Mike Tan gets positive feedback for his gay role in The Rich Man's Daughter

by Rose Garcia
Jun 30, 2015
Mike Tan on playing the role of Paul in The Rich Man's Daughter: "Sa lahat nga ng ginawa ko, ito ang pinakaiba. At saka, dito ako nakakapag-explore. Gusto ko yung lalim ni Paul. Gusto ko rin yung mga struggles niya. Gusto ko rin yung mga paghihirap na nabibigay niya sa akin."

Maraming magagandang feedback ang natatanggap ni Mike Tan para sa kanyang gay role sa GMA primetime series na The Rich Man’s Daughter.

Pahayag naman ng Kapuso actor tungkol dito, “Naku po, baka napansin lang nila!

“Tingin ko… una sa lahat, magpapasalamat ako sa role na ibinigay sa akin.

“Dahil kung hindi dahil sa role na ito, hindi nila ako mapapansin.

“Kasi dati naman, ang mga ginagawa ko, same and usual lang.

“Kung anong typical na nakikita nila sa akin, yun lang din ang ginagawa ko.

“Unlike now, may edge yung pag-arte.

“Kumbaga, siyempre kailangan kong umarte bilang bading, yung tago.

“Hindi all the time bading, pero somehow, maipapakita mo pa rin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Mike sa taping ng The Rich Man’s Daughter noong June 24 sa Mega Tent, Libis, Quezon City.

EMBRACING PAUL. Sa The Rich Man’s Daughter, ginagampanan ni Mike ang papel ni Paul, ang pangalawa sa tatlong magkakapatid ng pamilya Tanchingco.

Continue reading below ↓

Dahil sa reputasyon ng kanilang pamilya ay hindi magawang ilantad ni Paul ang kanyang tunay na pagkatao.

Mas naiintindihan na ba niya ngayon ang mga bading dahil sa karakter na ginagampanan niya?

Ayon kay Mike, “Hindi naman din nagbago ang tingin ko sa kanila, ganun pa rin naman.

“Hindi ko rin naman maipagkakaila na meron akong mga kaibigang bading at may mga kamag-anak din akong bading.”

Natawa naman si Mike nang tanungin namin kung gaano niya kamahal ang karakter niya bilang si Paul.

“Mahal na mahal ko ang role ko dito!

“Kasi, sa lahat nga ng ginawa ko, ito ang pinakaiba.

“At saka, dito ako nakakapag-explore.

“Gusto ko yung lalim ni Paul. Gusto ko rin yung mga struggles niya.

“Gusto ko rin yung mga paghihirap na nabibigay niya sa akin.

“Kasi minsan, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

“Minsan may mga eksena na, anong gagawin ko, tapos may mga eksena kami ni Bryan Benedict na, 'Saan ko ba huhugutin ang emosyon dito?'

Continue reading below ↓

"Never ko pang na-experience, e."

Read Next
Read More Stories About
Mike Tan
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mike Tan on playing the role of Paul in The Rich Man's Daughter: "Sa lahat nga ng ginawa ko, ito ang pinakaiba. At saka, dito ako nakakapag-explore. Gusto ko yung lalim ni Paul. Gusto ko rin yung mga struggles niya. Gusto ko rin yung mga paghihirap na nabibigay niya sa akin."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results