TJ Trinidad accepts gay role in stage play The Normal Heart

by Rommel Gonzales
Jun 30, 2015
TJ Trinidad says it didn't take long to convince to him to portray a homosexual in the local staging of the award-winning off-Broadway play, The Normal Heart. Will he be doing on stage a daring gay scene? “Naku, panoorin n'yo na lang,” he laughs.


Masaya si TJ Trinidad sa reception ng viewers sa kanilang teleserye na The Rich Man’s Daughter ng GMA.

“Oo naman, happy naman! Sa takbo ng story, number one.

“Sa pagkasulat saka yung sa reception ng audience, siyempre, yung pagtanggap nila.”

Nakausap namin si TJ sa taping ng TRMD noong Miyerkules, Junes 24 sa MegaTent sa Libis.

Gumaganap siya rito bilang si Gabriel Tanchingco at kuwento niya tungkol sa kaganapan sa TRMD.

“Kay Jade saka kay Althea, pretty much iyon yung sumabog na nga, di ba?

“Kung ipapaglaban ba nila yung relationship nila, yung status nila or will they follow the will of Oscar.

“Kami ni Pearl… si Angeline, mabubuntis ko, e!

“So iyon ang magiging next challenge namin, kung mag-i-stay ba kami ni Pearl as husband and wife ni o hindi.”

Sa teleserye, si Rhian Ramos ang gumaganap na si Jade Tanchingco at si Glaiza de Castro bilang si Althea Guevarra. Si Pauleen Luna naman si Pearl Sy-Tanchingco, si Charee Pineda naman si Angeline San Jose at ginagampanan ni Al Tantay ang papel ni Oscar Tanchingco.

Continue reading below ↓

�

AGAINST THE NORM. Isang Chinese family ang mga Tanchingco sa TRMD, at may ilang nag-iintriga na dahil isinesentro sa lesbian love ang naturang serye ay hindi masyadong naipapakita ang tunay na mga Chinese customs and traditions.

Saad ni TJ, “From the onset naman, I think sinubukan talaga nila na i-incorporate iyon sa story.

“But I think ang nangyayari is nangingibabaw talaga yung pagiging against the culture.

“It became sort of the problem of the society or not problem, parang whether or not a gay couple is accepted.

"It’s the acceptance of sexual preference as a whole in Philippine society.

"Not necessarily within a Chinese family structure.

“So, yeah, it became parang, ito yung anak, lesbian pala siya, matatanggap ba siya ng pamilya?

“Or matatanggap ba siya ng public ngayong in-out niya ang sarili niya?

“It became more along those lines, e.

“Nai-incorporate pa rin yung pagiging Chinese, but siyempre it still became parang versus the Filipino norm.

Continue reading below ↓

“Paano tatanggapin yun pag nagkaanak ka at nadiskubre mo na [lesbian pala].”

Si TJ raw kung magkakaroon ng anak na lesbian or bading ay matatanggap niya.

“Oo naman, oo naman! Nung first time pa lang na sinabi na kasama ako show na ito, inisip ko na yun.

"Siyempre may anak ako, e. Siyempre without a doubt, tatanggapin ko siya.”

Pareho daw, bakla o tomboy ay matatanggap niya.

“Kaya ko pareho, basta yung cool siya, may statement, may silbi sa community.”

�

REAL LIFE. Sa tunay na buhay ay maganda ay maayos ang pamilya ni TJ at ng misis niyang si Marga Valdes at ng dalawa silang anak. Sina Alonzo na two years and nine months old ngayon at si Renata who is one year and six months.

Si Marga raw ang nag-iisang mahal niya, wala siyang “the one that got away” na tulad ni Gabriel sa TRMD.

“Wala, wala. Ito yung hinabol ko talaga, para hindi na ma-get away,” ang nakangiting sinabi pa ni TJ.

Continue reading below ↓

Sa TRMD, arranged marriage sina Gabriel at Pearl. At ang babaeng tunay na mahal ni Gabriel ay si Angeline, pero hindi niya nakatuluyan.

Maari bang isakripisyo ng isang lalaki ang marriage niya to be with the one he truly loves?

Lahad ni TJ, “Ah, siguro sa status ni Pearl at Gabriel, let’s just say wala pa silang anak, puwede pa siguro.

“Kasi pag may anak na kayo, hindi na tungkol sa inyo yun, e.

“It’s about the children, wala naman silang kasalanan, e.

“‘Tapos parang magiging selfish ka na pag ganun so…”

Ano ang pinaka-challenging na eksena ang ipinagawa na sa kanya ni direk Dominic Zapata sa TRMD?

“So far, it’s just the… yung confrontation ko kay Oscar.

“Yung sinabi ko sa kanya na mali siya, kasi siyempre ako yung ginu-groom na maging next head ng family, pagkatapos niya.”

Mag-ama sina Gabriel at Oscar sa TRMD.

“May tiwala siya sa akin na hindi ako dapat magkamali at hindi ko sila dapat bigyan ng problema.

Continue reading below ↓

“E, pagkatapos ko naman siyang i-confront, sinabi ko sa kanya yung tungkol kay Angeline.

“Mas naging problematic siya, sila ni Amanda [Glydel Mercado].”

Hindi naranasan ni TJ ang mga naging karanasan ni Gabriel.

“Hindi naman, siyempre may mga experiences tayo sa magulang natin pero hindi naman ganung klase, hindi ganung kabigat.”

�

PLAYING GAY ON STAGE. Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganap bilang isang bading si TJ sa stage play na The Normal Heart na mapapanood on July 3, 4 and 5 sa Carlos Romulo Theater sa RCBC Plaza sa Makati City.

May gagawin ba siyang daring at kaabang-abang?

“Naku, panoorin n'yo na lang,” at tumawa si TJ.

May kissing scene ba siya sa kapwa niya artistang lalaki sa naturang play?

“Baka, baka,” ang nakangiting pag-iwas pa rin ni TJ na pagbibigay ng detalye tungkol sa kanyang mapangahas na papel.

Isang off-Broadway noong 1985 tungkol sa gay life at sa AIDS, ang The Normal Heart ay ginawa ring TV-movie ng HBO na pinagbidahan ni Julia Roberts.

Continue reading below ↓

Ipinalabas ito last year sa HBO premium pay cable at nagtamo ng awards sa Emmy.

Ang ginampanan ni Taylor Kitsch sa pelikula ang gagampanan ni TJ. Ang kanyang character na si Bruce Niles ay isang investment banker na closet gay.

Paano nakumbinsi si TJ na gumanap bilang bading for the first time?

“No, no, hindi naman kailangang i-convince.

“I like the movie so iyon lang yun, maganda talaga yung play.

“Hindi naman siya ganung ka-ano, e,” paliwanag pa niya tungkol sa pagiging sexy and daring ng kanyang papel sa nabanggit na stage play.

Sa pelikula ba ay walang naging offer sa kanya to play a gay character?

“Wala.”

Kung sakaling indie movie na may gay love scene, okay ba sa kanya?

“Depende sa script. Lagi ko namang sinasabi, depende sa script.”

Bukod sa The Rich Man's Daughter at sa The Normal Heart ay may pelikula si TJ na ayon sa kanya isasama sana sa Metro Manila Film Festival.

Continue reading below ↓

Ito ay ang horror film na Hawa ng Regal Entertainment, Inc. at Reality Films. Isa raw itong zombie movie na tulad ng World War Z ni Brad Pitt.

“One story lang pero three timelines. Hindi siya story na iba-iba, one story lang.

“So ako yung sa last story. Kasama ko si Khalil Ramos saka si Julia Clarete at si Abra.”


Read Next
Read More Stories About
TJ Trinidad, GMA-7, `
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TJ Trinidad says it didn't take long to convince to him to portray a homosexual in the local staging of the award-winning off-Broadway play, The Normal Heart. Will he be doing on stage a daring gay scene? “Naku, panoorin n'yo na lang,” he laughs.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results