Jean Garcia admits hosting a public affairs program is a challenge

by Arniel C. Serato
Jun 26, 2015
Aminado si Jean Garcia na mahirap ang maging host kaysa sa pag-arte. Pero masaya daw siya na nabigyan ng pagkakataong maranasan naman niyang mag-host ng isang public affairs program na ibang-iba sa kanyang pag-arte sa telebisyon at pelikula.


Isang taon na ang Love Hotline sa GMA-7 at sabi ng host nitong si Jean Garcia, ang dami daw niyang natutunan sa show dahil ibang-iba daw talaga ito sa lagi niyang ginagawa, ang pag-arte.

Kahit baguhan pa sa pagiging TV host, inaaral daw talaga ni Jean ang kanilang mga case studies para naman handa siya tuwing taping ng kanilang show. Challenge daw ito para sa kanya na sanay na sanay pagdating sa acting.

Bukod pa rito may mga tumatak daw sa kanya na mga istorya na talagang naghatid ng kurot sa kanyang puso.

Kuwento pa ng actress-TV host, “Yung last week lang na story namin. OFW siya, lalaki siya, umalis siya ng parang two or three years.

“Noong umalis siya, parang buwan pa lang yung baby niya. Nung bumalik siya, kasi pinauwi siya ng sister niya at parents, na kailangan daw talaga niyang umuwi. So, clueless siya why.

“Nalaman niya na bumukod pala yung asawa niya kasama yung anak niya dahil buntis na sa ibang lalaki.

Continue reading below ↓

“So, pagdating niya dito, sinabihan niya yung parents niya kung bakit hindi pa sinabi sa kanya. Natatakot daw yung mga parents baka kung ano pa ang gawin niya dun sa ibang bansa.”

Dagdag pa ni Jean, na nung nakita na niya yung baby niya hindi daw siya kilala nito.

Ang kinilala nitong ama ay yung kinakasama ng babae. Ipinaglalaban daw nung lalaki ang kanyang karapatan sa kanyang anak at nakuha daw niya ang kustodiya nito.

Ito daw ang isa sa mga kuwentong nakakadurog ng kanyang damdamin.

Pero, bilang host, kailangan niyang kontrolin ang kanyang emosyon.

Paliwanag pa ni Jean, “Palaging sinasabi ng mga boss ko na, ‘Minsan ano ka pa rin, kumbaga host ka dito. So, okay lang yung maramdaman mo sila…’

“Kaya nga minsan kina-cut kasi hindi ko na kaya.

“Minsan naman pag nakakatawa, tawa ka rin lang ng tawa, kasi nakakatawa naman talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jean sa presscon ng Fully Loaded Afternoon ng GMA News and Public Affairs nitong nakaraang Miyerkules, June 24.

Continue reading below ↓

�

PAGIGING TOTOO. Minsan daw naman, pinalampas na ng mga namamahala ng kanyang show kung sobra na siyang nadadala sa mga eksena.

Sabi pa ni Jean, “Minsan nakakapasa kasi dahil siguro artista rin ako.

“Hindi naman talaga ako newscaster, hindi naman ako yung very formal na ganun.”

Naalala naman nito ang kanilang Christmas episode nitong nakaraang 2014.

Lahad ni Jean, “Last Christmas meron kaming story, pero nakalimutan ko na. Pero nakakaiyak siya about family.

“Parang namatay ‘ata yung mga anak. So yun closing spiels ko, kasi from the guest 'di ba then… umiiyak talaga ako sa closing spiel.

“Tapos pag-cut, sabi ko, ‘Direk, okay lang ba?'

“Sabi ni Direk, ‘Okay lang, maganda e.’

“Tapos pina-check sa kanila, okay naman daw. Kasi normal.”

Isa daw yun sa may pinakamataas na ratings na episode ng show.

Ano pa kaya ang aabangan sa Love Hotline? Sabi ni Jean, “Ngayon mas malalim siya.

“Mas medyo seryoso, mas diretsahan ang tanong kasi dati nagpaliguy-ligoy pa.”

Continue reading below ↓

Mapapanood ang Love Hotline tuwing Biyernes, 4:50 ng hapon sa GMA.

Ang ilan pa sa mga public service program na kabilang sa Fully Loaded Afternoon ay ang Alisto ni Arnold Clavio (Lunes), Tunay na Buhay ni Rhea Santos, (Martes), Powerhouse kasama si Kara David, (Miyerkules), at Reporter’s Notebook nina Maki Pulido at Jiggy Manicad, (Huwebes).

�

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aminado si Jean Garcia na mahirap ang maging host kaysa sa pag-arte. Pero masaya daw siya na nabigyan ng pagkakataong maranasan naman niyang mag-host ng isang public affairs program na ibang-iba sa kanyang pag-arte sa telebisyon at pelikula.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results