Sheena Halili says her Christian beliefs not in conflict with the theme of The Rich Man's Daughter

by Rose Garcia
Jun 18, 2015
Sheena Halili on lesbianism: "I’m a Christian, pero wala naman akong right na mag-judge at sabihin kung ano ang dapat paniwalaan ng mga tao. Ako, nagpo-focus ako sa relationship ko kay God, sa friends, at sa family. Ngayon, kung sino man ang mga tao sa paligid ko, nandito lang ako bilang kaibigan. Pero wala ako sa posisyon para pangunahan sila."

Si Sheena Halili ang gumaganap na best friend ni Rhian Ramos sa GMA primetime series na The Rich Man’s Daughter.

Nagsimula nang mabigyan ng atensiyon ang karakter niya bilang Sally, nang hindi niya matanggap na lesbian pala ang best friend niya.

Okey naman daw si Sheena sa itinatakbo ng karakter niya sa kanilang drama series.

“Walang problema sa akin dahil, siyempre, kapag kaibigan mo ang isang tao, tatanggapin mo kung ano siya.

“Hindi rin naman ikaw ang magpapabago sa kanya.

“Hindi ikaw ang dapat magsabi ng mga pagkakamali niya, kung ano ang dapat niyang gawin.

“Kung yun siya, bilang kaibigan, tatanggapin mo siya.

“Yun nga lang, bilang tinatawag na best friend, ang pagkakaalam ko kasi sa best friend, sasabihin mo lahat.

“Kasi siya ang pinaghuhugutan mo, siya ang nag-a-advice sa ‘yo.

“Paano ka niya bibigyan ng payo kung meron siyang part ng buhay mo na hindi niya alam?”

Kung sa totoong buhay ay malaman niyang lesbian o tomboy pala ang best friend niya, ganun din kaya ang magiging unang reaksiyon niya, hindi pagtanggap?

Continue reading below ↓

Pahayag ni Sheena, “Baka mas malaki pa nga.

“Siguro magugulat, masa-shock, pero siguro mas matagal akong mag-iisip kung paano kami mag-uusap.

“Sabay kayong matulog, sabay kayong maligo magmula bata, 'di ba? Tapos, lesbiana pala?

"Parang yun kasi ang motivation ko.

"Pag best friend mo, sabay kayo maligo, ‘tapos baka may malisya pala?

“Siyempre, ganun din ang reaksiyon ko, magugulat ako, magtatampo ako.

“Mapapatanong ako sa sarili ko, 'Best friend niya ba talaga ako?'"


BEING A CHRISTIAN. Sa isang banda, isang devout Christian si Sheena bilang miyembro ng Victory Christian Fellowship.

Okey ba siya sa ipinaglalaban o itinatakbo ng kuwento ng The Rich Man’s Daughter?

Sagot ng Kapuso actress, “Oo, I’m a Christian, pero wala naman akong right na mag-judge at sabihin kung ano ang dapat paniwalaan ng mga tao.

“Ako, nagpo-focus ako sa relationship ko kay God, sa friends, at sa family.

“Ngayon, kung sino man ang mga tao sa paligid ko, nandito lang ako bilang kaibigan.

Continue reading below ↓

“Pero wala ako sa posisyon para pangunahan sila.

"Yes, sa Bible talagang mali yun.

“Si God lang naman ang perfect na makakapagsabi kung tama o mali.

“Tao lang din naman ako, hindi rin naman ako perfect, kahit straight ako at wala rin naman akong masasabing masama.”


ON THE SET. Sa kabilang banda, masaya si Sheena dahil napakaganda at masaya ang samahan nilang lahat sa cast ng The Rich Man's Daughter.

“Ang saya, ang kulit! Sobrang kulit! Madalang lang kasi kaming magsama-sama.

"Si Chynna [Ortaleza], si Katrina [Halili], si Glaiza [de Castro], si Rhian, kapag nagkasama-sama kami, ang gulo na.

“Si Glaiza at Rhian kasi, medyo ano pa, medyo sosyal ang humor.

“Pero kami ni Katrina, palengke talaga kami.

"Si Chynna naman, nakaka-Rhian, nakakasa-amin.

“Si Mike [Tan] din, ang gulo, kaya niloloko namin siya, 'Feel na feel mo, ha!;” natawang kuwento niya.

FROM MARIAN TO RHIAN. Malapit kay Sheena si Marian Rivera, na orihinal na gaganap sana sa karakter ni Jade na best friend niya.

Continue reading below ↓

Ngunit nagdesisyon si Marian na huwag nang tumuloy sa serye dahil sa kanyang pagbubuntis sa una nilang supling ng mister niyang si Dingdong Dantes.

Nag-adjust din ba siya nang iba na ang gumanap?

Saad ni Sheena, “Actually, ang reason talaga... well, hindi naman main reason, pero kaya kami nabuo sa cast na yun kasi nandiyan si Marian.

“Siyempre, kaibigan niya kami, support din namin sa kanya as friends.

“Pero ako, happy ako, kasi mas malaking blessing ang dumating sa kanya.

“Kami naman, kailangang magtrabaho.

“Si Rhian naman ang pumalit na nakatrabaho ko na rin dati sa Kaya ng Powers na parang sitcom.

“Kapag nakatrabaho naman natin, hindi naman lahat kaibigan natin, ka-close natin.

“Trabaho ‘yan kaya dapat tanggapin natin.”

Read Next
Read More Stories About
Sheena Halili
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sheena Halili on lesbianism: "I’m a Christian, pero wala naman akong right na mag-judge at sabihin kung ano ang dapat paniwalaan ng mga tao. Ako, nagpo-focus ako sa relationship ko kay God, sa friends, at sa family. Ngayon, kung sino man ang mga tao sa paligid ko, nandito lang ako bilang kaibigan. Pero wala ako sa posisyon para pangunahan sila."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results