"Pinoy Records" shoots summer special in Boracay


Nagpakuha si Manny Pacquiao (gitna, in stripes), kasama ng apat na Sagwan King challengers. Mapapanood sila ngayong gabi, April 19, sa GMA-7 pagkatapos ng Wish Ko Lang.


Ngayong Sabado, April 19, mapapanood ang summer special ng Pinoy Records na kinunan pa sa isla ng Boracay. Panoorin ang iba't ibang kakaibang mga tao at hayop na tampok sa kakaibang show na ito ng GMA-7.

Labanan sa gapangan ang itatampok sa "Pinoy versus Wild" segment kung saan magtatagisan ng galing sa crawling challenge ang isang unano laban sa isang bear cat. Sino kaya ang magwawagi?

Makikilala din natin si Girod Gelito, ang pinakabatang windsurfer ng Boracay. Siya ang bida sa segment na "Astig ni Kid."

Sa "Sikat on the Spot," maglalaban para maging Bar-tending Queen sina LJ Reyes at Bianca King!

Maniwala man kayo o hindi, mga babaeng barbero ang nagpapatakbo sa oldest existing barbershop sa Maynila. Kilalanin sila sa "For the Record."

Apat na barako naman ang maglalaban sa karagatan ng Boracay para maging Sagwan King.

At sa "Todo Mo Na," saksihan ang makatanggal-balat na galing ng isang body pierce artist mula sa Olongapo.

Talagang kitang-kita ang galing ng mga Pilipino sa Pinoy Records' Summer Special sa Boracay. Panoorin ito sa GMA-7 ngayong Sabado, April 19, pagkatapos ng Wish Ko Lang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN