Glaiza de Castro overwhelmed by response of female viewers to The Rich Man's Daughter

Glaiza de Castro on response of female viewers to TRMD, "Ang daming sumusulat sa akin, email... Mga letters talaga na finally, may nagre-represent sa kanila. May iba talaga na, 'Ate Glai, hindi niyo po alam ang impact na ibinibigay niyo sa amin...'”


Hindi raw nangangamba si Glaiza de Castro na baka umusbong na naman ang isyung kesyo tomboy siya dahil sa epektibo niyang pagganap bilang lesbian sa GMA primetime series na The Rich Man’s Daughter.

Ang pinag-uugatan nito dati ay sa dahilang walang mababalitang lovelife niya.

Natatawang sabi ni Glaiza tungkol dito, “Well, siyempre kung alam mo naman ang totoong pagkatao mo, wala ka namang dapat ikatakot.

“Pero ang isa sa mga bagay na ikinatuwa ko dito sa show na ‘to, yun nga, iba kasi ang tema niya.

"Matagal na rin itong hinintay ng mga tao, especially yung kagaya nila Althea, Batchi [Chynna Ortaleza], Wila [Katrina Halili], hindi ko nga po in-expect.

“Parang, in a way, nag-summon kami ng mga tao na for the longest time, discreet lang naman sila.

“Hindi naman sila yung tipong all-out na maa-identify agad natin.

“Pero nakakatuwa, ang daming sumusulat sa akin, email or kapag nagmo-mall show ako.

“Mga letters talaga na, finally, may nagre-represent sa kanila.

“Grabe talaga, as in after ng mall show, tinitingnan ko ang mga letters nila, sometimes nagiging emotional ako.

“May iba talaga na, ‘Ate Glai, hindi niyo po alam ang impact na ibinibigay niyo sa amin. Tuwang-tuwa po kami, may mga tao pa na sinasabi nilang hindi kasi sila tanggap, parang wow!'” lahad niya.


ROLE MODEL. Kumusta naman siya ngayon sa mga lalaki. Mas naging “attractive” ba ang dating niya sa mga ito?

“Hindi ko nga po napapansin kasi ngayon, Babae Power!” natawang sabi ni Glaiza.

Pahayag pa niya tungkol sa role niya sa TRMD, “Sa totoo lang, si Althea, marami siyang qualities na nilu-look up ko sa kanya as Glaiza.

“Confident siya, ‘tapos talagang yung moves niya, swag, smooth!

“Sa totoong buhay kasi, hindi ako ganun.

“In a way, nahahatak ako ng character ni Althea to be more confident, to be more outspoken.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“To be more embracing sa pagkatao ko… I mean, sa kung sino talaga ko.

“Siya kasi, walang pakialam sa kahit anong sabihin ng tao sa kanya.

“Kung babae man ang gusto niya, yun siya, e.

"Ever since ipinakilala ang character niya, yun na siya.”


GIFTS. May nagpaparamdam sa kanyang mga lesbians ngayon?

Saad ni Glaiza, “Hindi ko naman sasabihing nagpaparamdam kasi kung nagpaparamdam or nanliligaw, ipu-pursue ka talaga.

“Sabihin na lang na humahanga…

"Kasi since I started doing mall shows for Synthesis, nao-overwhelm ako sa mga reaction ng mga tao.

“Parang every mall show, Pasko sa akin kasi nga may mga gifts!”

Ano ang mga kadalasang regalo sa kanya ng supporters niyang babae?

“E, kasi may nag-tweet sa akin kung ano raw ang comfort food ko, so nagsabi ako na Hello Panda at saka Pepero.

“Hayun, bumuhos ng Hello Panda at Pepero… merong iba naman, gawa nilang art works, bears, pillows.”

Dahil marami na nga ang humahanga sa kanya na kapwa niya babae, hindi kaya isang araw, magising siyang nagkakagusto na rin sa kapwa niya babae?

Pahayag ni Glaiza, “Nasabi ko naman dati na yung sexuality, it can happen to everyone.

“Kahit sinasabi kong hindi, baka mamaya kainin ko yung sinasabi ko, di ba?

“So far naman, I think, meron akong malakas na paninindigan at alam kong hindi ako masu-sway.

“Pero let’s see.”


TIMELY. Tila napapanahon talaga ang primetime series na The Rich Man's Daughter dahil sa pagsasa-legal ng same-sex marriage sa lahat ng states sa Amerika.

Napakaepektibo ni Glaiza bilang isang lesbian lover, mahal na niya ang karakter niya?

Sabi niya, “Noong umpisa pa lang, minahal ko na siya, kasi hindi ko siya mapu-portray nang maayos kung hindi ko siya mamahalin.

“Kahit na sabihin natin na hindi ako sigurado noong umpisa kung paano ko siya ipu-portray.

“Pero habang nagti-taping kasi kami, lalo ko siyang nakikilala, naa-at ease ako sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At siguro, yun ang masarap na proseso sa pagiging actor.

“Kapag nagiging fluid na, seamless na ang portrayal as an actor, for me, achievement yun.”

Kung si Glaiza ang tatanungin, kanino dapat mapunta si Jade sa ending—kay Althea o kay David?

“Kay Althea,” mabilis niyang sagot.

“Nakikita ko yung paghihirap nilang dalawa, e.

“Bakit mo pipigilan si Jade na makasama ang gusto niya para lang mag-conform dun sa paniniwala ng karamihan na tama.

“Kasi feeling ko, habang buhay niyang pagsisisihan yun, kahit na sabihin nating ito ang sabi ng iba na tama.

“At saka siguro, alam ko ang struggle nila at pinagdadaanan ng characters nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN