Meet aspiring boy band members of To The Top (Team A)


Ang To The Top ang pinakaunang boy band search sa telebisyon na mapapanood sa GMA-7 tuwing Sabado at Linggo simula July 25.

Si Ryan Cayabyab ang main judge ng To the Top.

Vocal coaches naman sina Moy Ortiz, OJ Mariano at Sweet Plantado ng The Company.

Choreographers ang Philippine All Stars (D’ Crew) na sina Prince Paltu-Ob, Madelle Enriquez-Paltu-Ob at Jesse “Reflex” Gotangco.

Sound Squad (musicians, arrangers, and sound engineers) sina Jonathan Ong, Chino David, Brian Lotho, Chris Anthony “Tony V” Vinzons.



MEET TEAM A. Sa media launch ng naturang multi-platform show, nahati ang mga contestants sa tatlong teams at nagpakitang gilas silang bilang song-and-dance groups.

Nagwagi ang Team C laban sa Teams A and B.

Una naming nakapanayam ang anim na kasapi sa Group C.

(Read: Meet aspiring boy band members of To The Top - Team C)

Ang Team A naman ay binubuo nina AJ Ajrouche, Louie Pedroso, Luis Gragera, Bryan Olano, Chris Yumang atLance Busa.

BEIRUT BOY. Taga Beirut (capital ng Lebanon) ang half-Filipino at half-Lebanese na si AJ Ajrouche.

“I’m sorry po but I’m not very good in Tagalog,” ang tila nahihiyang sabi sa amin ni AJ, isang singer sa Lebanon.

“I came here po because I wanted to do my album and then I found this opportunity to join this competition and so far, I’m here.

Hindi pa raw tapos ang album ni AJ.

“We wanted to start [on the album] but this competition started so we put it on standby,” paliwanag niya.

Pinay ang ina niya at Lebanese ang ama ni AJ.

“I came here in August [of last year]. I live here with my brother. I stay in Eastwood. My parents are in Lebanon, they’re working but they will be here soon.

“I find both countries very nice but I love the Philippines, I really love the Philippines. I’ve been dreaming to come here.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ve been here po like eight years ago and ever since that time, I really wanted to stay here in the Philippines, but my grandparents missed us so we had to go back.

“And then my parents decided to send me here because I’m a performer from Lebanon. I do shows and gigs almost every two days.

“So they wanted to send me here to continue my album or just do my new album and send it to Lebanon and brand it around the Middle East.”

Plano rin ni AJ na ma-release sa Pilipinas ang album niya.

“Our company, Rank One Productions, will brand it and will send it to different countries here in Asia and the Middle East.”


SONGWRITER-TURNED-CONTESTANT. Unang pagsali bilang performer sa isang contest ni Louie Pedroso, pero marami na siyang sinalihang songwriting contests.

“Mga songwriting contest lang po sa bahay namin pag Christmas, mga ganun po.”

Sino ang crush niya sa showbiz?

“Si Solenn Heussaff po. She’s pretty tapos medyo morena po siya.”

Kapag hindi nanalo si Louie sa To The Top, ano ang gagawin niya?

“Siguro po I’m gonna keep pursuing and trying to make it to the entertainment business.”


STRIKE WHILE THE IRON IS HOT. Idolo ni Luis Gragera sina Ogie Alcasid at Gary Valenciano.

Fourth year high school graduate si Luis sa NCBA (National College of Business and Arts). Plano niyang kumuha ng Mass Communication o Tourism sa college.

“Sa Tourism po kasi parang walang Math,” at tumawa si Luis.

“Saka marami po akong tropa na nag-Tourism kaya ayun po, naimpluwensiyahan rin akong mag-Tourism.”

Marami na raw sinalihang contest si Bryan tulad ng X-Factor Philippines at Protege.

“Puro po shortlisted, ngayon lang po ako pinalad na makapasok po.”


FOR DAD. Iniaalay ni Bryan Olano ang anumang mararating niya sa kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya po kasi talaga ang nagpu-push sa akin sa mga ganito. Bata pa lang ako sinasali na niya ako sa mga contest sa TV, ganyan po.

“Tapos biglang namatay, mga seven po ako. Tapos iyon, tinapos ko po muna yung pag-aaral ko. Nursing graduate po ako sa Cabanatuan City po, sa Wesleyan Philippines.”

Hindi pa nakakapag-board exams si Bryan.

“After ko pong gumraduate, nagdire-direso na po yung mga sinalihan ko pong contest.

“Pero meron naman po akong fallback kung sakaling hindi para sa akin ito.”

Nagsusulat ng rom-com books si Bryan para sa Viva-PSICOM, isang publishing company na nakilala sa paglabas ng Diary ng Panget series mula sa online writing site na Wattpad.

“Pero siyempre po, gusto kong manalo dito,” sinabi pa ni Bryan.

Sino sa tingin niya ang mahigpit niyang kalaban sa To The Top?

“Sa ngayon po parang hindi ko pa maturo kung sino pero sa nakikita ko po, sobrang competitive nila, ang daming nag-i-step-up so ang ginagawa ko binibigay ko yung best ko.

“Nagte-train po ako ng sobra, binibigay ko ko yung lahat ng makakaya ko.

“Lagi kong iniiisip na andiyan yung tatay ko, pinapanood lang ako. Para hindi ako maglaro, para focused lang,” sinabi pa ng twenty-one year old na singer.


DREAM FULFILLED. Pangarap daw talaga ni Chris Yumang na sumali sa isang singing contest.

“Kasi iyon po talaga yung passion ko, singing. And yun po, may nagsabi po sa akin na mag-audition po dito sa To The Top.”

Wild card rin si Chris sa contest tulad nina Cholo dela Cruz, Seph Manlapaz at Lharby Policarpio.

Ano ang pakiramdam niya na pinalad pa rin siyang makapasok sa top eighteen?

“Siyempre masaya po at nagte-thank you po kay Lord kasi binigyan niya ako ng second chance.

“Saka sa GMA po, nagpapasalamat po talaga ako kasi binigyan po talaga nila akong pangalawang pagkakataon para ipakita yung talent ko sa mga tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idolo ni Chris sina Bruno Mars at Gary Valenciano at crush naman niya ang Ismol Family mainstay na si Bianca Umali.

Hindi pa raw niya nami-meet ng personal ni Bianca at nais raw niya itong maging kaibigan.

CLASSIC SOUL SINGER. Ang 20-year-old performer na si Lance Busa ay sumali sa To The Top dahil nais niyang ipakita sa publiko ang talent niya.

“Matagal ko na nagdyu-join talaga ng mga contests kasi gusto kong marinig talaga ng mga tao na siyempre singer ka, kailangan mo talagang ipakita sa mga tao, huwag mong itago.

“Tapos yung pamilya ko singers din sila.”

Classic soul ang genre ni Lance bilang isang mang-aawit.

Idolo niya si Luther Vandross at sina Gary V, Kris Lawrence at si Jay Durias.

Unang beses na sumali sa isang contest si Lance.

“Hindi po ako aware nun kasi wala pa po yata ako dito nun, nasa Mindanao pa po ako.

“Mahirap po kasi magkaroon ng connections na parang galing ka dun tapos magsisimula ka dito, ikaw lang mag-isa, di ba po?”

Lumuwas ng Maynila si Lance noong 2011 mula sa Butuan. Naka leave of absence (LOA) siya bilang estudyante ng Tourism sa College of St. Benilde sa Taft.

“LOA po ako. Graduating, dalawang terms na lang [to go]. Pero alam sabi ko, ‘Once in your life, do this for yourself. Make a change.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN