Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

John Lloyd Cruz bares plans to do movie with Bea Alonzo within the year

by Melba R. Llanera
Jun 27, 2015
John Lloyd Cruz worked with Kaye Abad (left frame) for the first of his four Maalaala Mo Kaya episodes. If things work out, JLC will do a movie with Bea Alonzo (right frame) within the year.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay magpi-present sa apat na sunud-sunod na buwan ng same feature artist ang Maalala Mo Kaya (MMK) at ito ay pagbibidahan ni John Lloyd Cruz.

Halos walong taon na rin ang nakalipas mula noong huling napanood sa MMK si John Lloyd, na kinikilala na isa sa pinakamahusay na aktor ng kanyang henerasyon. Dahil dito ay sadyang kaabang-abang ang kanyang pagbabalik sa naturang programa.

Sa set visit ng PEP.ph (Philipine Entertainment Portal) sa aktor sa set ng MMK sa Morong, Bataan nung nakaraang Huwebes, June 25, excited na nagkuwento si John Lloyd sa apat na istoryang isasa-buhay sa MMK kung saan ang kauna-unahang istorya ay ang pagbabalik tambalan nila ng dating kapareha sa Tabing Ilog na si Kaye Abad.

“It should be special kasi bukod sa first time na mayroong artista na ipi-feature sila for four consecutive months, mayroong apat na dedicated episodes kasi originally masyadong ambitious yung plano namin ni Ate Rhoda.

Continue reading below ↓

“Sa isang buwan originally baka daw mapagod, magsawa sa akin. Medyo mahirap din for them to come up and yun nga baka mapagod naman yung audience, maghanap ng traditional MMK.

“Tama naman saka medyo mahirap siyang i-mount, we’re aiming for really special episodes each time na lalabas yung episode ko saka para makapag-prepare din ako at sila para sa ikagaganda ng ipe-present namin.

“We’re doing one about dystonia, it’s a rare disease, para siyang ALS [amyotrophic lateral sclerosis]. Ganun siya ka-rare, ganun siya kahirap. I’m doing one with Bea [Alonzo], yun ang pinag-uusapan pa.”

Dahil kaka-celebrate lang ni John Lloyd ng kanyang ika-32nd birthday last June 24, maikukunsidera kaya itong pang-birthday special niya para sa kanyang mga tagahanga?

“'Di umabot kasi natapos na ang birthday ko pero we’re still taping but yah it’s still June, it’s my birthday month pero siyempre nagkabiglaan lang din kami ni Ate Rhoda.

“Gawin nating apat,” wala talaga siya sa plano.

Continue reading below ↓

ROLE. Nagkuwento ang aktor tungkol sa karakter na ginagampanan niya bilang sia Tarik Khan.

“Actually, mas nakikita kong special yung pagmamahal na mayroon asawa niya para sa kanya.

“When he recalls nung nabubuhay pa siya, si Shiela yung naging letter sender, mas kahanga-hanga talaga yung tiniis ng babae na yun.

“Si Tarik, sa mata ni Shi talagang espesyal din siya, isa siyang matalinong lalake, ang dami niyang ginagawa, nung college nila he writes for bulletin nung school, layout artist din siya.

“Considering his past and struggles during his childhood para sa isang taong ganun matalino siya saka malayo ang narating niya.

“He comes from a dark past which involves violence, drugs kasi wala siyang kinalakihang magulang. Nabuo yung pagmamahalan sa London, dun siya pinanganak pero as early as pinagbubuntis pa lang siya ng nanay niya, nagkahiwalay yung nanay niya saka yung kanyang Iranian-British national na father, pagbalik dito mas naging malaman pa yung istorya.

Continue reading below ↓

“Mas naging magulo, mas naging masakit, 'di lang para sa kanya. Maganda rin yung anggulo ng nanay which is being played by Agot Isidro.

�

�

REUNION WITH KAYE ABAD. Kapareha muli si Kaye mula nang huli silang mapanood noon sa seryeng Tabing Ilog, para kay John Lloyd ay parang bagong karanasan muli ngayon na magkakapareha muli sila ng aktres.

“Reunion yung pakiramdam also with Direk Eric kasi ang tagal ko nang 'di nakatrabaho si Direk Eric.

“Espesyal din naging vocal naman ako na during Tabing Ilog years din naman nabuo at naging mature ang appreciation ko para sa arts.

“Dun ako natuto na mahalin ang ginagawa ko, actually acting with her now ang laki ng parang binabalik, 'di ko maiwasan maalala yung mga kasama ko dun like sila Tito Pen [Medina?], sila Caridad Sanchez, ang sarap mag-reminisce.”

“Reminisce kami ni Kaye? Siguro today kasi nung first day namin walang time para mag-reminisce sa sobrang intense nung araw.

Continue reading below ↓

“Yung schedule grabe 'tapos karamihan ng mga mahihirap na eksena napunta dun sa first day.

“Ngayon kasi 'pag taon ang lumilipas at nakakatrabaho mo yung dati mong katrabaho, I find it so interesting kasi ibang tao na kayo, iba na ang binibigay niya sa iyo emotionally, although nakikita mo pa rin nakikita mo pa rin kung sino yung nakita mo before, kung anuman yung nakikita mo dati although ngayon mas makapal na, mas mayaman, mas interesting yung palitan.

“Malamang ibang tao na kasi because Tabing Ilog pa yun.”

�

WHY THE LONG WAIT? Pitong taon ang nakakalipas ng huli mapanood sa MMK, tinanong namin si John Lloyd kung bakit ganito katagal ang inabot bago siya uli gumawa sa MMK?

Pag-aalala ni Lloydie, “2008 yun, 'di ba? Kami ni Alessandra [de Rossi].

“Yun schizophrenia yung character, ang tagal na pala.

“Madalas kaming magkita-kita sa ABS, madalas akong manghingi na, 'O, ano istorya ninyo diyan ginagawa?'

Continue reading below ↓

“Siguro 'di lang nagsa-swak. 'Di lang schedule kasi pag schedule pag ginawan ng paraan nagaawa naman, 'di ba?

“Siguro di lang nagsa-swak yung energy, hintay ka ng hintay, siguro it took me this long. Yun naman pagtagal kasama na rin dun yung schedule, planning.

“Ganun rin siguro kaya din siya tinawag na special, it’s really special in that sense.

“'Di lang ako, I can speak for many actors and aspiring actors.

“Siyempre pag sinabi mong MMK para kang binibigyan ng title role, pag mayroon kang gustong 'di naman experiment but it’s a good break pag nabigyan ka ng MMK.

“'Di naman nag-iiba yun kahit matagal ka na sa industriya. Ang ganda ng platform at magandang venue siya para sa mga kagaya ko na naghahanap ng collaboration with new actors, new directors, new writers.

“Malaking tulong yun dahil nabibigyan kami ng opportunity in a way mai-showcase kung ano yung kakayahan kasi hindi naman madali yun, alam naman nating lahat sa isang industriya, sa isang ganito ka-competitive na industriya kaya pagka yung mga kagaya namin na uhaw sa trabaho eh talagang big deal sa amin pag nabibigyan kami ng MMK.

Continue reading below ↓

“Through the years, malaki na ang naitulong niya substantially kasi 'di lang Tabing Ilog kasi nagkataon lang na sa Tabing Ilog nandun kami linggong-linggo sa Pagsanjan nagte-taping kami.

“Ito it's a step towards maturity. Naalala ko lang noon para kang binabato sa arena, parang ganun yung dating, arena para ipakita kung ano ang mayroon ka.

“'Pag hinulog ka diyan perform ka, MMK is not something na puwede mong gawin, 'Tara, MMK ako,' 'di siya ganun e, 'di mo siya puwedeng raketin, e.

“'Di ko alam kung paano magtrabaho ang iba pero alam nila, Diyos ko, nakaka-ilang meeting na kami para sa isang episode.

“Siguro part na rin siguro dahil matagal na tayo sa industriya, kung anuman yung gaawin mo, 'di naman para maging perfectionist 'no, pero yung desire to be almost certain na maayos ang io-offer mo kasi para kang nagma-market ng pelikula, e.

�


CHOOSY WITH ROLES NOW?
Pagkatapos gawin ang The Trial at ang pelikulang Honor Thy Father (also known as Con Man, his movie with Erik Matti) ay marami na ang nakapansin na mukhang piling-pili na ang mga karakter na ginagampanan ni John Lloyd.

May ilan tuloy ang nagtatanong kung napagsawaan na raw kaya ng aktor ang mga romcom kung saan siya higit na nakilala?

Continue reading below ↓

“Parang yung desire ko to collaborate with people, with artists, with directors, parang mas nagyuyumabong itong mga nagdaang dalawang taon.

“Mas hinahanap ko mga bagong makatrabaho puwedeng on cam or puwedeng directors, writers, producers. Mas dun ako napupunta ngayon.”

“'Di naman actually ang dami kong naririnig na ganyan but it’s a big misconception. I never stop wanting to do rom-com.

“Ever since naman kahit may mga ginagawa akong rom-com in between gumawa ako ng movies like Dubai, In My Life, The Mistress. Sinong magsasawang ma-in love, 'di ba?

“Sinong magsasawang magbigay ng kilig sa ibang tao, 'di naman nawala yun. Siyempre to survive you cannot keep on doing the same thing, part of survival.”

�


BACK TO TV DRAMA?
Ngayong gumawa na siya ng Maalaala Mo Kaya episode, heto na kaya ang hudyat na magbabalik drama na sa telebisyon si John Lloyd?

“'Di naman, magkaibang bagay kasi siya, e.

“Mayroon kaming gustong gawin ni Tita Malou [Santos], mayroon silang istorya ni Ma’am Charo [Santos], gusto nila ako ang gumawa.

Continue reading below ↓

“Kung matutuloy yun at kung matutuloy according to plan yung mga naka line up, I’m gonna do a movie with Bea [Alonzo] this year.

“Pagkatapos nun kung matutuloy ang plano magti-TV ako para sa istoryang sinasabi ko.”

Huling nagkapareha si John Lloyd at Bea para sa 2012 blockbuster movie na The Mistress.


Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz worked with Kaye Abad (left frame) for the first of his four Maalaala Mo Kaya episodes. If things work out, JLC will do a movie with Bea Alonzo (right frame) within the year.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results