Grae Fernandez thrilled working with Daniel Padilla and Kathryn Bernardo: “Kahit sobrang sikat po nila, parang hindi mo po mafi-feel, e.”

by Nonie Nicasio
Jun 29, 2015
Grae Fernandez on working with Daniel Padilla and Kathryn Bernardo in Pangako Sa 'Yo: “Kasi, sobrang kakausapin ka palagi, 'tapos kung ano ang mga tanong mo about acting, about this, about the cast, about them… sasagutin ka nila.”


Aminado si Grae Fernandez na matinding kaba ang kanyang naramdaman nang nalaman niyang bahagi siya ng TV series na Pangako Sa ‘Yo ng ABS-CBN. Bukod daw kasi sa KathNiel ang bida sa seryeng ito ng ABS-CBN, star-studded din ang naturang TV series.

“Kinabahan po ako noong una, nang sinabi na, ‘Grae, kasama ka rito sa Pangako Sa ‘Yo.' Kasi, hindi ko pa po actually nami-meet si Kuya Daniel at saka si Ate Kath kaya sobrang kinabahan ako noon.

“Kasi parang grabe. At saka po hindi ko po kasi alam yung mga personalities nila, kung mabait ba sila.

“Pero noong nakilala ko na po sila, sobrang welcoming po sila at sobrang bait. Kaya sa set ng Pangako Sa ‘Yo ay nawala na po yung kaba ko,” panimulang kuwento ni Grae.

Napakapanayam ng PEP.ph si Grae sa Pep List Year 2 Awards Night na ginanap sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino last June 18.

Continue reading below ↓

Bahagi si Grae ng grupong Gimme 5 na kinabibilangan nina Joaquin Reyes, John Bermundo, Brace Arquiza, at Nash Aguas na nag-perform sa naturang event.

Sinabi rin ni Grae na sobra siyang natutuwa dahil after ng serye nilang Bagito ay nabigyan siya ng bagong show sa Kapamilya Network.

“Sobrang happy po at saka sobrang thankful kay God, kasi sobrang iconic po talaga yung Pangako Sa ‘Yo at para mapabilang sa isa sa cast no'n, sobrang thankful po talaga ako.

“Plus, kasi ang dami pong sikat sa cast, ang dami po talaga.

“Kumbaga, star-studded cast ito 'tapos nasali ako roon. Kaya sobrang thankful po ako,” nakangiting wika pa niya.

Pahabol pa ng binatilyo ni Mark Anthony Fernandez, “After Bagito, ito po yung second regular show ko. Kaya sobrang happy ko po talaga.

“'Tapos yung mga location po rito, sobrang exotic compared dito sa Manila. Kasi po, ang taping namin ay sa bandang Zambales.

Continue reading below ↓

“Minsan po, kapag pack-up na ang taping, I go to beaches. Kaya sobrang saya ko po talaga, kasi ang lapit ko lang talaga sa mga beach, ang daming beaches na magaganda po rito, e.”

WORKING WITH KATHNIEL. Kumusta naman nang naka-eksena na niya sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo?

Sagot niya, “Kasi, hindi ko pa po nakaka-eksena si Kuya Daniel, si Ate Kath pa lang. Na-meet ko lang po siya [Daniel] sa taping at very welcoming siya, 'tapos very humble rin.

“Pero si Ate Kath, nakasama ko na po sa mga ilang scenes, kaya medyo mas close na po kami.

“May isang scene na parang we’re gonna go swimming in the lake, sa lawa po.

“'Tapos tinutulungan ko po siya, if she’s gonna go somewhere, nandoon po kami [ni Juan Carlos Labajo], parang mga ganoon po yung scene namin.”

Masasabi ba ni Grae na kaya sikat ang KathNiel ay dahil mabait sila at marunong makisama sa lahat ng tao at katrabaho?

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, “Opo, kahit sobrang sikat po nila, parang hindi mo po mafi-feel, e.

“Kasi, sobrang kakausapin ka palagi, 'tapos kung ano ang mga tanong mo about acting, about this, about the cast, about them… sasagutin ka nila.

“’Tapos, kahit anong mga… kung anong mga gimmicks lang, ie-entertain ka nila.”

ROLE. Nagkuwento rin ang binatilyo tungkol sa papel niya sa Pangako Sa ‘Yo.

“Ang pangalan po ng character ko rito is Jonathan.

“'Tapos, parang mag-best friends po kami ni Ate Yna or si Ate Kath, Kathryn Bernardo… 'tapos seminarian po ako rito na gustong magpari.

“Magkakaroon po ako ng ka-love team dito bale,” nakangiting wika pa niya.

Anong masasabi ni Grae sa lakas ng teleserye nila?

Aniya, “Sobrang ano po, yung buong cast and crew ay sobrang thankful po talaga kami kay God and yun po, nagpapasalamat po kami sa lahat ng nanonood dahil sobrang well-received po talaga yung show.

Continue reading below ↓

“Malaki po yung expectations ng ibang tao from the past show [original version ng Pangako Sa ‘Yo], kaya sobrang thankful po na medyo nasapat naman po yung napanood nila at nagustuhan nila ito.”



MOVIE WITH RICHARD AND DAWN. Ibinalita rin ni Grae na ginagawa na niya ngayon ang pelikulang Crossroads na tinatampukan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

“Ako po yung youngest son nina Tito Richard and Tita Dawn at ako po yung pinaka energetic, ako po yung palaging nagpapatawa, ako po yung parang pinaka-full of energy sa family,” pahayag niya.

Dahil first movie niya ito, sa tingin ba niya ay magmamarka ang kanyang pagganap sa mga manonood?

Sagot niya, “Opo, sa tingin ko po kasi may ibang scenes na mas tatatak po ako. Kaya sobrang thankful po talaga ako na 'eto yung first movie ko, na ganito yung pagpasok ko sa movie.”

Sinabi rin niyang nagpapasalamat siya sa pagiging supportive sa kanya nina Richard at Dawn.

Continue reading below ↓

“Sobrang bait po talaga nila, kasi kahit mga sobrang ang sisikat na po nilang mga artista, kapag sa set po ay ang dami pong nabibigay nilang advise sa akin.

“Especially ‘pag ganoong sobrang ang dami nang years ng experience nila sa showbiz, sobrang ang dami ko pong natutunan sa kanila,” pagpapasalamat niya.



BIG BREAK? Dahil may teleserye siya ngayon at ginagawa na rin niya ang first movie niya, sa palagay ba ni Grae ay ito na ang panahon para umarangkada ang career mo?

Tugon niya, “Tungkol po sa bagay na iyan, siguro po ang masasabi ko lang po ay very thankful talaga ako kay God, kasi ang dami kong nakukuhang blessings mula sa Kanya.

“‘Tsaka sana po, wish ko na magustuhan po ng mga tao yung nagagawa kong projects para sa kanila.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Grae Fernandez on working with Daniel Padilla and Kathryn Bernardo in Pangako Sa 'Yo: “Kasi, sobrang kakausapin ka palagi, 'tapos kung ano ang mga tanong mo about acting, about this, about the cast, about them… sasagutin ka nila.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results