Richard Yap makes use of his martial arts background for My Kung Fu Chinito

by Julie E. Bonifacio
Jun 23, 2015
Nagbabalik-telebisyon ang aktor na si Richard Yap bilang superhero sa Wansapanataym presents My Kung Fu Chinito.

Ito ang unang pagkakataon na sasabak si Richard sa isang fantaserye pagkatapos maging bahagi ng Be Careful With My Heart na umere ng dalawang taon sa ABS-CBN.

“Isa ako’ng businessman na meron ako’ng ano, parang meron palang sikreto which is my being a superhero. Taga-ligtas ng mga tao. So, may secret,” ani Richard tungkol sa role niya sa My Kung Fu Chinito.

Magsasanib-pwersa si Richard at Kapamilya chinito heartthrob din na si Enchong Dee sa action-fantasy program na Wansapanataym.

“E, hinanap ko na yung tagapagmana ko kasi parang may tenure lang ‘yan, e. Let’s say may ilang years ka lang pwedeng maging superhero. So, yun, dito papasok si Enchong,” kwento ni Richard.

Ano naman ang role ni Enchong sa My Kung Fu Chinito?

“A, isa siyang janitor sa temple. So, doon kami nagkakilala.”

Nakausap namin si Richard habang nagdi-dinner pagkatapos ng presscon ng My Kung Fu Chinito sa Wang Fu restaurant sa Tomas Morato, Quezon City last Wednesday.

Nagkaroon ba siya ng injury sa mga fight scenes na ginawa niya for the show?

“Ah, wala. Ako wala naman. Okay ako, wala.

“Safe naman yung mga stunts na ginawa ko. Ano lang kasi, usually, nagkakaroon lang talaga ng mga injury na ganoon kapag let’s say dalawang inexperienced na [tao], tapos siyempre first time nilang gawin.”

Sinasabi ba niya na kaya hindi siya nagkaroon ng injury sa fight scenes niya dahil sa experience niya on martial arts?

“Hindi naman sa ganoon but we just try to make sure na safe ‘yung ginawa namin.

“Ah, mahirap lang yung kina Enchong kasi, naka-harness kasi siya the whole time. Hindi mo ma-control minsan yung movement.”

Pero may background talaga siya sa martial arts?

“Yes, nag-Taekwondo, Aikido at nag-Chinese Kung Fu ako dati.”

Dahil doon kaya hindi na siya nahirapan sa fight scenes niya?

“Hindi naman but at least may alam.”

Ano yung pinakamahirap na stunts ang ginawa niya?

“Well, hindi naman ganoon kahirap yung mga stunts. Ang mahirap lang talaga ay yung gaano ka-physical itong ginagawa. Kasi, minsan nasa araw kami. Buong araw kami nasa labas, ang init. Pagkatapos ginagawa ko pa puro pisikal kaya ang hirap. Nakakapagod, e, ang init. Kasagsagan pa ng summer noong ginagawa namin yun.”

Ano’ng feeling na na-fulfill na isa sa mga dream niya na makagawa ng role in an action genre?
�
“Ah, siyempre masaya kami. E, ang saya ng paggawa nitong Kung Fu Chinito, e. Kaya sana magustuhan nilang lahat na mga manonood.

“Siyempre we feel so special na ginawa nila ‘to para sa amin.”

Sino leading lady niya sa My Kung Fu Chinito?

“Wala, for a change. Kami ni Enchong ang mag-ano rito! Hahaha!”

Na-offer na ba sa kanya ang My Kung Fu Chinito bago na-shelved ang teleserye niya with Judy Ann Santos?

“Naka-plano talaga ‘to na lalabas bago ang soap. Ano talaga naka-calendar [sa akin].”

Willing ba siyang maghintay kay Juday na makapanganak para matuloy ang teleserye nila?

“Yeah, if after manganak siya and then gusto pa ulit ng ABS i-mount yung show, we are willing to do that.”

Mapapahinga ba siya dahil sa nawalang serye nila ni Juday?

“Uh, may ginagawa silang ibang soap. May inaayos na sila. They’ll announce within June raw.

“For now lang hindi ganoon ka-hectic ang schedule ko but it will take a few weeks lang naman. Less than a month lang siguro yun before we can start for the new soap.”

Ano’ng reaksyon ng mga anak niya na gagawa siya ng teleserye kung saan magagamit niya ang natutunan niya sa martial arts?

“Nag-Taekwondo rin yung anak ko.

“Wala naman. Natutuwa lang sila kasi parang fantaserye.

“A, natutuwa naman sila na for a change iba naman ang ginagawa ko.”

Ano naman ang reaksyon ng mga anak niya sa kissing and bed scene niya with Maja Salvador sa pelikula niya na You're Still The One?

Malakas na tawa ang bungad ni Richard sa tanong.

“Pinanood ng anak ko yung movie. Tinakpan na lang niya mga mata niya. Hahaha!

“But yes, nanood sila.”

Nagalit ba ang misis niyang si Melody sa bed scene niya with Maja?

“Hindi, alam naman niya na trabaho lang.”


Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results