Dingdong Dantes narrates taping of "Dyesebel" in Palawan


"Enjoy ako, sobrang nag-enjoy ako. Ang ganda ng tanawin dun sa island na pinag-teypingan namin. Kami lang ni Marian ang artista sa first week namin kaya ibang experience talaga," says Dingdong Dantes about Dyesebel taping in Coron, Palawan, with leading lady Marian Rivera.



Katatapos lang mag-taping ni Dingdong Dantes para sa pinakabagong primetime series ng GMA-7 na pagsasamahan nilang muli ni Marian Rivera, ang Dyesebel, nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sa Coron, Palawan pa kinunan ang mga underwater scenes nila ni Marian kaya isang linggo silang nag-stay sa naturang lugar. Pero ayon kay Dingdong, it was a very pleasant experience.

"Enjoy ako, sobrang nag-enjoy ako," simula niyang pahayag. "Ang ganda ng tanawin dun sa island na pinag-teypingan namin. Kami lang ni Marian ang artista sa first week namin kaya ibang experience talaga. At the same time, noong nandoon kami, parang bigla ko ring na-miss ang Atlantika," banggit ni Dingdong tungkol sa dati niyang fantaserye sa Kapuso network.

LOST ON AN ISLAND. Nang tanungin ng PEP si Dingdong kung nagsilbi rin bang bonding time nila ni Marian ang almost one week nilang pagsasama sa Palawan as their bonding time, sinabi ng young actor ba iba raw ang nakita niya sa leading lady sa taping nilang yun.

"Kami lang dalawa sa taping, para kaming lost in an island," banggit ni Dingdong. "In terms of bonding time, actually, medyo naano ako...medyo humanga ako sa kanya. Ang nangyari kasi, mas nauna sa akin si Marian sa Palawan ng ilang araw. May mga eksenang kinuhanan na siya lang mag-isa, especially yung mga underwater scenes.

"Magro-roll kami ng 8 a.m., nandoon na siya sa ilalim ng dagat at hanggang sa magdilim na yun. Aahon lang siya kapag oras na ng pagkain. Pero halos buong araw, nandoon lang siya sa ilalim ng dagat. Pero hindi mo siya makikitaan na magrereklamo, kahit alam mo na siyempre, ang hirap din ng ginagawa niya.

"Ako naman kasi, bilang si Fredo, konti lang ang mga underwater scenes ko. Siyempre, enjoy ako sa pagsu-swimming. Pero aside from that, kapag wala akong eksena, umaalalay na rin ako sa kanya [Marian] sa ilalim, lalo na kapag iaahon na siya," kuwento ng young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Dingdong, may pinuntahan din daw silang island from their place na white beach talaga and it just took them one hour sa biyahe. Pero aniya, sobrang na-enjoy raw niya ang nature doon. Para nga raw silang iisa ng nature. Sa naturang place din daw siya ipapakitang iniwan ni Dyesebel.

NO EXPECTATIONS. Sinabi rin ni Dingdong na ayaw niyang mag-set ng anumang expectation sa Dyesebel tulad nang una nilang gawin ni Marian ang Marimar.

"Sa experience ko kasi ever since nag-start ako, ayokong mag-expect ng anything. Free flowing lang at mas nagwo-work yun sa akin. Kapag walang pressure, mas lumalabas na maganda ang lahat.

"Sa Dyesebel lang, mas maipapakita namin yung playfulness namin dito ni Marian. Mas malalaro namin yung character at saka siyempre, fantaserye siya unlike sa Marimar na mas seryoso ang mga character namin," pahayag niya.

Sa naging pahayag ni Dingdong, nasabi ng PEP sa kanya na parang lalabas na patikim lang pala ang mga sweetness na naipakita nila noon sa Marimar. At the same time, kahit sa sarili niya, aminado si Dingdong na bagama't marami na siyang nagawang series in the past, sa Marimar talaga lumabas ang pagiging romantic leading man niya.

"Alam n'yo kasi, naniniwala ako na yung ganoong kagandang kinakalabasan, result yun ng interaction. Natural kasi si Marian as an actress kaya yung chemistry naming dalawa, maganda talaga. Naibibigay namin yung 100 percent namin," paliwanag ni Dingdong.

In terms of ratings, ayaw rin daw isipin ni Dingdong ang pressure, lalo pa nga't kung sakali, ang ibi-beat nila ay ang record na naitala nila sa previous soap opera nila.

"Sa pressure, aaminin ko, siyempre meron kahit hindi isipin or banggitin," pag-amin niya. "Pero ako, ayoko munang isipin yun, although nandiyan siyempre yung goal na mahigitan or mapantayan man lang. Ang sa akin naman, hindi pa ipinapalabas yung Dyesebel, so tingnan na lang natin. Kung may sigurado man kasi ako rito, mas pinapaganda pa siyang talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagama't hindi pa nagsisimulang umere ang ikalawang series na pinagsasamahan nila ni Marian, tila may nagtutuldok na rito. May balitang after two series, posibleng sa iba na sila ipapareha.

Pero para kay Dingdong, ayaw niyang isipin na ganoon nga ang mangyayari. "Well, sana hindi naman. In fact, noong ginawa namin ang Marimar, may sinabi sa amin na after that, iba na. Pero may ibinigay pa rin na panibago. So, hindi mo talaga masasabi. Besides, okay ang relationship namin ni Marian, on and off, e," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN