Is Rhian Ramos ready to shoot more intimate scenes with another woman?

by Rose Garcia
Jun 22, 2015
As Rhian Ramos, the actress says she would choose Althea over David in The Rich Man's Daughter, "Hindi ko talaga kayang magkaroon ng relationship sa isang taong hindi ko mahal. Ano pa ang worth na ipaglaban kundi true love, di ba?"



Hindi naging madali para kay Rhian Ramos ang pasukin ang karakter niya bilang si Jade Tanchingco sa groundbreaking primetime series ng GMA-7 na The Rich Man’s Daughter.

Una sa lahat, hindi talaga orihinal na para sa kanya ang naturang serye at ilang araw lang nang sabihan siyang siya na nga ang hahalili sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Pero tinanggap naman ni Rhian ang tila naging hamon na rin sa kanya bilang isang Kapuso actress na ipagpatuloy ang TRMD.

Sa nakikita niyang pagtanggap at mga komento ng mga manonood, masasabi niya na nakahinga na siya.

“Opo, sa wakas, nakahinga na rin ako ng maluwag.

“Masayang masaya ako sa pagtanggap ng mga Kapuso at mga bagong Kapuso sa TRMD.

“Napatunayan nito na blessing nga ang biglaang show na ito sa akin galing sa Diyos,” sabi ni Rhian nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng email.

Kung dati, talagang nangangapa pa siya, ngayon daw ay kilalang-kilala na niya si Jade.

Continue reading below ↓

“Ilang weeks ko nang ginagampanan ang role na ito, naging natural na rin sa akin mag-isip bilang Jade.

“Usually alam kong nararamdaman ko na ang character kapag kaya ko nang mag-adlib bilang siya.”

Sa isang banda, hindi pa rin naman maiaalis na dahil matagal din hinintay ang TRMD, lalo na ng mga tagahanga ni Marian, meron pa rin talagang hindi maka-move-on o nanghihinayang na hindi na si Marian ang napapanood sa teleserye.

Anong masasabi niya ron?

“Sorry po, nagulat din naman ako,” lahad niya.

“Hindi ko rin inasahan yung mga nangyari at mahirap palang pumasok sa isang show ng walang paghahanda.

“I hope that Ate Yan is enjoying her pregnancy and I know that the Philippines is very excited to see her baby, pati ako.”

RASTROREBELS. Dahil din sa TRMD, nagkaroon siya ng bagong ka-loveteam sa katauhan ni Glaiza de Castro.

Ang tawag nga sa kanila ay Rastrorebels. Dahil daw sa lesbian-themed teleserye nila, may mga magkarelasyon na babaeng nag-out na dahil na rin sa kanila.

Continue reading below ↓

“Nakakatuwang malaman na nadadala din sila sa mga eksena namin at kinikilig!” natawang sabi niya.

“I'm happy na kinaya nilang maging honest about their feelings sa mga loved ones nila.

“Sa experience ko playing Jade, mahirap at nakakatakot sa simula na maging honest.

“Pero as time passes, doon mo lang mararamdaman na malaya ka na kasi wala ka nang tinatagong sikreto sa mga mahal mo sa buhay.”

Sa tunay na buhay, sino ang pipiliin niya sa naging situwasyon, si Althea (Glaiza) o si David (Luis Alandy)?

“Even as Rhian, hindi ko talaga kayang magkaroon ng relationship sa isang taong hindi ko mahal.

“Kahit na mabait pa, kahit na mas magiging madali ang lahat.

“Ano pa ang worth na ipaglaban kundi true love, di ba?

“So si Althea pa rin po kahit sa totoong buhay,” lahad pa ng 24-year-old actress.

NOT MARKETING PLOY. Sa pelikula, posibleng mas daring ang atake sa mga karakter tulad ng sa TRMD.

Continue reading below ↓

Pero sa telebisyon, kahit na hindi de-kahon ang karakter na ginagampanan nila, limitado pa rin ang puwede nilang gawin at ipakita bilang lesbian na may karelasyon.

Kaya na ba Rhian na gumawa ng mas intimate na mga eksena sa kapwa niya babae?

“Okay naman po sa akin kasi kahit naman ako as an artist, medyo limited ang feeling minsan sa mga eksena.

“Kailangang magpigil in case may bawal for TV.

“Kasi sa ibang mga love stories na nagawa ko, kahit sa TV sila pinapalabas, sweet na sweet yung acting.

“Kasi nga po couple talaga kami sa role.

“Kahit anong eksena, lalaki man o babae ang kapartner ko, gagawin ko lang yung intimate na acting kung nag-agree ako na kailangan sa story, hindi sa marketing.

“Didipende po yan sa mga mapag-uusapang treatments and agreements tungkol sa magiging project.”


COMFORTABLE. Sa mga eksenang kailangan nilang kiligin ni Glaiza sa isa’t-isa, magpakita ng intimacy, paano nila nagagawa iyon na kapani-paniwala?

Continue reading below ↓

Ayon kay Rhian, “Kumportable na po kami sa isa’t-isa.

"I don’t think na sadya kaming naglalabas ng effort na maging sweet.

“Natural lang na nangyayari kasi I see her as a friend.

“And dahil lagi ko siyang nakakasama, I really appreciate all the great things about her na.

“I like that she's hard working and is passionate about going after her dreams.

“Nakakadala nga ang passion niya, e, parang gusto mong suportahan at i-back up.”

AGGRESSIVE. Sa takbo ng kuwento ngayon, nag-offer ang ama ni Jade ng P100 million pesos para maging straight ang lesbian nitong anak.

Ano ang reaction ni Rhian sa ganitong pakikialam ng isang ama sa buhay ng isang anak?

Saad niya, “Hindi naman ako magagalit kung hindi siya sang-ayon sa decision ko.`

“Pero masasaktan po talaga ako kung kailangan niya pang gawing problema ng lahat ang personal na disagreement namin para i-pressure ako sa gusto niya.

Continue reading below ↓

“Parang may mas makataong paraan naman yata ng pag-handle doon.”

Mas tumapang ba siya ngayon?

“Sumasabay lang din po siguro sa mga viewers na mas tumapang na rin.

“Masaya palang gumawa ng kuwento na labas sa standard formula.”



Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
As Rhian Ramos, the actress says she would choose Althea over David in The Rich Man's Daughter, "Hindi ko talaga kayang magkaroon ng relationship sa isang taong hindi ko mahal. Ano pa ang worth na ipaglaban kundi true love, di ba?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results