Jolina Magdangal excited to work with "pogi" co-stars Sam Milby and Piolo Pascual: “Siyempre kinikilig pa rin ako.”

Jolina Magdangal on working with Sam Milby and Piolo Pascual for the first time in new ABS-CBN teleserye, Written In Our Stars: “Alam n’yo kahit siguro ang tagal ko na rin sa industriya 'tapos kapag nakakapagtrabaho ako sa mga poging katulad nila, siyempre kinikilig pa rin ako. Wala namang masama dun, 'di ba? Kasi ganun talaga, girls tayo, 'di ba? Aminin na natin.”



Pakiramdam ng PPL Entertainment artist na si Jolina Magdangal ay nagkaroon ng panibagong sigla ang career niya sa pagbabalik niya sa ABS-CBN.

Pawang magagandang projects kasi ang napupunta sa kanya. Simula nang maging Kapamilya ulit siya ay isang panghapong teleserye agad ang sumalubong sa kanya kasama ang dati niyang ka-loveteam na si Marvin Agustin, ang Flordeliza.

Halos nakasabay din ito ng pagiging isa sa mga celebrity performer niya sa Your Face Sounds Familiar, kung saan pumanglima siya sa ranking bago ang grand showdown.

Pero hindi pa man natatapos ang Flordeliza, heto’t may isa na naman siyang bigating teleseryeng gagawin sa ABS-CBN sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang Written In Our Stars.

Excited si Jolina dahil ang co-stars niya rito na sina Piolo Pascual, Sam Milby, at Toni Gonzaga ay first time niyang makakatrabaho sa isang teleserye.

Sabi nga ni Jolens, “Talagang masayang-masaya po ako na napasama po ako sa project na ito.

“This is my first time to work with Dreamscape, so happy po ako talaga. First time ko sila [co-stars] makasama.

“Siguro 'pag may shows lang like si Toni, si Papa P sa ASAP. Pero 'eto sa soap opera first time ko silang makakasama.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Jolina sa media announcement na inorganisa ng Dreamscape at ABS-CBN para sa Written In Our Stars na ginanap noong Hulyo 3 sa ELJ Building, ABS-CBN compound. Nakasama ni Jolina sa event sina Piolo, Sam, Toni, ang direktor nilang si Andoy Ranay, at ang scriptwriter na si Keiko Aquino.

RIGHT TIMING. Naniniwala rin si Jolina sa right timing kaya nangyayari ang lahat ng ito sa kanya.

“Siguro timing nga rin lahat e, na nanganak na ako, 'tapos naka-recover na ako, puwede na akong mag-workout, yung mga ganun.

“Kasi 'pag CS [Caesarean section] hindi naman agad-agad, 'di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, timing ang lahat. 'Tapos bumalik ako dito sa ABS-CBN. 'Tapos yung first show na ibinigay sa akin with Marvin, na kumportableng-kumportable talaga ako, 'tapos Direk Wenn [Deramas].

“And itong second [teleserye], first time kong makaka-work yung Dreamscape, na nung dati naririnig ko pa lang, nag-imagine rin ako na gusto ko silang maka-work, parang ganun.

“Ngayon na nangyayari lahat ito, in a way nao-overwhelm pa ako, e.

“Pero lately napapansin ko, lalo na eto dumating itong show na ito, sobrang thankful ako talaga and patuloy pa akong magiging thankful sa lahat ng pagmamahal na ibinibigay sa akin ng ABS ngayon.

“Ilang taon din akong nawala, 12 years din iyon, so pagbalik ko sobrang sarap ng feeling.

“Akala ko lang yung feeling ng pagbalik masayang-masaya na ako noon e, pero yung ibinibigay pa nila more pa.

“Kung mayroon pang hihigit sa thankful at grateful, yun siguro yung puwede kong sabihin kasi masayang-masaya talaga yung kalooban ko.

“And happy ako na itong susunod kong soap, sila yung katrabaho ko, na hindi ko akalain na makakatrabaho ko,” pagpapasalamat niya.

EXCITED TO WORK WITH HER CO-STARS. Ano ang pakiramdam na makakatrabaho ni Jolina for the first time sa isang teleserye ang dalawa sa pinakaguwapo at itinuturing na heartthrobs sa showbiz na sina Piolo at Sam?

Ayon kay Jolina, “Alam n’yo kahit siguro ang tagal ko na rin sa industriya 'tapos kapag nakakapagtrabaho ako sa mga poging katulad nila, siyempre kinikilig pa rin ako.

“Wala namang masama dun, 'di ba? Kasi ganun talaga, girls tayo, 'di ba? Aminin na natin.

“Pero ang nakakatuwa roon, kilala na namin sila, at alam namin na magagaling silang mga aktor. Pero nakakatuwa na ang popogi nila.

“Kasi pangit naman yata kung kinikilig ka sa pangit, 'di ba? So, masaya ako na first time kong maka-work sina Sam at Piolo sa soap. So happy ako na pogi sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pabirong tanong tuloy ni Piolo, “Hindi ba pogi si Marvin?”

“Oy, wala akong sinabi ha?” agad namang depensa ni Jolina.

“Wala akong sinabi.”

Pinuri ni Toni si Jolina, na naging idolo niya raw sa comedy. Ano naman ang masasabi ni Jolina kay Toni?

“Ako sobrang nagagalingan ako kay Toni.

“Napapanood ko yung mga movies niya.

“Nagagalingan ako sa kanyang mag-host, kumanta, at saka umarte kahit drama ha, drama-comedy, kasi natural, e.

“And siguro sabi nga nila, mas mahirap daw magpatawa, e, kaysa magpaiyak lalo na dito sa atin sa Pilipinas, so para makapagpatawa ka nang ganun dapat talaga sobrang natural, and nakita ko iyon sa kanya.

“Kaya happy ako na nagkaroon kami ng project together,” pahayag pa niya.

Tried and tested na ang chemistry nina Toni, Piolo at Sam sa isa’t isa dahil nagkasama na sila sa ilang proyekto sa pelikula at telebisyon lalo na sa ASAP, kung saan regular hosts ang tatlo. Ano ang challenge kay Jolina sa unang pakikipagtrabaho sa tatlo sa teleserye?

“Nae-excite nga ako, kasi parang… dahil first time ko silang makaka-work sa isang soap opera parang gusto ko na agad mag-taping.

“Pero 'pag naiisip ko yung istorya kasi at magagaling silang mga artista, alam ko na walang hirap na mangyayari o mararamdaman.

“And siguro natural na lang lalabas kapag magaling naman na mga artista ang kasama mo, e.

“Kaya imbes na challenge ito, naiisip kong mas exciting na magkaroon ng mga eksena kasama sila,” pahabol pa ni Jolens.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN