Jay Taruc focuses on motorcycle culture in the Philippines via Motorcycle Diaries: Live The Ride

On its fourth year and beginning a new season, Motorcycle Diaries: Live The Ride, which is hosted by Jay Taruc focuses on more on growing the motorcycle culture and number of riders in the Philippines.



Sinimulan na ang bagong season ng�Motorcycle Diaries, ang travel magazine-documentary show hosted by Jay Taruc sa GMA News TV.

Ika-apat na taon na ng nasabing programa at para sa bagong season nito, tinawag itong Motorcycle Diaries: Live The Ride.

“We’re trying to put emphasis on the ‘motorcycle’ and we’re starting to connect with the motorcycle builders,” simula ni Jay sa pocket press conference na ginanap nitong Huwebes, July 2, sa GMA Network Compound.

“Marami kasing magagaling na Pilipino na nagmo-modify ng motorsiklo and yung mga races, we’re starting to cover them also.”

Nilinaw naman ng Kapuso reporter-host na hindi pa rin mawawala ang pagiging dokumentaryo ng programa na mapapanood sa GMA News TV tuwing Huwebes, 10:00 PM.

“Leaning towards the motorcycle side ng programa, but the documentary part, the stories are still there.”

Ibinigay niyang halimbawa ang paggamit ng motorsiklo bilang kapalit sa mga baka na ginagamit sa paglalako ng mga kagamitan at muwebles na gawa sa rattan.

Tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya, hindi kaya maging limitado masyado ang mga paksang tatalakayin sa news and public affairs program kung magfo-focus sila sa motorcycle culture?

“Itong bagong Motorcycle Diaries, dito kami nag lean on motorcycle part ng programa kasi in the past, nakakakuha kami ng feedback na parang, ‘Mga riders kami, mahilig kami sa motorsiklo, pero hindi namin nakikita yung aktwal na ginagawa ng riders [sa programa].’ So pinakinggan namin sila.

“Tapos may mga feedback kami na parang yung talent, yung creativity ng mga Pilipino sa motorcycle customization, is a new thing sa motorcycle.

“Sa Japan makakakita ka, [at] sa Europe.

“So ngayon ang mga Pilipino, nakakasunod sa gano’n, so ine-emphasize namin do’n sa programa, may mga sub-cultures din ng motorsiklo.”

Binanggit din ni Jay ang itinampok nilang mag-asawa na iniikot ang Pilipinas sa pamamagitan ng motorsiklo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May na-feature kami, walang ginawa ang couple na ito kundi mag-travel around the Philippines na naka-motor.

“And kanilang tagline naman, ‘Together we ride.’ Tamang-tama sa passion ng motorsiklo. Yung bonding ng mag-asawa nabubuo sa gano’n.”

Asahan din daw ang pagpi-feature nila ng mga expeditions sa nasabing show, sa loob at sa labas ng bansa.

“We’ve done stories on expeditions, like Manila to Bicol.

“Yung two weeks after Yolanda we rode all the way to Bicol, Samar.”

Pagdating naman sa ibang bansa, nagawa na rin daw ni Jay na mag-motorsiklo mula Malaysia hanggang Indonesia na inabot ng 2,000 kilometres ang biyahe.

“Ang layo no’n sobra. And dun ko naramdaman yung pain ng talagang ride. 52 hours. Tuloy-tuloy.

“Kung magpahinga, 30 minutes sa kalye.

“Yun ang parang 1st anniversary, so we had to do that.”

Naging tradisyon na raw sa kanilang programa na magkaroon ng out-of-the-country riding kada anibersaryo.

“Last year we were in Europe. Ang naging travel natin, from Austria, [to] Munich, Germany and then all the way down to Italy.”

Noong ikalawang taon nila, sa India naman daw sila napadpad.

“We also want to show our public our viewers, mahilig ka motorsiklo, you can do this.”

Ngayong taon, ikinokonsidera nila ang United States o kaya naman ay Japan.


LEARNING EXPERIENCE. Malapit sa puso ni Jay ang Motorcycle Diaries dahil isa siyang rider enthusiast.

Nabubuksan din ang kanyang kamalayan dahil sa iba’t ibang karanasan, maging sa personal na aspeto.

Gaya na lamang noong pilot episode ng bagong season ng show.

“Nagkaroon kami ng bonding with my son. Inangkas ko siya and we went around different parts of Metro Manila. Naglaro kami, nag-obstacle course. We went to this burger joint.

“Nagiging tool, instrument din ang motorsiklo para makapag-bond ang pamilya.

“We’re trying to paint a picture na ang presence ng motorcycle culture, nandito na sa atin. It’s really interesting.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaya ng mga motorcycle riders, may nga karanasan din si Jay sa kalsada na narararanasan din ng mga karaniwang motorista.

“May mga experiences din ako sa kalye na minsan pipinahan ako, minsan bubusinahan ka, pero wala ka namang pupuntahan, o di kaya gigitgitin ka.

“I think part na din 'yan ng riding culture; kotse, motorsiklo, bus, especially ibat-ibang klase ng transportasyon iba-ibang klase talaga.”

Ibinahagi rin ni Jay ang karanasan niya sa India para mapagtanto niya na may mga lugar na mas malubha ang trapiko kesa sa Pilipinas.

“Nagkaroon ako ng relief nung nagkaroon kami ng chance to ride sa India sa New Delhi, sobrang chaotic ng traffic nila doon, halos lahat.

“99 percent hindi sumusunod sa batas trapiko, sala-salabat, tapos busina sila nang busina.

“Dun ako nagandahan sa sistema ng ating kalye. Kinabahan kami no’n.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN