Bearwin Meily performs illusions in "Thou Shalt Not Blink" on April 27


Bearwin Meily shows off his illusions and his ability to perform teleportation in the QTV-11 show, Thou Shalt Not Blink. It will be aired this Sunday, April 27, at 9 pm.


Muli na namang magpapakita ng husay sa kanyang pagiging illusionist ang TV and film comedian na si Bearwin "Da Bear" Meily sa pamamagitan ng isang magical special sa QTV-11, Thou Shalt Not Blink.

Pagkaraan ng matagumpay na one season special niya last year na Stealing Minds (na pinalabas din sa QTV-11), mas pinagbuhusan ng hirap ni Bearwin ang one-night magical special na Thou Shalt Not Blink na mapapanood na this Sunday (April 27), 9:00 pm.

Ang naturang two-hour magical special ay kinunan documentary-style sa California, kung saan tumira si Bearwin at ang kanyang misis na si Lara (na naging cameraman niya) for two months. Ang mga illusions at magic na ipapakita nga rito ni Bearwin ay one year niyang pinag-aralan sa pamamagitan ng research at training.

"Kung sa first magic special ko ay nakasama ko si Criss Angel, dito sa second magic special ko ay nabigyan ako ng welcome ng Ellusionist.com. Isa itong US-based online community para sa mga gustong matuto ng mga high-impact magic tricks. Pinayagan nila akong mag-shoot sa kanilang headquarters at ilalagay nga nila itong special ko sa website nila.

"Ang mga ipapakita kong magical performance sa special ay first time na mangyayari ito sa Philippine television. At malaki ang pasasalamat ko sa suporta na bigay ng magic community dito sa Pilipinas at ang suporta rin ng Ellusionist.com."

Isa pang highlight ng magical special ni Bearwin ay ang pag-training niya para magbawas ng timbang mula 199 lbs. to 170 lbs. May rason kung bakit kailangang ipakita na nagpapapayat siya.

"The big reason para sa pagbawas ko ng timbang ay para sa finale ng special kung saan gagawin ko ang teleportation. This is another first sa Philippine television kaya gusto kong tutukan nila ito ng husto. One-time big time ito kaya hindi dapat ma-miss.

"Kung sa sitcom noon na Lagot Ka... Isusumbong Kita ay nagsimula ako doon sa mga card tricks at sa mga street magic, ngayon mas nasa ibang level na. No one has ever done an actual teleportation sa local television natin. Gagawin ko 'yan para lang sa mga gustong makapanood ng kakaibang magic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bilang teaser, ipapakita ko ang sarili na nasa GMA Network Center ako sa Timog Avenue corner EDSA. Habang pinapakita ko ang map kung gaano kalayo ang GMA sa EDSA mula sa bahay namin sa Cainta, magugulat na lang sila na biglang nasa bahay na ako in Cainta. One continuous shot, no camera tricks and no video edit. Kung gusto ninyong mamangha, please watch this magical special."

Birthday gift ni Bearwin para sa kanyang mga fans and at the same time ay pa-birthday niya for himself ang Thou Shalt Not Blink. Nag-celebrate siya ng kanyang kaarawan last April 4.

Bukod kay Bearwin ay makakasama rin niya sa Thou Shalt Not Blink ang master magician na si Lou Hilario. Si Francis Magalona ang nag-compose at nag-perform sa soundtrack ng naturang special.

Mapapanood din sa special ang mga celebrity guests ni Bearwin na sila Richard Gomez, Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Marian Rivera, John Estrada, Vhong Navarro, Leandro Muñoz, Miguel Vera, Anjo Yllana, Yasmien Kurdi, Rayver Cruz, and Ms. Gloria Romero.

Sa April 26, Saturday, naman ay muling ipapalabas sa QTV-11 ang Stealing Minds.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN