Dominic Zapata not second choice to direct Marimar remake; all for SPG rating of The Rich Man's Daughter

Direk Dominic Zapata on SPG rating of The Rich Man's Daughter. “Kasi if you’re fourteen years old and you’re a girl... Tapos nanonood kayo ng TV, may best friend ka na babae, mag-iisip ka, ‘E, mahal ko rin ito!’ Baka may confusion, baka they’re really not lesbian. We’re trying to open minds... But we don’t wanna open minds in a different or in the wrong manner.”


Hindi raw aware ang director ng The Rich Man’s Daughter na si Dominic Zapata sa issue na second choice lamang siya na idirek ang 2015 remake ng Marimar nina Megan Young at Tom Rodriguez.

May balita kasing ang unang choice ay si Joyce Bernal, na siyang direktor ng Marimar nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na umere noong August 2007 at natapos noong March 2008.

Saad ni Direk Dominic, “Ay, kung siya talaga, dapat naman siya, kasi sa kanya yung unang Marimar, e, marami na siyang learnings.

“Hindi ko alam, pero okay naman...

"Kung yung sinasabi nila naihian na 'tapos inayawan? Walang isyu sa akin yun, okay lang yun.

“Sa akin, yung trabaho, kung ibinigay sa akin, I just make sure na… actually nakita ko si Direk Joyce kagabi, e.

“Sabi ko sa kanya, ‘Direk, uy, ako ire-remake nung gawa mo, ha?’

“Sabi ko pa, ‘Pipilitin kong pagandahin pero huwag mong lalalitin pag may hindi ka nagustuhan, ha?

“‘Tawagan mo na lang ako ‘tapos sabihin mo sa akin kung ano yung dapat kong ginagawa.’”

Hindi raw isyu kay Direk Joyce kung kay Direk Dominic napunta ang Marimar.

“Parang ang narinig ko lang, parang sabi niya, ‘Nagawa ko na dati ‘yan,’ so parang, ‘Ipagawa niyo naman sa iba.’

“Parang ganun yata.”


CAMPY MIRAMAR. Ano ang challenge sa kanya ng bagong bersiyon ng Marimar?

“A, wow!” bulalas ni Direk Dominic.

Na may susundan siyang Marian/Dingdong.

“Oo, isa na yun! Pero iniisip ko na lang na hindi ito kasi about just one actor na yung pinapalabas natin.

“I think, when I watched a bit of Marimar, it wasn’t just about Thalia, it wasn’t just about Sergio.

“I think, in fact, it’s more about a whole show that’s campy.

“Kasi ngayon medyo parang matagal na tayong hindi gumagawa ng campy na soap, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ibalik natin yung campy because I think it’s part of our culture.

“Kahit nung ginagawa natin yung Darna, campy!”

May babaguhin ba siya sa Marimar?

“Siguro babaguhin natin yung production niya, ang dami na kasing developments since the last time.”

May balitang ang orihinal na Mexicanovela na Marimar nina Thalia at Eduardo Capetillo, na ipinalabas noong 1997, ang mas gagayahin ni Direk Dominic.

Sabi ng Kapuso director tungkol dito, “Actually, hindi rin, e.

"The truth is, kami nung writer, hindi namin pinanood either.

“Yung kung ano lang yung nakita mo noon, at saka yung character sketch, yun ang medyo susundan mo.

“Only because iyon yung… hindi ka papayagan ng the owner of original franchise, lahat naman pina-approve.

"Pero hindi masyado naman tumaliwas dun sa mga kagustuhan nila, otherwise, hindi kami mabibigyan ng approval, e.”


COOL VS. HUGGABLE. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Dominic sa taping ng The Rich Man’s Daughter noong June 24, sa MegaTent Libis.

Hiningan namin siya ng opinyon tungkol sa pagkakaiba ng kuwento tungkol sa mga bakla at sa buhay ng mga tomboy.

Si Dominic din ang direktor ng phenomenal hit na My Husband’s Lover (2013), na kuwento ng mga gay men na pinagbidahan nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

Ang The Rich Man's Daughter naman ay kuwento ng mga lesbiyana na pinagbibidahan nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro.

Saad ng direktor, “I would think there’s a slight difference.

"In terms of dun sa when it’s about gay men, may fondness.

“I have to be honest, nung nakita nila yung TomDen, ‘Ay, love ko sila! Gusto ko silang mayakap!’

“Ito, The Rich Man’s Daughter, parang, ‘Nakakaaliw sila, gusto ko silang panoorin, pero parang hindi sa point na mayakap.’

“I still have to understand it, maybe it’s because also yung may angas factor yung pagiging lesbian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro, kapag when you’re gay kasi, even gay people, they hold hands, they hug each other.

“Yung lesbians naman hindi, medyo cool sila, especially in public.

“Maybe it’s also a behavior that reflects the way they behave physically, ganun din yung behavior ng fans.

“But I’m glad there’s no aberration, yung wala silang ayaw na nagaganun sila, as I see it, ha?


FRESH MARKET. Interesting din daw na humahakot ng manonood sa Internet ang The Rich Man's Daughter.


“What I’m more interested in is mas pinapanood siya on the Net than on television.

“Actually, parang pareho, pero parang ganun, iyon yung behavior ng ano… it reaches out to a certain market, to a fresh market.

“Typically, when I ask them, ‘Hindi po talaga ako nanonood ng soap, e. Pero ito pinapanood ko po siya pagkatapos po ng trabaho ko sa umaga.’

“Same as, may lalapit, ‘Hi Sir, pinapanood ko po yung show niyo. Pero hindi kasi ako nanonood ng TV, nanonood lang ako sa YouTube.’

“And I realize, ‘A, okay! Una, nung nanood ka man, hindi ka lumabas sa ratings.’

“Pero that would be the network’s concern, ang concern ko may naabot ako, may nakaunawa nito.

“Or may nabuksan na puso o may taong naramdaman na, ‘Uy, salamat, ginawan niyo ng show kami.’

“Kasi typically, ganun.”


MIND-OPENER. Sa My Husband's Lover noon ay maraming closet gays ang nag-out kay Direk Dominic, pero sa The Rich Man's Daughter ay iba raw ang sitwasyon.

Kuwento ng direktor, “Just a few days ago, yung kaibigan ko, tumawag sa akin, ‘Dom, may pinagdadaanan ako.’

“Babae, ha? Sabi ko, ‘Ano?’

"Sabi niya, ‘Clue.’

"‘Ano?’

"‘The Rich Man’s Daughter.’

"Sabi ko, ‘Oh!’ 'Tapos sabi ko, ‘Ikaw?’

“‘Hindi, yung anak ko. Fourteen years old.’

“So, dun ko na-realize, talagang kailangan pa rin ng guidance ng magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, if you’re fourteen years old and you’re a girl, and you have this best friend, tapos nanonood kayo ng TV, may best friend ka na babae, mag-iisip ka, ‘E mahal ko rin ito!’

“Baka may confusion, baka they’re really not lesbian, they just feel like, ‘Wala na akong mas mahal na tao kesa dito sa BFF ko!’

“There maybe some confusion, so agree ako na meron tayong ganun, na merong ratings na SPG or PG, kasi mahalaga yun.

“We don’t wanna confuse people... we’re trying to open minds right now.

“But we don’t wanna open minds in a different or in the wrong manner.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN