Pancho Magno prefers baddy roles, "Kasi pag laging good boy, parang walang pupuntahan lalo na sa akin, sa physique ko."

Pancho Magno on joining The Half Sisters cast: “Natuwa ako, na-excite ako. Natuwa ako si Ryan Eigenmann nakakatrabaho ko ulit, si Direk Mark Reyes matagal ko na gusto ulit makatrabaho.”



Nagulat si Pancho Magno noong una niyang malaman na isasama siya sa cast ng The Half Sisters.

Ito ang top-rating GMA-7 afternoon drama series nina Barbie Forteza at Thea Tolentino.

“Sabi ko, ‘Ha, papasok ako?’

“Papasok ako sabi nila six weeks. Sabi ko, ‘Sobrang tagal pa nung show na ’to, grabeng galing nila!’

“Iyon ang una kong naisip. Sabi six weeks pero sabi nila hindi pa napa-finalize, parang pinapa-reserve ako ng ganung time.

“Iyon lang... natuwa ako, na-excite ako. Natuwa ako si Ryan Eigenmann nakakatrabaho ko ulit, si Direk Mark Reyes matagal ko na gusto ulit makatrabaho.”

Bago ang The Half Sisters ay bida-kontrabida si Pancho sa Ang Lihim Ni Annasandra na nagtapos four months ago.

Hindi naman daw siya nainip sa apat na buwang natengga siya.

“Kasi yung Ang Lihim Ni Annasandra madugo yung mga eksena, pagod,” at tumawa si Pancho.

“'Tsaka ganun naman ang showbiz parang take turns so, I mean I’m happy siyempre na meron ulit akong show.

“Nakakatuwa yung role ko na parang nagpapasok sa kulungan just to...meron akong kailangang gawin.”

HONING HIS ACTING CHOPS. Kaya hindi siya maaaring punahin na porke anak ng isang GMA lady executive (na si Redgie Acuna-Magno) ay sunud-sunod ang shows ay dahil napapahinga rin naman si Pancho.

And acting-wise, napapatunayan ni Pancho na marunong siyang umarte sa harap ng kamera.

“Well, to be honest, nung una talaga hindi ko akalaing magagawa ko, na umarte. Na talagang umarte! Hindi ko akalaing magagawa ko siya.

“And then eventually nung may mga nagagawa akong scenes, sabi ko, ‘Ang sarap naman nito.’

“Na pumapasok ako sa iba’t ibang role, iba’t ibang thinking, iba’t ibang character.

“Ang sarap na may pinapagawa sa 'yo na una hindi ko akalaing magagawa ko then nagagawa ko na ngayon so parang siyempre ikaw, as an actor, ‘Ano pa kayang magagawa ko? Kaya ko pala yun!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So siyempre ikaw, ‘Feeling ko kaya ko ito, susubukan ko ito, gagawin ko ito, iwu-workshop ko ito.’

“Ganun yung naiisip ko. Nakakatuwa dahil siyempre yung mga relatives mo ngayon yung number one critic mo, 'di ba?

“Dati inaamin nila, ‘O Pancho, yung ano mo…’

“Ngayon natutuwa sila lalo na sa Annasandra kasi meron akong character dun na Awok na hindi naman siya maku-compare sa iba kasi, alam mo yun?"

On his own merits, sa kaalaman na niya ngayon sa acting, kinaya niya na maging artista.

“Well, I can’t speak for myself but sabi ng mga tao which is para sa akin sobrang thankful ako and sobrang ano pa rin ako na… bihira ko lang panoorin ang sarili ko

“Pinapanood ko siya 'pag ako lang mag-isa, pero 'pag napapanood ko natutuwa din ako na may mga nagagawa ako.”

Sa The Half Sisters ba ay salbahe siya?

“Salbahe dahil sa drug syndicate, pero hindi like killer type.”

Tutulungan niya (as Juancho) na makalaya sa kulungan si Alfred (Ryan) kahit salbahe si Alfred.

“Tinulungan ko siya dahil meron akong utang na loob sa kanya, tinulungan niya ako, so parang in return tutulungan ko siya kasi plano naming tumakas ng sabay.

“So maganda yung story.”

PREFERS CHARACTER ROLES. Ano ang mas gusto ni Pancho; salbahe ang role niya o mabait?

“Bida-kontrabida. Salbahe pero not to the point naman na sobrang salbahe.

“Yung may pinaghuhugutan hindi dahil killer o masama talaga yung ugali.

“Kasi mas nalalaro mo as an actor kasi pag laging good boy-good boy, parang yeah, walang pupuntahan lalo na sa akin, sa physique ko, parang siyempre iba 'pag meron kang transformation, alam mo yun?

“Pero masarap ring mag-good boy roles kasi iba rin yung motivation mo dun.

“Pero yung sa pagiging bad boy pero merong pinanggagalingan, yung parang psychology niya as a bad boy kung bakit siya naging ganun, yung background.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON MAX COLLINS. Sumunod naman naming kinumusta kay Pancho nang makausap namin ay ang tungkol sa kanyang lovelife.

“Okay lang.”

Kumusta sila ni Max Collins?

“Okay naman din.”

Regular daw silang nagkikita.

“Oo, I mean friends pa rin.”

Friends pa lang rin sila hanggang ngayon?

“Oo!”

Bakit hindi nagle-level up ang friendship nila sa kabila ng tsismis na may relasyon na sila?

“Siyempre sa work din, e. Pero siya, masasabi ko talaga na one of my closest friends. And parang sumunod sa family siyempre pumapasok na siya sa alam mo na.”

Dati sa isang panayam namin kay Pancho, kung siya ang masusunod ay ayaw niyang mag-sexy pictorial si Max sa FHM. Pero ginawa ito ni Max para sa March 2015 issue ng naturang men’s magazine.

Nagpaalam ba si Max sa kanya?

“Ah hindi, hindi naman. I mean siyempre kahit naman ako may mga ginawa din ako na mga...” at tumawa si Pancho na ang tinutukoy ay underwear shows kung saan naka-trunks lang siya na rumampa.

Pero lalaki siya, babae si Max.

“Sabagay.

“Nag-ano naman siya, nagsabi naman siya pero hindi ko naman makokontrol yun, e, I mean.”

Hindi siya sumubok na pigilan si Max.

“Sabi ko lang sa kanya, ‘Kung talagang gusto mong gawin 'yan, kung ready ka nang gawin mo 'yan.’

“Nasa sa kanya naman yun. And mukhang okay naman, sobrang tasteful [naman yung pictorial], in a decent manner.”

Ano ang naramdaman niya ng nakita niya ang naturang pictorial ni Max?

“Maganda, maganda...”

Wala ba siyang pagseselos na pagpapantasyahan ng mga lalaki si Max?

“Alam mo, honestly siyempre lahat ng lalaki, alam mo naman ang mga lalaki, mahirap pa rin na, alam mo yun, na isipin yung ganun.

“But sa akin nandiyan na yan e, and I mean part yan talaga ng career, hindi naman 'yan, it doesn’t define you as a person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maganda, maganda, tasteful, and yeah, decent.”

Wala raw kopya si Pancho ng naturang issue ng FHM.

“Hindi ako bumibili ng ganun, e. Kasi ano kami, Christian ako so hindi ako bumibili ng ganun. Christian kami kasi so wala akong copy.”

Nakita lang raw niya ang mga larawan ni Max sa internet.

Samantala, isa si Pancho sa mga artista ng GMA Artist Center na kasali sa Acting For Camera workshop kunsaan ang kanilang facilitator ay ang mahusay na aktres at direktor na si Ms. Laurice Guillen.

Ang iba pang mga kasali bukod kina Pancho at Max ay sina Aljur Abrenica, Benjamin Alves, Kristoffer Martin, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Kris Bernal, Louise delos Reyes, Ken Alfonso, Renz Fernandez, Abel Estanislao, Ken Chan, Stephanie Sol, Diva Montelaba, Kenneth Paul Cruz, Vince Velasco at Ryza Cenon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN