you have any wish for Juday, ngayong buntis sya?

Richard: “Well I hope that she’ll have a safe pregnancy and congratulations of her baby, kasi matagal na niyang gusto ‘yan, di ba?

Pero may plans na po ba yung Dreamscape sa inyo kung sakaling hindi matuloy yung teleserye nyo ni Juday?

Continue reading below ↓

Richard: “Meron naman akong Wansapanataym: Kung-Fu Chinito, it’s going to be shown this June 21, every Sunday for 6 weeks. Natapos na namin i-shoot lahat ng episodes.”

How was working with your co-stars such as Enchong Dee, David Chua and Atoy Co?

Richard: “Masaya naman, puro kami Tsinoy sa pantaseryeng ito, nandun din si Marina Benipayo na mukhang Chinese din.”

Please tell us something about your character dito at ano yung magiging takbo ng istorya?

Richard: “Ang Wansapanataym kasi ay isang fantaserye. Para akong isang superhero dito who is looking for someone to pass on my powers ko. At ipapasa ko nga kay Enchong Dee, so, makikita n’yo yung action fight scene dito ni Enchong Dee.� Naka costume din kami ng superhero dito.”

Katatapos lang ng movie n’yo with Maja Salvador and Dennis Trillo na You’re Still The One. Ano ang feedback na narinig n’yo about the movie?

Richard: “So far, okay naman, sabi nila ibang iba sa character ko sa Be Careful With My Heart. Wala daw kabahid bahid na Ser Chief yung character ko. Yung pagiging angas at strong ng personality ng isang fiscal ay nakita nila roon. Maganda naman yung feedback nila.”

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results