Dominic Roque hopes playing kontrabida in Pangako Sa 'Yo will lead to bigger roles

by Glenn Regondola
Jun 23, 2015
Dominic Roque is just waiting for something to happen in his showbiz career, "Binibigyan ko pa ang sarili ko ng mga two to three years... marami pa ang puwede nating abangan. So patiently waiting lang muna ako ngayon, okay lang naman ako."


Kahit marami ang nagsasabing leading man material ang Kapamilya actor na si Dominic Roque, mukhang hindi pa rin talaga siya sinusuwerte.

Malaking break na sana ang ginampanang role niya sa afternoon teleserye ng ABS-CBN, ang Moon of Desire, pero hindi pa rin ito nasusundan ng isang matinding proyekto hanggang ngayon.

Pahayag ng Kapamilya actor, "Yung pagiging lead actor... actually, dun nga sa Moon of Desire, love triangle kami nina Meg Imperial at JC de Vera.

"Siguro, nagi-eksperimento pa rin [ang ABS-CBN] kung sino ang ipa-partner sa akin, kung sino ang babagay.

"Ako, okay lang sa kung anuman ang nangyayari sa career ko.

"I'm only twenty-four, marami pa namang puwedeng mangyari."

Nakausap si Dominic ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at nabanggit namin ang pinabagong sikat na loveteam ngayon na sina Enrique Gil at Liza Soberano.

Nangingiting pagsang-ayon ni Dom, "Oo nga, si Quen [nickname ni Enrique] ang dami ring pinagdaanan before.

Continue reading below ↓

"Kung kani-kanino na rin siya pinares nun, until mabuo nga yung sa kanila ni Liza.

"Yeah, I think yung loveteam nila, gustung-gusto ng mga televiewers ngayon, dahil malaki na talaga ang following nila.

"Good, I’m happy for them."

ON JOINING PANGAKO SA 'YO. Isang magandang development raw sa kanyang TV career ay ang role na ipinagkatiwala sa kanya sa top-rating primetime teleserye ngayon na Pangako Sa 'Yo na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Siya ang gaganap sa role na dating ginampanan ni Carlo Munoz.

Si Carlo sa original version ay si Mark na assistant at confidant ni Governor Buenavista na merong lihim na pag-ibig kay Amor Powers.

Pagmamalaki niya, "Hindi siya lead na ano, pero isa ito sa mga nakuha kong malalaking projects.

"Primetime siya and at the same time, ang mga kasama ko rito ay mabibigat talaga.

"Happy ako, dahil ang mga kasama ko dito, mga kaibigan ko rin.

Continue reading below ↓

"Sobrang saya nga ako, dahil sa laking tiwalang ibinigay sa akin ng ABS-CBN."

Sa tingin niya, hanggang kailan siya maghihintay ng talagang malaking break para manatili siya sa showbiz?

"Siguro, binibigyan ko pa ang sarili ko ng mga two to three years.

"And, hindi ko alam kung ano ang puwede pang mangyari.

"Kasi in two to three years, marami pa ang puwede nating abangan.

"So, patiently waiting lang muna ako ngayon, okay lang naman ako."


NEW CHALLENGE. Wishful thinking siya na may magandang epekto sa kanya ang kontrabida role niya sa teleseryeng ito.

Sabi niya, "Hopefully, kung magampanan ko ng maganda ang role ko dito, at magustuhan ng tao, maybe after that, sana tumuluy-tuloy na.

"Yung character role ko rito, siguro bagong challenge ito sa akin.

"Kasi dun sa ginampanan ni Carlo sa first version nito, kakaiba din.

"Isa siya sa nagbigay nang... nagpa-complicate sa mga character sa teleserye na ito."

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, "So ako, 'di ko alam kung paano ko aatakihin yung role ko.

"Kung paano ko sila pahihirapan or something para mas maging effective ako.

"Kaya pinaghahandaan ko naman siya, lalo na nga't kay Jodi [Sta. Maria] ako naka-focus, dahil may gusto nga ako sa kanya.

"So, abangan na lang po natin, kung paano ko siya aatakahin."


READY. Handa na rin daw siya sa magiging resulta ng kanyang gagampanang papel, lalo na sa bashers na tiyak titirahin siya sa social media.

Natawang reaksiyon ni Dominic, "Ako handa, sa dami niyan, baka 1.5 million tweets 'yan. Hahaha!

"Ibig pong sabihin niyan, naapektuhan sila, so nagagawa ko ng maayos ang role ko.

"Mas nakakalungkot kung walang reaksiyon, di ba?"

Sa pagpapaseksi katulad ng mga ginagampanang papel nina Ejay Falcon, Joseph Marco at Jake Cuenca sa Pasion De Amor, willing na rin ba siya?

Tugon niya, "Siguro po, kasi pinag-aaralan naman ng management 'yan, kung mas ikagaganda ng career mo, e.

Continue reading below ↓

"Kung talagang kailangang-kailangan, puwede ko namang i-consider.

"Pero kailangang mas pagandahin ko pa ang katawan ko ngayon, kasi kita niyo naman po ang mga katawan nina Ejay, di ba?"

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dominic Roque is just waiting for something to happen in his showbiz career, "Binibigyan ko pa ang sarili ko ng mga two to three years... marami pa ang puwede nating abangan. So patiently waiting lang muna ako ngayon, okay lang naman ako."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results