Original Amor Powers Eula Valdes to Jodi Sta. Maria: "Gawin lang niya kung ano ang sa tingin niya ay nararapat."

by Ruben Marasigan
Jun 23, 2015
Eula Valdes on being part of original Pangako Sa 'Yo: “Siyempre proud ako. Ibig sabihin no’n… we did a good job."



Dahil siya ang unang gumanap bilang Amor Powers sa original na ABS-CBN teleserye na Pangako Sa ‘Yo, tinanong ng press si Eula Valdes kung ano ang masasabi niya sa pagganap ngayon ni Jodi Sta. Maria sa nabanggit na character sa remake nito ngayon.

“Hindi ako nakakapanood kasi , e. Iyon ang timeslot na nagti-taping ako para sa The Half Sisters,” sabi ni Eula nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 38th Gawad Urian kamakailan kung saan nanalo siyang Best Actress para sa pelikulang Dagitab.

Si Eula ang gumanap na Amor Powers sa original teleserye na pinagbidahan nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales. Sa 2015 version, ang mga bida ngayon ay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ani Eula, “Hindi ako nakakapanood. Kahit nga ‘yong original noon, hindi ako nakapanood, e.”

Nagmarka sa viewers ang pagganap niya bilang Amor Powers, ang maid na naging powerful businesswoman. Sinasabi nga na hanggang sa ngayon, tatak-Eula Valdes pa rin ang character na ito na binibigyang buhay ngayon ni Jodi.

Ano ang reaksiyon niya?

“Wala,” sabay ngiti ng aktres. “Kasi may nakapagsabi sa akin na parang… dahil may basehan, doon sila parang… either tapatan mo ‘yan or higitan mo.

“May nagsabi sa akin na medyo nahihirapan daw sila. E, okay lang ‘yon.

“Siyempre proud ako. Ibig sabihin no’n… we did a good job, doing Pangako Sa ‘Yo, di ba?

“Na… gusto nilang mahigitan ‘yon. Nakaka-proud din.”

Sabi ni Jodi, hindi raw nito kayang pantayan ang acting na ibinigay ni Eula bilang Amor Powers.

“Hindi lang naman siguro doon sa Pangako. Kahit naman siguro anong naging successful na proyekto, mahirap tapatan or ano…

“Siyempre ‘pag original, di ba? Tapos nagustuhan ng tao, mahirap talaga.

“Pero sabi ko nga, gawin lang niya [Jodi] kung ano ang sa tingin niya ay nararapat. Kasi hindi naman exactly the same ‘yong story, e.

“So hindi na rin siya… basta iba ang situwasyon, e. Iba ang sitwasyon no’ng istorya ng Pangako ngayon.

“I heard na hindi siya [Amor Powers] galing sa… hindi siya katulong, ganyan. Basta iniba raw totally.”

How does she feel na muling namamayagpag sa ratings ang remake ng Pangako Sa ‘Yo?

“Okay lang. Kasi sila [ABS-CBN] din naman ang gumawa ng original, e.

“Di ba? Parang ano nila ‘yon… prerogative nila ‘yon and wala kaming say do’n kung gusto nilang i-remake.

“Okay lang. Hindi lang ako nakakapanood.”

Ano ang mga bagong project niya sa ngayon?

“Aside from The Half Sisters na matatapos siguro ng August, meron akong bago. ‘Yong First Daughter with Ryzza Mae Dizon.

“Light lang siya. So iba naman.”


(Read: BATTLE OF AMOR POWERS: Eula Valdes versus Jodi Sta. Maria in “Batas” scene)

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eula Valdes on being part of original Pangako Sa 'Yo: “Siyempre proud ako. Ibig sabihin no’n… we did a good job."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results