Tom Rodriguez on being chosen to play Sergio in new Mari Mar: “It felt so unreal.”




Excited at puspusan na ang paghahandang ginagawa ni Tom Rodriguez para sa kanyang pagganap bilang Sergio sa upcoming GMA-7 primetime series na Mari Mar.

“I was very surprised, very honored and excited, it felt so unreal. I knew right away when I first heard about it that it was going to be a big project. Nakaka-pressure pero at the same time I’m very excited ‘cause I know I’m going to learn a lot on this project,” kwento ng aktor sa ginanap na story conference kahapon, June 22, ng Mari Mar.

Dagdag excitement din para kay Tom ang makatrabaho ang Miss World 2013 na si Megan Young. Ayon kay Tom, “I really feel blessed. Mas nakakabawas ng kaba at takot kasi I’ve worked with her before. At least we already have a great working relationship.”

Matatandaan na nagkatrabaho si Tom at Megan noon sa 2011 ABS-CBN teleserye na Mana Po.





Ang Mari Mar ay sa ilalim ng direksiyon ni Dominic Zapata. Una nang nagkatrabaho sina Direk Dom at Tom Rodriguez sa gay-themed TV series na My Husband’s Lover.

Ilan pa sa mga makakasama sa Mari Mar ay sina Jaclyn Jose, Ricardo Cepeda, Carmi Martin, Jaya, Cris Villanueva, Candy Pangilinan, at Lauren Young.

Kaabang-abang din ang mga karakter na gagampanan nina Frank Magalona, Maricris Garcia, at Dion Ignacio. Bukod sa kanila, may iba pang mga artistang papasok sa teleserye.

Ito ang ikalawang beses na ipapalabas ng Kapuso Network ang Mari Mar na batay sa Mexicanovela ng superstar na si Thalia.

This August nakatakdang ipalabas sa GMA Telebabad ang bagong Mari Mar na unang pinagbidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes noong August 2007.



The cast of the upcoming GMA Telebabad series MariMar with director Dominic Zapata! #MariMar2015

A photo posted by gmanetwork (@gmanetwork) onJun 22, 2015 at 4:25am PDT





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN